Prologue

25 0 0
                                    

" Who ever gets this rose, Get ready to play the game."

Nagsimula sa isang pustahan

Ano kaya ang patutunguhan?

May LIMANG lalaki na pinagpapatansyahan sa loob at labas ng campus araw-araw.

Mapansin ka lang nila, Milagro na

Eros Eizbern- 'Ang King' His deep round yet emotionless eyes will captivate your heart to fall for him but beware, He's the coldest and ruthless person I ever knew. Walang pakialam sa mga babae, Kapag nagconfess ka dadaanan ka lang nya, Kapag binigyan mo lang sulat? Pipilasin nya sa harapan mo. Look? Riches? Talent? Talino? Nasa kanya na kaya habulin ng mga babae pero sya manhid pa rin. Mas gusto pa yata nyang idate ang sarili nya kesa humanap ng lovelife, In short hindi romantikong tao pero sya ang itinuturing na leader ng grupo.

Gabriel De la Cruz- ' The Playboy' Every 2 days nagpapalit ng Girlfriend depende sa kung ano ang trip nya o mood nya. Katulad ng iba mayaman din sya, May ari ng Hotel at airlines ang pamilya nila all over the world. Kung gumastos walang preno parang tumatae ng pera. Magaling din kumanta at sa martial arts pero para sa kanya walang seryosong relationship. Oo, Bestfriend ko ang mokong na to.

Cross Alstreim - ' The Jack of All Trades' Magaling sa lahat ng bagay na ginagamitan ng kamay. Sya ang Step-Brother ko, Heir ng Alstreim Companies, Walang freedom at palaging pressured sa mga ginagawa nya siguro yun ang source ng kasungitan nya. Di kami close dahil hindi naman nya ako kinakausap kahit noon pa di ko alam kung bakit pero isa sya sa pinagkalooban ng katalinuhan at kagwapuhan ni Lord. Talk about Perfection sya yun.

Shinn Villafuerte- ' The King' Isang Genius dahil sya ang Pinakamatalino at uber talino, The walking calculator, the walking dictionary at the walking historia. Ang IQ nya lang naman ay 225 pero kung ano naman talino nya kabaliktaran ng ugali nya palaging kasama sa gang war at mga laban in short napakabasagulero. Gusto din nya na nakikitang nasasaktan ang iba, Wala syang pakialam kahit may masaktan makuha lang ang gusto nya dahil sa buong buhay nya hindi pa sya natatalo.

Gino Walker- The Narcissus, Bakit? Dahil tokwa gwapong gwapo sa sarili at punong puno ng kayabangan sa sarili. Palibhasa gwapo, mayaman, model, famous, varsity at may mga Psychotic na fans na palaging nakabuntot sa kanya. Magaling kumanta at kahit anong intrument.

Sila ang LIMANG lalaki na magbabago sa buhay ko..

Ako si Illyasviel Azeleia Alstreim

Ako na walang alam sa Pag-ibig..

Ako na ginigugol ang oras ko sa Online Games..

Ako na Dakilang NBSB

Ako na Dakilang Loner..

Ang papasok sa isang magulong mundo kung saan..

Dito ako ang bida.

Pero ito ang simula ng

Pagkikipaglaro ko kay

Kamatayan..

'Ito ang laro kung saan.. Hindi ko alam kung may katapusan at paano ko lulusutan. '

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phantom BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon