Gabi kung saan wala ng tao ang dumadaan sa lansangan habang umuulan, isang lalaki ang tumatakbo nang mabilis sa takot dahil may inaatake at hinahabol siya na hindi malaman ang dahilan.
Ang lalaking ito ay may sugat ng saksak sa kanyang kanang braso at hawak niya ito upang pigilan ang pagtagas ng kanang dugo
Hinahabol ang kanyang hininga mula sa pagod ng pagtakbo
Kumakabog ang puso sa kaba at takot dahil sa kanyang nakita
Isang lalaking kulay itim lamang ang suot ang kanyang nakikita naka blackhood ito at madilim ang mukha
Sa unang tingin ay parang wala itong mukha na may hawak lamang na malaking patalim
Ito ay parang anino lamang kapag iyung iniisip
Mayroon itong malaking katawan, malakas at maliksi gumalaw
Lumingon ang lalaki sa kanyang likodan upang tignan kung nasaan ito ngunit wala na ito sa kanyang paningin
Ngunit nagulat siya sa pagharap sa kanyang nakita
Hindi na siya nakailag at nakasigaw sa sobrang bilis ng pagsaksak sa kanyang leeg
Napaluhod siya habang naliligo sa sarili niyang dugo ngunit hindi pa dito nagtatapos dahil
Giniliitan ulit ang lalaki sa leeg hanggang sa maubos ang kanyang dugo at nawalan na ito ng buhay
Ang katawan ng taong wala ng buhay ay sinulatan ng lalaking may hawak na patalalim na may nakasulat na tala dito
'Ako ay isang mamamatay-tao huwag tularan'
At umalis ito habang naglalakad habang umuulan na para bang wala lang nangyari
At iniwan lamang ang bangkay sa kalsada habang nakahandusay lamang sa lupa.
.
.
.
.
.Ako si Steve Park naging police detective sa edad na 22 taong gulang
Half filipino half american
24 taong gulang ako ngayon ngunit makalipas ang tatlong taon ay hindi ko pa rin nahanap ang taong pumatay sa aking kapatid na si Tasha. 18 taong gulang lamang sya noon.
Hindi ko makakalimutan ang gabi kung paano gumuho ang aking mundo nang makita ko ang aking kapatid na wala ng buhay
hubad at wala ng saplot sa pangibaba, ginahasa at pinatay ng walang kalaban-laban at awa
sinaksak sa leeg puno ng tadtad sa katawan at naliligo ito sa sarili nyang dugo
Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang aking sarili mga sa nangyari
Hindi ko man lang sya na proktahan
Ni hindi ko man lang natupad ang pangako ko kina mom at dad na habang buhay ako ay protektahan at alagaan ko si Tasha
Patawarin nyo ako mom, dad dahil hindi ko man lang natupad ang pangako ko na poprotektahan ko si Tasha
hindi ko man lang siya naalagaan nang maayos
Ni hindi ko nga na paramdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal
Tasha sana patawarin mo ako
Mom..Dad ... Tasha
Huwag kayung magalala
Kaya ko ang sarili ko
Huwag kayong mag alala pagbabayarin ko ang mga pumatay sa inyo lalo na para sa iyo Tasha hinding hindi ako titigil hanggang hindi ko makukuha ang totoong hustisya
Sa mga pamilyang nasira
Sa mga anak na naiwan
Mga kriminal na pumapatay nang walang kalaban-laban at walang awa
Buhay ang kinuha
Buhay din dapat ang kabayaran!
BINABASA MO ANG
The Good killer (Tagalog Original Version)
Mystery / ThrillerMasama ba ang pumatay? Sa iba oo pero saakin hindi kung ang taong papatayin mo naman ay katulad mo mamamatay-tao Bakit? Dahil ang mundo ay nababalot ng kasamaan sa mundong punong-puno ng patayan at kasakiman Patayan kung saan-saan dapat na itong mat...