1 | New Moon

0 0 0
                                    

Pakiramdam ko nasa ere ako

Malamig na hanging humahaplos sa mukha at katawan ko na sinasayaw ang damit ko

Tinaas ko ang aking mga kamay na tila inaabot ang buwan

Ang buwan na hirap kong maaninag, ang bagong buwan, bagong simula

"Lyv! Ikakasal ka na nakakatulog ka pa ata dyan" boses ng aking maid of honor na si Camille.

Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay masaya. Laughters and gighles fills the room. Lahat ng mahal at importante sa buhay ko nandito.

Habang inaayusan ako at kinukuhanan ng litrato ay napangiti ako.

Masaya na ako.

Hindi ko aakalain na ang lalaking dati ko lang kasama sa pagkain ng pares ay makakasama ko na sa pang habang buhay.

Sa gitna ng aking pag iisip ay dumating ang nakababatang kapatid ni Theo.

Si Theo Dale Montiel ang mapapangasawa ko.

"Ate Lyv sabi ni Kuya Theo meet him sa altar po wag daw po kayo mag nanap muna" kasabay ng huling sinabi ni Thea ay ang tawa ng nasa paligid ko.

Bwisit talaga tong si Theo. Inabot sakin ni Thea ang box, laman nito ay brooch na may litrato ng aking Lolo at ng aking tunay na Ama na may naka engrave na "Walk with me"

Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko na kinapanic ng mga tao.

"Ka utas si Theo pinaiyak"

"Nak wag ka munang umiyak maalis make up mo!"

Sa tunog ng kantang bawat daan

Nahanap din kita ...

Binuksan ang pintuan at doon nagtama ang ating mga mata

Tila ba ang layo layo mo pero nung bawat simba at bisita natin sa mga simbahan noon at pinapractice parang ang bilis lang

Hinawakan ko ng mahigpit ang brooch na nakalagay sa bouquet ko.

Saksi ang mga tao, tala, at buwan sa ating pag iibigan

Ikaw yung taong gumabay sakin sa kadiliman at ang taong humagkan sa akin nung ako ay lumilisan

Ang taong nagpangiti sa mata kong ang alam lang ay ang pag luha.

Salamat Theo

Ng palapit sayo ay pinipikit ko ng saglit ang aking mga mata at tumingin sa buwan

Ikaw ang dulo, ang gitna't simula

At naramdaman ko ang kamay ni Theo sa aking kamay

Mahigpit ang hawak kabasay ng bulong nito

"Kumapit ka lang. Mahal na mahal kita"

Napangiti ako

Ang bawat daan ko ay patungo, pabalik sayo ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon