Alam niyo yung sinasabing One-Sided Love? Yung tipong Ikaw lang ang nagmamahal. Ikaw lang ang may kakaibang nararamdaman? At siya? Ayun, parang manhid na walang nararamdaman. Ang saket ng ganun. Lalo na kung yung taong yun ay yung taong sobrang minahal mo. Yung tipong hindi ka na nakakain sa tamang oras, hindi ka na makaalis sa harap ng computer dahil lagi siyang online at di ka na nakakatulog ng maayos dahil kaext mo siya palagi. Yun pala,wala siyang magandang intensyon sayo? Alam niyo yung ganun? Haaays, it hurts you know.
One-Sided Love. Let's just say, it's a game. A LOVE game. Na kung saan, ang ma-iinlove o mafa-fall ay siguradong talo at kawawa. Napakasaket mang tanggapin, pero totoo. At kapag naranasan mo ito. Siguradong hindi mo magugustuhan. At aayaw ka ng wala sa oras.
Alam mo yung quote na "Nasasaktan din ako, di mo lang nakikita" Diba, parang ang manhid pakinggan? Pero, parang one-sided love din yan, alam mo kung bakit? Yung tipong, may mahal na iba yung mahal mo? Aba'y ang saya ng lablayp mo! Magdiwang ka na! Hahaha.