Naabutan ako no'n ni Ssen na yakap-yakap si Alelie...
“Kung hindi ka lang nagdadalang tao sa pamangkin ko. Kinaladkad na kita.” ngiwi at naiinis na sabi ni Ssen.
Pinilit ko kasi silang kumain. Yes, SILA. Kasama ang tatlong lalaki.
Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi niya.
“I just wanna eat, Ssen. Bakit ba ang sungit mo?” irap ko.
Umirap din siya at nag-kunwaring ihahampas sa akin ang hawak niyang kutsara.
Nilingon niya si Third na nasa tabi ko, “You think papasakal-- I mean, papakasal sa'yo ang pinsan ko kung sakaling mapapayag mo nga si Lolo? Taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Tsk.” walang prenong salita ni Ssen.
Ano ba'ng mayroon sa kanya at napakasungit niya yata ngayon?
I thought she likes models? What happened?
“Sharmaine, stop it. Let's just eat.” Saway sa kanya ni Alelie.
Binalingan agad ni Ssen si Alelie, “Girl, walang mali sa sinabi ko. Pawang katotohanan lang.” irap na sagot ni Ssen.
Napailing na lang si Alelie sa kamalditahan ni Ssen. Kahit kailan talaga.
Pansin ko na halos himdi na makakain ng maayos ang mga kasama namin dahil sa mga pinagsasabi ni Ssen.
Hayyysss... Kakahiya.
“I just want this guy to realized na hindi lahat puwede n'yang makuha dahil lang sinabi niya at gusto niya.” dagdag pa ni Ssen saka tuminging muli kay Third...
My gosh, Ssen. Puwede bang kumain ka na lang muna?
“I got your point, Sharmaine.” Alelie said.
Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor saka buong atensyon niyang ibinigay kay Ssen ang kanyang tingin saka muling nagtanong.
“Pero, alam mo ba kung bakit at ano ang ginagawa natin dito sa lugar na ito ng ganitong oras ng gabi?” tanong ni Alelie kay Ssen at inikot niya ang tingin niya na parang may gustong ipahiwatig kay Ssen.
Iginala ko rin ang tingin ko.
Yes, naabutan na kami ng gabi.
Iginala ni Ssen ang tingin niya gaya ng ginawa ni Alelie saka muling ibinalik nito kay Alelie ang tingin. Tinaasan niya ito ng kilay.
“We're here to eat, Sharmaine. Hindi tayo pumunta rito para mag-interrogate ng tao. We're here to eat, remember?” kalmadong paalala ni Alelie kay Ssen.
Napatango-tango ako. Isa-isa kaming tiningnan ni Ssen ng mapagtantong tama si Alelie-babe. She pouted. Natawa ako.
Gusto ko talaga pag nagtatalo itong dalawa... Or kapag hindi na nakayanan ni Alelie ang tabas ng dila ni Ssen...
Haha. Napapatahimik kasi agad si Ssen kapag si Alelie-babe na iyong nagsalita. Lagi kasing tama. Hahaha.
“Don't get me wrong, Sharmaine. Pansin mo bang kanina ka pa nag-su-sungit? Lalo na sa tatlong kasama natin dito.” ani Alelie saka tumingin sa tatlo. Go, Alelie-babe! Haha.
“Maiintindihan ko pa kung isa sa kanila ay EX mo--” naputol ang sinasabi ni Alelie dahil sa pagsingit ni Ssen.
“What the hell? EX!?” Irap na pagtanggi niya. Tsk. Defensive.
“Hayy. O kaya naman ay dahil ngayon ko lang nasabi ang tungkol sa lalaking papakasalan ko. But, no.” ani Alelie.
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita saka ipinatong ang siko niya sa lamesa saka seryosong tumingin kay Ssen. Go, Alelie-babe!
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomanceCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...