Isa sa pinaka kilala at pinagusapan ng madla ang pangyayari sa Villisca Iowa, US bilang ito ay isang tourist spot na dinadayo ng mga ghost hunters, mga kabataang gusto makasabay sa eksperensya at mga horror lovers.
Naganap ang pinakamalagim na krimen noong 1912, isang pamilya na binubuo ng 6 na bata at 2 matanda ang natagpuang basag basag ang bungo at ang sinasabing ginamit sa pagpatay ay ang isang AXE na ginawa ng hindi pa nakikilalang salarin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabigyang linaw ang kaso pagkat wala man lang iniwan o naiwang ebidensya ang suspek.
Noong taong 1994, binili ito ni Martinn Linn, inayos, pinreserve at ginawang tourist destination pagka't isang malaking balita at takot ang iniwan ng brutal na pagkamatay ng mga tao sa bahay na ito.
Marami ang nagsabi sa mga naka experience ng pagstay sa bahay na ito ang kakaibang paranormal experience na mayroong lalaki na nagpapakita na naglalakad habang ang ibang bata naman ay sumisigaw sa diumano'y takot.
Noong November 2014, isang paranormal expert na nagngangalang Robert Steven Laursen Jr., ay natagpuang may saksak sa dibdib na sinasabing siya mismo ang may gawa sa kanyang sarili. Agad agad na nagparating ng tulong pagkat tumawag ang kanyang kaibigan sa 9-1-1. Ayon sa Sheriff, nangyari ang aksidente saktong 12:45 AM oras na naganap rin ang karumal dumal na murder sa Villisca Axe House.
Nakarekober si Laursen ngunit ayon sa kanya ay hindi nya natandaan ang kahit anong nangyari sa kanya. Para naman kay Martha itong pangyayaring ito ay hindi magandang halimbawa o experience sa mga taong turista dahil mag iiwan lamang ito ng takot sa kanila. Maaaring ito ay makaapekto sa kagustuhan ng tao na bumisita sa Axe House sa kadahilanang baka may mangyaring hindi kaaya-aya sa kanila.
Hanggang ngayon ay bukas pa rin sa publiko ang Villisca Axe Murder House at pwedeng mag stay ng overnight.
Ikaw gusto mo bang pasukin ito? 😈😈
BINABASA MO ANG
Terrifying Stories (True to Life)
HorrorMula sa mga fatal exorcisms, sa pagkawala ng biglaan ng tao, pagsamba sa Demonyo - ilan lamang ito sa mga naibalita sa pahayagan na katatakutan. Handa ka na ba?