OLN - 13

285 7 0
                                    

Napuno ng katahimikan ang lamesa. Mabilis ang paghingang ginawa ni Dad.

Nilingon ko si Lolo, he smiled to me. There's something only I, don't know. Napakabilis naman yata.

Mukhang may alam si Ssen at Charles Ethan. Sila lang namang dalawa ang nakangiti.

Hindi man na ako magtanong. Alam kong na-finalized na nga ang paglipat ng pangalan ng kompanya ni Lolo.

Great!

"Don't fool me, Dad. Alam nating pareho na sa akin mapupunta ang kumpanya mo, right? I'm your only son dahil hindi naman puwedeng kay Elysse mapunta iyon." giit ni Dad.

Nagpunas ng labi si Lolo. Tapos ng kumain. Nagawa pa talaga ni Lolo'ng kumain. Hayy.

"The company's not mine anymore, Alfredo. It's been 3 weeks since it was under Elyssen's and Allessana's." Simpleng sagot ni Lolo.

Nagpupuyos sa galit si Dad saka sumigaw.

"You can't do this to me, Dad! Hindi makakapayag ang board sa gusto mo!" sigaw ni Dad.

Tumayo si Lolo saka bumaling kay Dad.

"It was the board's decision. Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang ginagawa mo sa kumpanya ko?" mariing tanong Lolo.

Nilingon ko si Dad. Don't tell me...

Inulit na naman ba niya?

"Nalaman ko ang paglabas mo ng pera mula sa fund ng kumpanya ko. And for what? Casino?" iling na tanong ni Lolo.

"Alfredo?" tanong ni Tita Alira.

Walang alam si Tita? Huh!

Natahimik si Dad.

"The only reason kung bakit nasa kumpanya ka pa rin ay dahil sa pakiusap ng bastardo mong anak. Haha. Bastardo?" ani Lolo. Nahihimigan ko sa boses niya ang pagkairita.

Nilingon ako ni Dad. I rolled my eyes.

"When the board noticed about the lost money, gusto ka nilang tanggalin. Ipakulong. But, instead of being thankful to Allessana for keeling down to them just to save your face and position. What? You called her a bastard? What a great bastard you have, Alfredo." ani Lolo.

Yes, I actually did. I thought na magbabago si Dad kung hindi muna siya tatanggalin.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at hindi makapaniwala.

"You all may go now. Alexandre Pascuelo, if you're done with your food. Please follow me. Mag-usap tayo sa study room ko. Not here." ani Lolo at umalis. Tumango si Third.

Nakapangalan na sa amin ni Ssen ang company? Alam ba ni Lolo na ganito ang mangyayari?

Nilingon ko si Ssen at ngisi niya ang sumalubong sa akin.

Nilingon ko ang katabi ko ng maramdaman ang kamay niya sa kamay ko.

"I'll talk to your, Lolo... I'll be back." aniya. Tumango ako at umalis na siya.

Nilingon ko ang mga kasama ko rito. Puno ng paghingi ng tawad ang mga mata ni Tita Alira.

Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Dad at ng anak niya kuno bago sila umalis. Naiwan si Tita Alira kasama ang bunso nitong si Chaze.

Mas matatanggap ko pa kung ang sasabihin ni Dad na kapatid ko ay si Chaze. Dahil anak talaga siya ni Dad.

"I'm sorry, Charisse. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakagano'ng dalawa. Please, do everything to stopped them both. Kung kinakailangan mong tanggalin sa company ang Dad mo gawin mo. Please." ani Tita Alira habang hawak ang isang kamay ko.

OUR LUSTFUL NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon