LM1

61 12 2
                                    

Angel Luella Altamirano

"Angel, table six." utos ni ma'am Vina, may-ari ng bar na pinapasukan ko. "Bilis bilisan mo naman ang kilos at marami tayong pending! Ang tagal mo na rito pero ang kupad kupad mo pa rin kahit kailan!" pahabol na sermon pa nito.

Paalala ko kang madam, hindi po ako si flash.

Sarap sana sabihin kaso mas pinili ko na lang na 'wag umimik, sa halip ay binilisan ko na lamang ang kilos na dapat ay hindi ko ginawa.

Kapag ka minamalas ka nga naman!

"Ano ba naman 'yan miss! Tatanga tanga na naman! Tignan mo 'yung ginawa mo sa damit ko!" nanggagalaiting sigaw nung babaeng customer, sapat ang lakas ng boses nito para maagaw ang atensyon ng iba pang naroon.

Marahas itong tumayo sa harapan ko at pinakita ang parte ng damit niyang nabas.

Kalmahan mo lang, self. Kalmahan mo lang.

Mabilis akong kumuha ng table napkins at idinampi ito sa damit niya. Hindi ko naman kasi sinasadyang mabitiwan 'yung cocktail drink na ise-serve ko sa table niya. Nabunggo lang ako nung lasing na lalaki kaya aksidenteng natapon ko ito sa damit niya.

"I'm sorry. Hindi ko po sinasadya, nabunggo lang po ako nung lasingㅡ"

"Aba't sumasagot ka pa! Nasaan ang manager niyo, ipapatanggal kita!"

Manager agad?

Nasa amin na ang atensyon ng lahat.

"Nasaan ang manager niyo?!" pag-uulit na tanong pa nito.

Paulit-ulit tayo?

"Ma'am baka naman po p'wede pang pag-usapan 'to? Hindi ko naman po talaga sinasadㅡ"

Maldita akong tao pero hindi ko p'wede pairalin sa trabaho dahil may posibilidad na matanggal ako kapag mas pinairal ko ang init ng ulo ko.

Minsan kailangan din nating magpanggap na mabait tayo.

"Anong kaguluhan ito?" pagputol ni ma'am Vina sa sasabihin ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa'min.

Ang lakas ng pandinig.

Wala na, tanggal na 'ko nito panigurado.

"Ikaw ba 'yung manager?" nakataas ang kilay na tanong ng customer sa manager ng bar, pinagkrus din nito ang mga braso sa may dibdib niya.

"Yes, ako nga. Ano pong maipaglilingkod ko?" ngumiti muna ng peke si ma'am Vina sa customer bago ako nito nililingon saka tinapunan ng masasamang titig.

"I want you to fire her! Right now! Dito mismo sa harap ko at ng maraming tao!" nanggagalaiting sigaw ng customer na ikinagulat ng manager ng bar.

Dito pa talaga? Ano 'to live show kung paano magsisante ng empleyado? Wow!

Nakita kong masinsinang kinausap ng manager ng bar 'yung babaeng customer na para bang sinusuhulan nito na huwag dito gawin sa harap ng maraming tao ang pagsisante sa'kin. Nginisihan naman ako ni Rica nang madaanan ako, isa sa mga ka-trabaho ko na malaki ang galit sa'kin dahil palagi akong may nakukuhang tip kaysa sa kaniya.

Kasalanan ko bang mas maganda ako sa kaniya?


"Sumunod ka sa'kin, Angel." utos ni ma'am Vina. Sumunod naman ako kaagad sa kaniya.


"You're fired, Angel!" bungad ni ma'am Vina nang makarating kami sa loob ng opisina niya.


"Ma'am baka p'wede naman pong pag-usapan pa? Hindi ko naman po talaga sinasadya na matapon sa kaniya 'yung cocktail drink niya."

Lost Memories[Major Revision]Where stories live. Discover now