Flash Fiction

61 4 0
                                    

Rain of Beginning.
Isang sakripisyo, isang pagliligtas, at isang pagmamahal patungo sa simula.
***

"Bwisit na buhay 'to!" pambungad na singhal ng binatang si Eros ng marinig niya ang malakas na pagpatak ng ulan. Nadadagdagan na naman ang masasamang pangyayari sa kaniyang buhay marahil puro masasama ang idinudulot sa kaniya no'ng nakaraang araw, bahagya niyang sinabunutan ang sarili ng dahil sa inis na bumabalot sa kaniyang katawan.

Hindi nagpatinag ang ulan at mas lumakas pa ang pagpatak ng mga ito, n'ong una'y wala pang pakielam si Eros at ang ingay lamang ang kaniyang nirereklamo ngunit ng tumagal ang oras ay mas lumakas ito, hindi inaasahang lakas ng ulan. Nagsimula nang pumasok sa bahay ni Eros ang tubig.

Inihanda na lamang niya ang bangka, inilabas ito at doon siya sumakay, ngunit bumilis ang pintig ng puso niya sa kaniyang nakita.

Nakita niya ang malakas na hangin, nililipad na nito ang iba't-ibang klase ng bagay, ang mabilis na pag-alon ng tubig na kayang-kayang tangayin ang isang tao. Humawak na lang siya ng mahigpit sa bangka at ipinikit ang mata.

"Ito na ba ang aking katapusan?" wika niya sa kaniyang isip-isipan.
Pero ang pagkagulat na kanina'y naramdaman niya'y mas lumala nang makita niya ang isang babaeng nanganganak sa isang bangka, nararamdaman niya mula rito ang hinagpis ng babae nang dahil sa pagsigaw nito.

Napa-atras siya mula sa bangka na muntikan pang nahulog ng makita niyang may anghel na tumulong sa babaeng manganak.

Hanggang sa huli'y narinig niya ang pagsigaw ng babae sa pangalan ng bagong silang.

"Hesus. . ." magkatapos itong sabihin ng babae'y nakita niya na nawalan na siya ng malay. Nawalan ng paghinga. Lumisan na ngunit nanatili pa rin ang kasiyahang dulot sa panganganak para kay Hesus.

Bumalik sa isipan niya ang pinakamasakit at pinagsisihan niyang araw. Bumalik sa kaniyang isipan ang mga araw kung kailan niya iniwan ang ina niya dahil gusto niyang makapag sarili.

Sigurado siya na ayaw na sa kaniya ng ina niya marahil iniwan niya ito. Sigurado si Eros na hindi na siya muli tatanggapin ng ina niya.
Nang dahil sa pag-i-isip ay nakita niya na may malaking bagay ang papalapit sa kaniya. Na matamaan lang siya'y paniguradong patay na siya.

Ipinikit niya ang mata niya. Ngunit ilang segundo na ang nakalilipas, wala pa rin siyang nararamdaman na sakit. Nang buksan niya ang mata niya'y nakita niya na lang ang ina niya na inako lahat ng sakit.

"Mahal kita, at lagi kitang mamahalin, anak." Ngumiti ang ina niya at hinawakan ang kamay niya, tumutulo ang dugo niya sa mukha, ilang saglit pa lamang ay nawalan na ito ng malay at bumitaw.

Naantig ang puso niya sa nangyari at napa-iyak. "Ma..." huling hikbing ikinawala niya magkatapos niyang ibuhos ang buong lakas niya sa pag-iyak.

Magkatapos no'y nakita niya na lang ang pagtigil ng ulan at ang pagsikat ng araw sa bagong silang na si Hesus.

Disyembre dalawamput-lima, kung sa'n nagbago ang lahat.

He thought this day wouldn't come...the day where every question will be answered and everything will Get back up again.

The journey is about to begin.

****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rain of BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon