NIGHT Of DESIRE - 11

184 5 0
                                    

Dumiretso kami sa dining kung nasaan sila.

Lolo immediately looked at our direction and he eyed the guy beside me.

“Good noon, Lolo.” bati ko saka lumapit sa kanya para mahalikan siya sa pisngi.

He smiled at me. Tumingin muli siya sa kasama ko.

Kilala siya ni Lolo, alam ko.

“Take a seat. Let's have lunch together.” ani Lolo.

Umupo kami at napansin ko ang tingin ni Mommy sa akin na katabi ngayon si Tito Carlos. Charles Ethan's Dad.

“Nice to see you here, Mom. Tito Carlos.” bati ko. Tumango sila kaya si Dad naman ang binalingan ko na katabi ang asawa nito--bago ring asawa nito, si Tita Alira.

Ngumiti sa akin ang babae ngunit si Dad ay nakakunot-noo.

“Good noon, Tita. Dad.” ani ko. Binati rin ako pabalik ni Tita ngunit si Dad ay mas lalong sumama ang timpla ng mukha.

Binalingan ko na lang si Lolo.

Hindi ko alam kung bakit narito sila Mom and Dad.

“Why are they here, anyway?” I asked.

“Let's talk later, Allessana. Let's eat for now.” ani Lolo.

Allessana.

Napatingin ako sa katabi ko.

Kunot-noo siyang nakatingin sa akin dahil sa pangalang itinawag sa akin ng Lolo ko.

Does that name ring a bell, Third?

I'm Charisse Allessana. The reason why I've known Third Pascuelo is that,

He's part of my childhood.

He's 3 years older than me.

I was just 6 years old when his family decided to left manila at sa US manirahan.

He was 9 years old back then... Pero bakit hindi niya ako makilala?

Hindi niya ako maalala?

Ako pa itong mas bata sa kanya ay naalala lahat kung sino siya at kung ano'ng mga ipinangako niya.

He promised me na babalik siya. Na hahanapin niya ako.

I've waited. For 17 years, I waited for him.

He promised me na hahanapin niya ako at papakasalan.

Maybe I was wrong sa part na naniwala ako at kumapit sa pangako niyang iyon.

Ni hindi niya nga ako maalala, o.

Kaya ganito ako ngayon.

Paano ko gugustuhing maikasal sa kanya, kung hindi naman niya ako kilala?

Kung ang dahilan niya ng pagpapakasal sa akin ay dahil sa nabuntis niya ako. Where's the love?

Do I have to go that far just so I can be with him kahit na hindi niya ako kilala?

“Allessana.” nabalik ako sa realidad ng marinig ang pangalan ko.

Nilingon ko silang lahat at lahat sila ay sa akin ang tingin.

Uh-oh.

“Huh?” tanong ko.

Nakita ko ang pag-iling ni Lolo. Why? What's happening?

“Your Lolo's aking you about this marriage. Do you want this?” Mommy asked.

Napatingin ako kay Lolo. At bumaling sa katabi ko. Nasabi na agad niya?

Gaga! Kung ano-ano kasi iniisip mo!

Oh, shut up.

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Do I want this? Of course.

Pero kung gagawin nga namin ito, tama lang ba?

Tama bang magpakasal ako sa'yo, Third? Bakit ba kasi hindi mo ako maalala?

Kung sana lang ay nababasa niya ang mga mata ko.

I don't want to make him feel na binabaliwala ko ang effort niya.

Siguro naman ay maalala niya ako once na nagkasama kami?

I waited for him for 17 long years.. Magdadalawang dekada na akong nag-antay...

Even if it's not for the baby. I want this. I want this marriage.

Pero siya ba?

I took a deep breathe then I looked at Lolo.

“Yes, Lolo. I want this marriage.” I said smiling. Lolo smiled. Of course he knew why.

Napatingin ako sa katabi ko at nginitian ko siya.

“If you want this marriage just because he got you pregnant, you don't have to do this, Allessana!” mariing singit ni Dad.

I looked at him. Nandito nga pala siya.

Napatingin ako kay Lolo at Mom na naiiling na lang dahil sa sinabi ni Dad.

“It's not like that, Dad. I love him, that's why.” seryoso kong sabi.

Haynako, Third.

“You can't be with him.” ani Dad.

Napakunot-noo akong tiningnan siya.

What?

“What are you talking about, Alfredo?” Hindi na napigilan ni Mom ang magtanong.

Mom's right. What's wrong with you, Dad?

Bago pa makasagot si Dad ay nakarinig na kami ng yabag mula sa pinto at ang tunog ng bawat paghakbang gamit ang high heels na suot ng kung sino.

Nilingon ko iyon at ang di ko inaasahang mukha ang nakita ko.

Azrea...

Yes, Azrea Francisco. 'Yung nabalitang kahalikan ni Third sa isang club.

Ako, si Ssen, si Mom, si Dad at si Tita Alira ang nakita kong bumaling ng tingin sa dumating.

Tiningnan ko ang katabi ko ngunit ang mata niya'y nakatingin sa akin na para bang may gusto siyang itanong.

Nailang ako sa titig niya kaya bumaling ako sa babaeng dumating. Dumiretso ito kay Dad at Tita. She kissed them both on their cheeks.

Ang malaking ngisi niyang iginawad sa akin ng magkasalubong ang mata namin ay nawala ng mapansin ang lalaking katabi ko at nasa akin lang ang tingin.

Of course, she know him.

“T-third?” tila di niya inaasahang narito ang lalaki.

Third? Azrea also called him that way?

Binalingan ko ang katabi ko. Napakurap siya dahil sa pagtawag ng pangalan niya.

Nilingon niya ang tumawag.

“Alles? What are you doing here?” naguguluhang tanong nito.

Hindi ako makagalaw. Alles?

Bumaling ang tingin ko sa gawi nila Dad. Hindi siya makatingin sa akin.

And Azrea can't take her eyes off with the man beside me.

Alles?

What the? Why is he calling her with my name?

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano ngunit ng marealized ko ang nangyayari ay natawa na lang ako.

“What the hell.” tawa ko at lahat sila maging ang katabi ko ay napalingon sa sakin dahil sa pagtawa ko.

That's why. That's the reason why Third didn't look for me. That's the reason why he can't remember me.

Tumingin ako kay Azrea na takot ang nasa mata.

I smirked. May ibang Alles pa lang nagpakilala.

Si Dad kaya ang nagpasya? Alam ni Dad kung sino si Third sa buhay ko noon.

What? Pinakilala niya bang si Alles si Azrea? What the hell!?

Ginagago ba ako rito?

NIGHT Of DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon