Kabanata One
~flashback"Malaki na pala ang anak mo Dolor ano? sambit ng kakilala ng nanay ko.
ngumiti na lamang ako
"Malaki na nga pero hindi naman pakinabangan sa bahay yan. Walang ka kwenta-kwenta yang anak. Buti pa yung anak ni Marites ano? Kung alam ko lang na ganyan yan edi sana sinabi ko sa tatay nyan na iputok na lang yan sa kumot. Hindi ko naman akalaing magiging pabigat lang yan. Ayaw ko na ngang paaralin ng highschool at baka maglandi lang". Sabi nang nanay ko habang pinanlilisikan ako ng mga mata.
Napatungo na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit ako laging ikinukumpara sa ibang tao. Buti pa si ganito, si ganyan. Samantalang ako? wala na ngang ka kwenta kwenta, palamunin pa sa bahay. Ewan ko. Masasabi ko na lang na sana nga, sana nga ipinutok na lamang ako sa kumot kung ganito lang din pala ang kahahatungan ng buhay ko :]
"Grabe ka naman magsalita Dolor. Ayan lang ang anak mo oh. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa anak mo. Ano ba naman itong babaeng ito oo! Sabi ni Aling Bineng.
Tiningnan nya ako na may awa at humihingi ng pasensya sa binitiwang salita ng nanay ko.
Tumango na lamang ako. Hindi ko alam bat pa ako isinasama kung ganito lang din pala ang maririnig ko. Harap harapan unti unting akong pinapatay ng sarili kong ina ano? :)
Lagi na lamang akong ipinahihiya. Lagi na lamang ipinamumukha na hindi dapat ako nabuhay sa mundong ito. Huh. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. O kung may nararamdaman pa ba ako sa araw araw na takbo ng buhay ko. Lagi na lamang ganito. Nakakasawa na at nakakarindi na.
"Bineng, hindi naman lingid sa kaalaman nya na ayoko sa kanya. Maigi pa sana kung mamatay na lamang iyan bigla. Para wala nakong intindihing palamunin sa bahay. Alam mo naman na kahit noon pa ay gustong gusto ko na iyang ipalalag. Sadyang napakatibay lang ng lintek na batang yan. Kung anu anong paraan ang aking ginawa para malaglag yan, tingnan mo't hanggang ngayon eh buhay pa hahahahah". sabi niya habang tinitingnan ako na para bang ako na ang pinaka masamang tao na isinilang sa buong mundo. :)
Putanginaaaaaaaa. Napaka sakit. Ang sakit sakit. Bakit kailangan ko pang marinig yon? Bakit? Hindi ko ba talaga deserve ang mabuhay sa mundong ito? Putanginaaaaa.
Proud na proud pa ang nanay ko. :)Napatalikod na lamang ako. At tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko na pilit kong huwag umagos mula sa mga mata ko.
Tumingin ako sa kalangitan at------
Lord? Bakit po ganito? Ano po bang nagawa kong masama para tratuhin po ako ng ganito ng sarili kong ina? Ang sakit sakit na po kasi. Ang saki sakit na po ng puso ko. :(