Miss_AppleMae
Sa mundong hindi alam ng mga mortal, may isang kaharian na nakatago sa ilalim ng kanilang mundo-isang lugar kung saan ang mga kaluluwa ay nawawala, ang mga sumpa ay nagigising, at ang mga lihim na itinago ng Heaven ay unti-unting nabubunyag.
Hell.
Isang libong taon na ang nakalipas nang walong magkakapatid na nilalang ang itinakwil mula sa celestial realm. Hindi dahil mahina sila, kundi dahil natakot ang mga nasa itaas sa kapangyarihang taglay nila. Sa halip na tuluyang mamatay, bumagsak sila sa kailaliman at doon nila itinayo ang sarili nilang kaharian.
Ngayon, sila ang mga tagapamahala ng Hell.
At ang pinakabata sa kanila ay si Kaelith Veyr-isang malamig at walang pusong nilalang na matagal nang tumigil maniwala sa konsepto ng destiny.
Hanggang sa isang mortal ang aksidenteng tumawid sa hangganan ng kanyang kaharian.
Si Elara Vianne.