Chapter 16: Ain't my girl

27 4 1
                                    


Naglalakad si Marvin at ang misteryosong babae na nagngangalang Fatima papunta sa lugar ng mga mangkukulam. Kapansinpansing parang wala sa wisyo kung maglakad ang binata.

Habang naglalakad ay hindi maalis sa isip ni Marvin ang kaniyang pamilya. Patay na ang kaniyang ama, Nasa pagamutan ang kaniyang ina, at nawawala ang kaniyang ate na marahil ay ginawa ng parausan ng mga halimaw na iyon.

‘…gusto mo siyang patayin tama ba? Hindi mo matanggap na ang mga katulad niya ay namumuhay ng masaya, samantalang ikaw hindi..?’ Tanong ng dalaga na biglang nagpatigil sa kinatatayuan ni Marvin. Napayuko ito at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga dagger.

‘…PInatay nila ang ama ko… Sinira nila ang pamilya ko…’ May diin na sagot ng galit na binata. Punong puno ng pagka poo tang kaniyang puso, buti na nga lang at hindi nya napatay ang pamilya.

“Marvin tama ba? Alam mo ang pamilyang yun tumakas lang sa forbidden realm para mamuhay ng tahimik. Oo maaring masama karamihan sa lahi nila pero sa mundong ito wala kang masasabing perpekto…. Biktima lang din ang lahi ng mga minotour kagaya mo… alipin lang din sila ng totoo mong kalaban.”

Sasagutin na sana ni Marvin ang babae ng bigla na naman itong nagsalita.

“Sya nga pala nandito na tayo sa lugar ng mga witch.”

Tumambad sa mata ni Marvin ang napaka gandang syudad at isang misteryoso na namang bababae. Ngunit sa ngayon ay pamilyar na pamilyar ito sa kanya.

“A…ate Ab..y”

***

Isang napakagandang babae na may mahabang pulang buhok ang tumaambad sa kanila. Nakasuot ito ng itim na robe at nakasakay sa isang walis. Hindi makapaniwala si marvin sa kaniyang nakikita. Ang buong pag aakala nya ay nakuha nan g mga umatakeng minoutour ang kaniyang kapatid. Yayakapin n asana ni Marvin ang kapatid ng bigla itong magsalita.

“Ahhh..kumusta ako nga pala si Alyer marahil ikaw si Marvin? Ang pinadala ng Truth Assassin? Sa naalala ko ay ikaw lang dapat mag-isa hindi ko alam na kasama mo pala ang iyong kasintahan.” Magalang na pagpapakilala ng dalaga.

Napako sa kinatatayuan nya ang gulat na gulat na binata. KUnga ano ano ang pumasok sakaniyang utak.
(Ate… ate… Bakit parang hindi nya ako maalala. Anong nangyari sayo ate? Kagagawan ba ito ng mga minotour? O baaka binura ng mga witch ang mga alal ala mo?.... Ate ipaghihiganti ko kayo…IPAGHIHIGANTI KO KAYOOOOOO)

It ang mga salitang umiikot sa isip ng hindi makagalaw na binata ngayon. Bagaman nakokontrol na nya ang kaniyang magic ay lumalabas parin ang kaniyang itim na aoura. Bumalik lang sya sa wisyo ng makarrinig sya ng mga salita.

“Fatima Thrust, mula sa lipi ng mga Elf. Ikinagagalak ko po kayong makilala”
Lumuhod ang isang dalaga. Naka suot ito ng violet na tunic violet na palda at brown na abot tuhod na boots. Kapansin pansin ang kulay ube nitong mga mata at ang kanyang blond na buhok.

“Naatasan akong bantayan ang lalaking ito.” Mukhang labag sa loob na sabi ng babae.

***

Naglakad ang tatlo papunta sa kung saan at kapansin pansin na titig na titig si Marvin sa dalagang nagngangalang Alyer. Kamukhang kamukha ito ng kanyang Ate, Ang kinaibahan lang ay mas mapula na ang buhok nito na nagpatingkad pang lalo sa kanyang kagandahan.

Tahimik lang ang paglalakad nila, parang sobrang bagal lang ng oras ng mga panahonna yon. Ang daming bumabagabag sa ulo ni binata. Mga katanungang malapit nya ng malaman.

***

Di naglaon ay nakarating na sila sa isang magarang mansion. Dalawang palapag ang mansion at meron din itong magarang hardin. Meron itong gate na kulay puti at meron din itong simbolong Cross sa gitna.

Pagtapat nila dito ay kusa na lamang itong bumukas.
Tahimik parin silang naglalakad. Maya-maya ay nakarating sila sa isang malaking kahoy na pinto. Mahogany ito at may mga nakaukit na parang may naglalaban. Tinitigan nila ito mabuti puwera kay Alyer.

Sinusupil ng mga putting nilalang na may pakpak(galing sa ibabaw ng mga ulap) ang mga pulang nilalang na galling sa ilalim ng lupa.

‘I kyria éftase (Dumating na ang binibini)’ Biglang nagsalita ang puting nilalang na naka ukit sa pinto.

Biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad ang maluwang na bahay. Katulad ng bahay ni mang Ramon ay puro libro din dito. Ang kaibahan nga lang ay maayos ang maluwag na library house na ito. Ibang iba sa marumi, magulo at makitid na bahay ni Ramon.

Dumiretso sila sa likod bahay at duon nakita nila ang mga gnome na nag tratrabaho sa hardin. Mga putting rosas ang nakatanim sa malawak na hardin. Sa sobrang puti dito ay sa tingin mo palang ay parang sobrang ginhawa ng mga bagay bagay.

Hmmmm
Hmmmm
Hmmmm
Hmmmmm

Tinig ito ng isang lalaki habang nag hum. Sinundan ni marvin ng tanaw ang tinig at nakita nya ito sa may gazebo na may nag tsatsaa. Isang itong lalaki na kung titingnan mo ay nasa dalawmpung taong gulang na. May matatangos itong ilong, kulay asul na mga mata na para bang langit sa katanghalian. Meron din itong kulay asul na semi-kalbong buhok. Nakasuot din ito ng kulay putting toga.

“Kalos Irthate(Maligayag pagdating)” Sambit ng lalaki na tumayo at inilahad ang mga kamay.

“Maligayang pagdating sa Sofia naos ang himlayan ng kaalaman. Ako nga pala si Efer ang pinuno ng lahat ng mga Plirofories sa mundo. Sa madaling sabi ay tagapag ingat ng mga kaalaman.” Pagpapakilala ng lalaki.

Ang mga Plirofories ay mga tagasunod ni Anthony of Wisdom. Sila ay sumusunod sa pilosopiya ng taong ito at…

“Ang kaalaman ay siyang daan uoang Makita mo ang liwanag.”

Sambit ni Efer habang naka tingin kay Marvin.
Nakatayo lang si Marvin at si Fatima  at masusing binabantayan ang mga kilos ng lalaki. Habang ang babae na sumundo sa kanila ay bahagyang nakayuko na ngayon.

“Iha ihanda mo ang kanilang pansamantalang matutulugan” Utos ng kalbo na  agad namang sinunod ng dalaga.

“Uhm tulungan na kita.”Sa wakas ay nagsalita din ang mga bisita.
Umalis na ang dalawang babaeat naiwan ang tatlo sa may gazebo.

“Ngayon bago mo ako tadtarin ng iyong mga tanong ay sasagutin ko na agad ang ilan dito. Oo kapatid mo sya at wala akong kinalaman sa pagkawala n gala ala nya.”

Nakatitig ito sa mata ni marvin habang nagsasalita. Sobrang buo ng boses nito na para bang mga kulog ngunit para bang dinuduyan ka din nito.

“Ano pong nagyari sa kanya?  Pano sya nakatakas? Bakit……Bakit hindi nya na ako maalala.”

Sunod sunod na mga tanong ni Marvin. Kapansin pansin ang pagmamadali,lungkot at pag aa lalasa tono ng boses nito.

“Marahil ay mas madali kung makikita mo Mismo”

Recollection







Hello po nagbabalik po ako hahaha lagpas kalahating taon din po akong di nagsulat. Pero ayown hahaha eto po ang umpisa ng volume 2 ng Marvin sana magustuhan nyo.
Q: dahil volume 2 na ito maglagay pa ba ako ng recap? Comment nto nalang po hihihihihi salamatttttttttt
P.S. Raw palang poi to hihihi kaya sensya.

Marvin : Load of greed (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon