Prologue

7 1 0
                                    

Prologue

"Hoy, Karyl!" narinig ko ang sigaw ng aking kaibigan na si Lorainne na tantya kong paparating dito.

"Bakit?" takang tanong ko habang hindi s'ya sinusulyapan dahil busy ako sa pagtitipa sa aking laptop.

"Uy! Gusto mo jowa 'diba?" sigaw n'ya at umupo sa kama ko.

"Noon pa 'yun, nakaka-umay na ngayon." Balewala kong sabi at hindi na s'ya pinansin at pinagpatuloy ang ginawa ko.

Magbabago naman talaga minsan ang iniisip mo. Kung gusto mo 'yan noon pero hindi ibig sabihin gusto mo parin ngayon pero kung marupok ka, aba'y hindi ko na 'yan problema.

"Weh? Maniniwala na ba ako n'yan?" umupo s'ya sa tabi ko.

Kumibit-balikat ako habang nakatuon parin ang atensyon sa aking laptop. "Nasa sayo na 'yan kung maniniwala kaba o hindi. Hindi ko naman 'yan problema." Tamad kong sabi dahil hindi na ako makapag-concentrate sa sinusulat ko dahil panay ang kulit ni Lorainne.

"Sige na, hoy! Try lang, kung walang gamit, alis kaagad." Sabi n'ya.

Umiling ako. "Malagay ka nga sa lugar, ang kulit mo. Ipapa-salvage talaga kitang babae ka!" inis kong sabi sa kan'ya.

"O.A naman, try lang naman." Parang batang nagtatampo ang boses nito pero umirap lang ako. Bahala s'ya d'yan, 'no!

Lumipas ang ilang minuto ay napuno ang buong silid ng katahimikan at ingay lamang ng aking aircon ang naririnig nang makarinig ako ng padyak.

"Gaga ka talaga, Karyl! Sige na~" naiiyak na paki-usap nito at may matching pa-beautiful eyes pang nalalaman ang babaeng ito kaya bumuntong hininga ako at tumango na lamang.

"Ano ba 'yan?" napipilitan kong tanong sa kan'ya.

"Facebook lang din naman." Sabi n'ya tsaka kinuha ang cellphone nito sa kan'yang bulsa. "Meron nga si Angel n'on tsaka nagka-jowa s'ya d'on." pakihanap ng pake ko. Char!

"Tapos?" nagtipa ulit ako.

"Kailangan mo lang namang gumawa ng bagong Facebook account pero hindi na tunay na pangalan at 'yung totoo mong mukha id-dp mo." Paliwanag n'ya kaya napatigil ako sa pagtipa at binalingan s'ya na nakakunot ang noo.

"Dating app na pala 'yang Facebook?" nagtataka kong tanong.

Hindi ko gets ba't hindi tunay kong mukha id-dp, e, maganda naman ako. Hangin! Tsaka okay lang naman kung pangalan lang mai-iba 'diba? Daming echos.

"Tangina, patapusin mo nga ako!" inis n'yang sabi kaya nakinig nalang ako sa kan'ya. "Fake world ang papasukin mo,"

"May peke bang mundo maliban sa Earth?" tanong ko ulit kaya hinampas n'ya ako sa braso na sinuklian ko ng matatalim na tingin.

Umirap ito at hindi sinakyan ang trip ko. "Hindi sa literal pero pwede kang magkalat, mag-ema, maging sad girl doon, at you can freely expose and tell your thoughts doon." Eksplena n'ya ulit. "Ta's pwede kang lumandi doon, hindi ko huhusgahan, hindi katulad ng real account natin na puro mga insecure lang naman ang mga nabubuhay doon."

May punto naman s'ya. May naka-away pa nga kami dahil nag-post ako na pinapatamaan sila tapos 'yung mga tao sa comment section panay ang mention sa pinariringgan namin at ayan, damay si Lorainne.

Wala naman sigurong mawawala if susubukan 'diba? 'Di naman siguro ako mamatay pag-try akong pumasok sa pekeng mundo na sinasabi ni Lorainne, d'yos ko.

"Sige, ikaw gumawa ng account ko." sabi ko sa kan'ya at tinuon ulit sa laptop ang aking atensyon.

"Okay..." sabi nito. Narinig ko ang pagtipa nito sa kan'yang keyboard, naka-unmute 'yung phone n'ya kaya rinig 'yung pagtipa ng keyboard. "Anong gusto moong pangalan?" kapagkuwan ay tanong n'ya.

Napa-isip ako at matagal na tumitig sa aking harapan ng maka-isip ako ng ipapangalan ko. "Laira... Laira Madrigal," 'yan ang sinabi ko kaya naramdaman kong tumango ito.

"Code," nilahad nito ang kan'yang kamay sa harap ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa kan'ya. Ilang minute ulit ang nagdaan ng binigay n'ya sa akin ang cellphone ko at nakita kong naka-register na sa aking Facebook ang account na ginamit n'ya.

Tinignan ko pa ito at nakita na babaeng hindi ko kilala ang naka-profile pero 'yung sinabi kong pangalan ay nakalagay at naka-display na. Mukhang galing sa google o sa pinterest ang picture na ginamit n'ya.

"Hindi ba tayo makakasukahan dito?" I mean using someone's face and picture tapos hindi pa n'ya tunay na panagalan ay parang crime. Mag-aagaw ng identity.

"Hindi, kung mahpapahuli ka," natawa pa ito na parang biro. "'Eto naman, hindi mabiro. Symepre joke lang,"

Tumango nalang ako at nilagay sa gilid akong cellphone ko nang tumungog ito kaya tinginan ko. May nag-add sa akin na lalaki ang identity.

"Accept mo 'yan, aking 'yan." Sabi ni Lorraine kaya nagtakaka kong s'yang binalingan.

"Ba't lalaki?" tanong ko.

"CRP ako, marami akong majo-jowa kapag lalaki gagamitin ko." hindi ko parin s'ya gets pero tumango nalang ako in-accept nalang ang request.

Hanggang sa dinumog ang friend request ko ng mga taong ang mag profile ay maika-kailang kuha lamang sa online maging ang ibang pangalan nito ay character sa isang storya.

In-accept koi to except sa mga mukhang arabo at hindi mapapagkatiwalaang mga mukha. Dinelete ko ito sa aking friend request at may nag-pop bilang notification.

"Na-add na kita sa group chat natin, may ire-reto daw si Angel sa'yo." Sabi ni Lorainne kaya pumunta ako sa aking messenger at naka-register na pala ako doon.

"Karyl, search mo 'Rayhano Vishnu' nireto kita d'yan." 'yan ang chat ni Angel sa gc.

"'ya mag-add at unang mag-chat sa akin, ano s'ya sinu-swerte?" nireplyan ko rin s'ya at nag-react naman ang isa sa mga kaibigan ko na 'haha' sa message ko.

"Sige, sige." Reply n'ya ulit at ilang minute lang ay may nag-add sa akin na Rayhano Vishnu na sigurong ito 'yung nireto ni Angel sa akin kaya in-accept ko at maya-maya nag-message na ito sa akin.

Rayhano Vishnu:

Ikaw 'yung nireto ni Angel sa akin.

Seen.

Laira Madrigal:

Alam ko.

Delivered.

To be continued...


______________________________________________________________________________________

Some events of the story are present in real-life especially on my life being a user on RPW. The story is inspired on what I've experienced in RPW and what I observed while being a user in RPW. Any names, place and events that are present to my story ay hindi sinasadyang maisip at magamit kung ang taong may pangalan na ito ay patay na o buhay.


~SH.S~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When it Becomes RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon