Bridgestone University

11 0 0
                                    

"Good morning everyone!" Excited kong bati kina mama, papa at kuya Ethan.

"Good morning Ellie. Mukhang excited ka ah, maupo ka at kumain na" sagot ni papa kaya umupo na ako at sinabayan silang magbreakfast.

"Anong oras ka papasok sa school Ellie?" Tanong ni mama

"Mamayang 8 am po ma" sagot ko

"Sumabay ka na sa kuya mo" sagot ni mama.

First day of school at kasabay ko si kuya pupunta ng school? No way! Napaka kill joy at annoying pa naman ng taong to!

"Wag na ma. I can manage on my own. Si Manong Dante nalang maghahatid sa akin at sigurado naman akong ayaw akong kasabay ni kuya.. diba kuya?" Sagot ko habang nakatingin kay kuya na busy sa kanyang cellphone. Sino ba ka text nya? Girlfriend?

Ibinaba ni kuya ang kanyang cellphone at sabay sabi "It's Ok. Sumabay ka na sa akin. Hinihintay ko lang dumating si Cade .. oh andito na pala sya"

Napatingin ako kung sino ang pumasok sa dining area namin. Ohhh Shiiit! Ang gwapo nya! "Good morning Tito.. Tita" Nakangiti nyang bati sa aking mga magulang. Infairness mas charming sya pag nakangiti.

"Oh Cade mabuti naman andito ka. I want you to meet my daughter Ellie and Ellie this is Cade. Anak sya ni Mr. Rivera isa sa mga pinakamayaman na negosyante dito sa Pilipinas at Asia" pagpapakilala ni papa.

"Hi" yun lang nasabi ko.. hindi ako makapag react.. mahirap talaga pag lumaki ka sa isang all girls school madalang ka lang makakita ng gwapo.

"Uy Bro. Di ko man lang alam na may maganda ka pa lang kapatid" sabi ni Cade kay Kuya.. Maganda daw ako? Nakakakilig naman! Napangiti tuloy ako sa sinabi nya.

"Hindi mo na sya nakilala kasi lumaki sya sa probinsya and she is off limit!" Seryoso sagot ni kuya kay Cade. Ano ba yan panira talaga tong si kuya haayyy...

Itinaas ni Cade ang kanyang dalawang kamay sabay sabi "Chill Bro. Of course.. so lets go at baka ma late pa tayo sa klase"

Tumayo na kami dalawa ni Kuya Ethan at nagpaalam kina mama at papa.

"Bye mga anak! Ethan.. Cade bantayan nyo si Ellie ok?" Sabi ni mama.

"At Huwag nyong hahayaan na kahit sinong lalaki lumapit dyan kay Ellie" pasegunda naman ni papa.

"Don't worry pa. We will make sure of that." Sagot ni Kuya Ethan

"Really? FYI hindi na po ako bata kaya dapat hindi nyo na ako pinag....... hmmm... ahmmmm...hmmm"

Di na ako nakapagsalita dahil tinakpan ni kuya ang aking bibig at hinila na ako palabas ng bahay.

Few minutes later..

Nakarating na din kami sa Bridgestone University at WOW sobrang laki ng school at ang dami namang gwapong estudyante dito. Tama pala ang chismiss na naririnig ko na ang isa sa highlights ng Bridgeton University ay ang mga gwapo nilang estudyante. Hindi lang mga mayayaman nag aaral dito kundi mga gwapo din. Nakakaexcite! Hindi ko tuloy mapigilan itago ang ngiti ko dahil sa excitement. Dito ko na ba mahahanap ang aking The One?

"Look girl nandito na si Ethan at Cade.. OMG ang gwapo talaga nilang dalawa!!!"

"Oo nga! Hindi talaga nakakasawa tingnan ang kanilang mga mukha.. Wait sino yung kasama nila na babae?"

Bulongbulongan ng mga babae habang naglalakad kami sa hallway.

"Ang ganda nung babae oh.. tingin mo girlfriend kaya yan ng captain ng basketball team o ni Cade?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love's ObstacleWhere stories live. Discover now