Our Little Cupid

6 0 0
                                    

Punta ka sa bahay. Emergency.

“Ma, alis lang po ako sandali.”

“Ha?Anak, ang aga-aga aalis ka? Kagigising mo pa lang a..”

“Emergency daw, Ma e. Si Kent nagtext. Osige na po, Ma.. Alis na ako.”                

        Mula pa lang sa gate nila Kent dinig na ang iyak ng bata. Magkabarkada naman kami ni Kent simula pa lang nung bata kami kaya walang kakaiba kung deretso na ang kaming pumapasok sa bahay kaya naman ito derederetso na akong pumasok.                

“Hey! Ang cute naman ng batang yan..”                

“Tss.. Iyak nga ng iyak e.” “Akin na nga, puno na kasi yung diaper nya o. Kanino bang baby ‘to? Baby, *kuchi. Kuchi*.. Don’t worry, magpapalit tyo ng diaper.. Pahingi ng diaper, oi.”                

        May inabot na diaper si Kent galling sa isang basket.                

“Kaninong baby ‘to? Sa’yo?”                

“Ewan, ginising ako ni Ka Poleng dahil nakasabit yan bata sa gate ko tapos iyak na nga nga iyak.”

        May hawak din syang piraso ng papel na mukhang birth certificate.

“O, may sulat.” Dali daling binuksan ni Kent yung sulat at binasa, “Irina! Sa’yo yang bata.. Sayo nakapangalan ‘tong sulat o. Irina. Sorry kung iniwan ko sa inyo ni Kent ang batang ito. Wala na kasi talaga akong makitang makakapag-alaga sa kanya. Ilang lingo ko na din kayong tinitingnan bago pa man ako manganak. Ang batang ito ay si Kent Ian D. Ramos Jr.. Kayo ni Kent ang nakasulat na mga magulang ng bata. Kayo na sana ang bahala sa batang ito.”                

“She named him after me? And she spied on us? How come I didn’t recognized her?”                

“This is something Kent. What should we do?”                

“Dalhin sa ampunan? I don’t know.. I mean.. Ano? I’m not ready, in the first place, hindi naman tayo.. I never had a girlfriend, nor a baby.. And I.. I don’t want him to grow up just like me.. just like us.”                

“Kapag ba dinala natin sya sa ampunan, hindi na sya magiging kagaya natin?”                

“Well.. I don’t know. Irina, hindi ko talaga alam. Hindi naman sa ayaw ko sa bata, I am a family and juvenile’s lawyer. I came from a broken family. Dad’s somewhere with his new family and Mom’s with her new family as well and doesn’t even care if I’m alive or what.. But, I care for children, for family. Alam ko kung gaano kahirap, alam mo. Di ba? Swerte ka pa nga kasi lumaki ka with your Mom.”                

“Hey, calm down. I’m not a lawyer. But I’m not a pediatrician for nothing, I love babies.. Siguro mas maganda pa kausapin natin si Mama. And at the same time, Kailangan kong i-check up ‘tong bata, you said he was hanging at your gate? Sa palagay ko kagabi pa sya sinabit dun. He needs some care.”                

        Hindi malayo ang bahay naming sa isa’t isa mga 4 blocks away. We are both 28years old. He’s a lawyer and I’m a pediatrician as mentioned and we are both busy with our careers. Sa barkada naming, kami na lang ang nandito sa Pilipinas dahil kami na lang ang walang pamilya.. Or kami pa din ang walang pamilya? Yes, he grew up almost by himself. Pinupuntahan lang sya minsan ng Lola nya sa bahay, ako naman, hindi ko kilala ang Tatay ko. Mama ko lang ang nagpalaki sa akin. How can we be good parents for this kid?                

Our Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon