PROLOGUE

2 1 0
                                    

......

"Okay class that was all for today!  See you next week and Don't forget to   answer your assignments okay? "

Oo nga pala may klase nga pala pero ang isip ko limilipad kung saan saan.

Nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko pero ako nakatanaw parin ako sa labas ng bintana. Daig ko pa yata ang pinagasakluban ng langit at lupa.

"Iza"

Siguro sa past life ko napaka sama ko siguro, kaya binabanatan bako ngayun.

"Iza!"

"Hmm" buset kanina pa eh

"Bat para byernes santo yang mukha mo?"dian my bestfriend since i was 5

"Ah wala may iniisip lang ako" itinuon ko ang paningin sa kanya at ngumiti.

"Tara na?"tiyaka ako tumaya at kinuha ang mga gamit . Pero napahinto ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko, kaya napa aray ako

"Ano to? " tukoy niya sa braso ko na binawi ko kaagad pero marahas niya ulit itong kinuha at tinaas ang mangas ko

"Ah n-nadapa l-lang wag mong pans-"

"May nadapa ba bang malaking Paso sa kamay iza?"

"Di no, n-nadapa to kanina kaya medyo namaga at namumula heheeh "kaya binawi ko kaagad ang kamay ko. Pero alam ko na hindi siya naniniwala

"Tara punta tayung clinic" dinako naka pag angal dahil hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako papuntang clinic.

"Ano ba dian, wag masyadong mabilis tinitignan tayu ng mga study-"

"Wala akong paki Iza! Dios ko naman kailang ba sila matitigil sa pananakit sayu!"

"A-ano ba hinaan mo b-boses m-mo dian, t-tiyaka d-di naman niya  s-sinasadya y-yun"di talaga ako magaling magsinungaling nauutal ako

Di siya kumibo at nagoatuloy sa paglalakad pero galit na galit mukha niya, napa bunting hininga ako. At namalayan ko nalang na pumasok na kami ng School Clinic

"Good afternoon nurse, ahm pwede poba pakitignan po yung kaibigan ko may nagpa-

"Ah napaso po ako kanina sa k-kalan habang nagluluto po ako diman mo medyo malala"pinutol ko ang sinasabi ng kaibigan ko para di nila malaman baka ipa pulis nila si mama. Eh si Mama nalang kasama ko sa buhay eh.

"Halika iha"pinalapit niya ako sa kanya upang tignan ang paso ko. "Saan ba?" Napalunok ako at dahan-dahang tinaas ang mangas sa kaliwang kamay ko. Nanginginig ako habang tinataas ito dahil siguro akong hindi sia maniniwala .

Kumunot ako noon ng nurse  ng nakita niya ang paso ko at tinignan ako sa mata kaya napa iwas ako ng tingin. Bumuntong hininga siya ang nagsimulang linisan ito. Pagkatapos niya linisan ay may nilagay siyang ointment para raw hindi masyadong mahapdi.

"Inomin mo yan" may binigay na tableta ang nurse , gamot daw ito sa paso at hindi ma impeskyon ang paso ko. Tahimik ko itong ininom habang nakatingin sila saakin. Tila ba inobserbahan ako.

"Maraming Salam-"

"Ang Nanay mo naman ba?" napalunok ako at uniwas ng tingin sa nurse. Teka pano niya nalaman?

"A-Ah d-di p-"

" sa oras na maulit pati iza irereport kona yang nanay mo!"napalunok ako sa sinabi ng nurse, sabagay malamang si diane ang nagsabi sa kanya. Oo nga palan ate niya pala tung nurse dito sa school namin.

"O-opo nurs-"

"Ate! Ate Nica" at ngumiti siya saakin

"Salamat po ate nica!"nakita ko ang awa sa mga mata niya pero nagpilit siya ng ngiti at tumangu lang saakin.

Diko naman siya masisi ako nga naawa nako sa sarili ko. Oo sinasaktan ako ng nanay ko , pero okay lang paminsan minsa lang naman eh mga araw araw . Napailing nalang ko sa sariling naisip ko.

"Bakit kaba niya sinasaktan ha? "

"Dinaman sinadya ni mama eh , nakalimutan ko kasing labhan mga damit niya kahapon"

"Ano?! Kunsabagay kahit wala ka namang ginagawa sinasaktan ka parin niya" sarkastiko ang pagkakasabi niya noon sabay ng bahagyang pag-iling. Pinagmasdan ko siya at kitang kita ko ang galit at awa sa mga mata niya ng  ipinukol niya ang paningin saakin.

"A-Ano ka  ba, nasisiguro kung huli nato no , gagawin ko ang lahat para di na siya magalit saakin at di na niya ako masaktan at di ka na mag-aalala saakin" nginitian ko siya na parang sa munti kung ngiti mapapaniwala ko siyang magigung okay rin ang lahat. Hindi siya kumibo at pinagmasdan lang ako.

"Tara na nga baka mahuli pa tayu sa susunid na klase" hunila ko na siya at nagpatuloy kami ng paglalakad pabalik sa classroom. Si Diane ang pinaka matalik kung kaibigan , marami aking kaibigan pero si diane talaga ang palagi kung nasasandalan, alam niya lahat ang mga problema ko

Venomous cureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon