Kalokohan 1

129 6 2
                                    

rionadelossantos

Para sayo 'to besplen! XD at syempre, sa mga readers (kung meron man), para sa inyong lahat 'to! ^^. Arigato gozeimasu, thank you very much, maraming salamat at tenkyu beri mats! XD hahaha. Eto na poooo....

_*_*_*_*_*_

Riona

Nakatitig ako sa kalendaryo at pinagmamasdan ang number 5 of june na nakangiti pa sakin.

Waaaahh!! Ano bang ginawa kong hindi pangdyosa para parusahan ako ng ganito!?

Good Bye Heaven days! T.T

siguro nagtataka kayo kung bakit nagdadrama ako noh?

Kasii po, bukas is another day! *roll eyes* kasi bukas may klase na! At kahit gaano pa ko katalino at karaming stock knowledge sa storage ng aking brain eh nababagot din ako no! Di porket dyosa ako perfect nako, luh! Sinagad mo naman,

ALMOST perfect lang *wink* sablay kasi ako sa paguugali, mas bagay kasi sakin ang bad girl. Hashtag medyobadgirl, este medyobadnaDYOSA.

Tss, napalingon ako sa orasan na katabi ng aking kalendaryo. 10:34 na pala. Tumayo ako sa aking kingsize bed. (Oo kingsize, angal ka?)

Pumunta ako sa fridge na nasa kwarto ko, yes! May fridge sa kwarto ko, mabilis kasi ako magutom, so i told mommy to put fridge in my room here in MY house. ganun ako kayaman, (di ka pa nasanay eh halos lahat ng character sa wattpad walang magulang o kaya may sariling condo at bahay -_-)

Kumuha lang ako ng freshmilk, habang umiinom ako biglang nagring ang aking pangdyosang IPHONE 30+ KO, (wag ka ng magulat kung may iphone 30 na kasi sobrang hi-tech sa wattpad)

*bshhuuu*

(Sound effects)

Bastos yung tumawag ah! Alam na nainom ako, yan tuloy natapon yung pang dyosang milk ko.

"Hel--
(Hi riona! May school supplies ka? Im sure wala pa, tara mall! Bili tayo! Tapos daan tayo sa World of Fun, tapos punta tayong Tom's World pagkatapos diretso tayo sa Story Land! Kung gusto mo punta rin tayong enchanted kingdom sakay tayo ng mga rides ha? Wag tayo papasok sa horror house katakot duuun!! Wag rin sa rollercoaster baka mahiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko huhuhu, pero pagtapos natin sa e.k. punta tayong starcity ha? Yess!! Ang saya tapos uwi agad tayo kasi may pasok bukas!)
"Teka-teka kala ko ba bibili tayo ng school supplies?"
(Ay oo nga! Sige isingit nalang natin sa paglaro! Sige bye! Lablab!)
"Ha? Wait di pa pumapayag ang dyosang si ---
*tooot tooot*
Ako"

Wait! What just happened? Una natapon yung fresh milk ko, pangalawa, di nya ko pinatapos sa sinasabi ko, pangatlo, di nya in-ask kung payag ako. Panglima, ay mali! Pang apat, di nya sinabi kung anong oras, at higit sa lahat binabaan nya ko-- BINABAAN NYA KO!?

tinawagan ko sya , wala pang dalawang ring sinagot nya na,
(Hi! Miss mo agad ako? Wala pang five minutes ah? Yaan mo mi--
"Di ako sasama, mahal oras ko."
*tooot tooot*

Pagkasabi ko nun tinapom ko na sa gilid ng kama ko ang iphone 30+ ko at humiga uli.

*sigh* bat may kaibigan akong may saltik sa ulo?

Nagtataka kayo kung sino siya? Pwes nagtataka rin ako kung bakit sya nasama sa kwento kong pangdyosa.

Oh well di na sya importante, MAS importante ako kaya mas pahalagahan nyo ko *smirk*

Kumuha na ko ng towel at dumiretso sa cr at ginawa ang dapat gawin. Baka gusto nyo idetalye ko pa? Wag na baka gayahin nyo pa maligo ang dyosang ako *wink*.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis nako, malamang diba!? -_-

*ding dong* (ni marian)

May bisita ba ko? Bumaba ako sa kwarto kong nasa 3rd floor.

Binuksan ko yung napakalaking pangdyosang pinto,

"Hiii riona!! Im---"

*boogsh*

Bago nya pa tapusin ang sinasabi nya ay sinaraduhan ko na dya ng pinto. Tss, daldal. Umupo ako sa couch at tinuloy ko ang pagpunas sa buhok ko. Rude ba? Masanay na kayo. Alam ko naman kasing makapal ang muka nun at susunod yon,

"Riona! Youre so bad talaga!*pout*" tsk childish.

"Isa pang pout hahatakin ko na yang nguso mo para permanenteng nakaganyan na yan." Nagulat sya sa sinabi ko kaya ayun dalidaling tinakpan yung labi nya. Good.

"By the way, why are you here? Dont tell me na sinusundo mo ko?"

"Chempwe numun!" Sagot nya nang nakatakip pa rin ang bibig sa kamay-- este, kamay sa bibig. Tss. -_- Nakakainis talaga 'to.

"Hindi ako sasama." Namilog agad ang mata netong abnormal sa harap ko. -_-

"HUWAAAAATTTT???!!! Pano na lang yung laruan na naghihintay satin sa Tom's World?! Yung karaoke sa World of Fun?! Yung Mini Anchors Away sa Story Land?! Yung Stuffed Toys sa Enchanted Kingdom?! Yung Fishes na nangangain ng paa sa Star City?! HUHUHU! Inaantay nila tayooo!" sa totoo lang himala talaga at naiintindihan ko 'tong isang 'to sa bilis magsalita eh. Oh well, DYOSA kasi ako. *wink*

"Tapos ka na?" Walang kaintiinteres na tanong ko. Na inilingan nya naman ng sunud sunod. -_-

"Tapos yung--- ARUCH! MASHAKEEETTT!!!" Tss. Don't mind her. Ako naman ang bida eh. Pero sa mga ususero at ususera dyan, sasabihin ko na rin. Andaldal kasi masyado, binato ko tuloy ng unan. OA lang talaga yan at ganyan mag react. -_-

"Sige sasama na ako. Wait for me."

"Teka, di ka ba magsosorry? =3=" -takas sa mental...

"At bakit naman?" -Dyosa. (Me of course. Dyosa ka ba para maging ikaw 'to? Tss.)  I shot one of my pang dyosang kilay upwards.

"Kasi binato mo ako ng unan." Seriously, dapat dinadala ko 'to sa doctor para ipa-check ang nguso nya. Nangangawit pa ba 'to?

"Unless gusto mo bumili ng gamit mag isa at magpaka takas sa mental na naman sa daan, go lang." Arte talaga neto. Tss. Sasamahan ko na nga kahit may kasalanan sakin eh.

"Sabi ko nga eh. "

After I changed my clothes, combed my pang dyosang hair we're off to the mall.

"Alam mo ba Riri, blahblahblahblahblahblahblahblahblah tapos balah blah blahblah---" tss. Hindi ko na pinakinggan. Bakit ko pakikinggan eh nonsense naman? It's not worthy of my knowledge. Drive lang naman ng drive...

*PEEP PEEEEEEEEEEPPPP* (sound effects yan. Pagtyagaan mo.)

*BOOGSH*

"Ouch! Ah sh*t!" Naman! May balat ata sa pwet 'tong si takas sa mental eh! Tsk! I rolled my side of the window and...

"GET A LIFE MORON!!!" Sigaw ko sa kaskaserong driver na nakabangga samin. Eeyyyrrgg! Nauntog ang pangdyosang brain kooo!

Driving driving lang hanggang sa dumating na kami. Bumaba na ako sa sasakyan ng takas sa mental and put my sunglasses in my eyes.

"Let's do this thing."

*****

A//N : Hi everybody! Salamat sa pag-iintay ng UD. ^_^ Pinalitan ko po ang chapter na 'to. Ang boring po kasi nung una. Kahit ako na-bored. So, yan. Tnx.

At SORRY SORRY SORRY PO TALAGA SA TAGAL NG UD. HUEHUE. T.T Understand na lang po sana kasi malapit na yung Battle of the Bands...

Gwen, Jeanne, maghintay kayo! Haruuuuujusko! Besties naman eeiii! :3 alam nyo namang miss ko na kayo. Muah. :*

At dahil tamad po ako magtype ng AN, that's all po.

(Tamad na ako sa lagay na yan nuh? XD mwehehe.)

~Nikki

Class Kalokohan 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon