Broken Sonata

23 15 34
                                    

Kindly Vote! and leave your feedbacks below

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

.....

It has been a year when Matt started courting me, at masasabi kong ako ang pinakaswerteng babae sa mundo, dahil may lalaking handang magantay sa'kin ng gan'to katagal. Handang magtiyaga at maghirap makuha lang ang loob ko. First year high school kami noong makilala ko siya, at sinimulan niya akong ligawan noong second year na kami. Masyado mang bata pakinggan pero para sa'kin ito ang tamang bagay na naramdaman ko sa tanang ng buhay ko.

Nailalabas ko yung tunay kong ugali kapag siya ang kasama ko, nagagawa ko ang mga bagay na hindi alam ng ibang tao na kaya ko din palang gawin, at higit sa lahat nararamdaman ko ang tunay na saya kapag siya ang kapiling ko.

My parents thought that it was too early for us pero sinong makikinig? Ako na habang buhay nalang sinunod ang gusto nila, like wtf. sana naman pagbigyan nila ako kahit once lang. Hindi naman sila yung masasaktan if ever na magfail ang relationship namin.

Si Matt ang pinaka the best na taong nakilala ko, maalalahanin, magalang, makulit at masayahin. He always makes me laugh, kahit sa simpleng gestures and make face niya lang natatawa na'ko.

Siguro dahil mababaw ang kaligayahan ko o dahil si Matt mismo ang kaligayahan.

Isang buwan na kaming mag on ni Matt, and I never imagined na ganto pala niya kasweet, I mean sweet naman siya when he was courting me, pero mas trumiple yung pagiging sweet niya.

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang alarm clock, 6:30 na ng umaga. Mabilis kong hinanap ang phone ko at binuksan ito. And just like what i expected nag text nanaman sya.

He always do this. To the point na, parang may kulang sa araw ko kapag hindi niya gagawin. And luckily, he never forgets. Pumunta ako sa bathroom at nag-asikaso na ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na ako at nagtungo sa paaralan.

Hindi na ako nagabala pang kumain ng umagahan. Madalas ay dinadalahan ako ni Matt ng pagkain sa studio o kaya naman ay sasamahan niya akong kumain ng breakfast sa canteen.

Gaya ng ibang istudyante, nalelate din naman si Matt. Hinahatid kasi nito si Austine sa Kindergarten, ang bunso niyang kapatid. Tatlo silang magkakapatid at siya ang pangalawa.

Walking in distance lang ang school. Katapat lang kasi nito ang bahay namin, kalsada lang ang namagitan. 7:13 noong marating ko ang studio. Kabilang kasi ako sa band dito sa school. Lahat kami ay babae.

I smiled when I saw Ashianna. Kagaya ng dating set up, siya parin ang nauuna. Kapag usapan namin ay 7 o'clock, nauuna siya ng ilang minuto. Habang kami ay sampung minuto pataas late. Pabiro ako nitong inirapan at nagkukunwaring hampasin ako ng gitara.

Weird man sa tingin ng iba, dahil puro kami babae sa banda. But for me, it's cool. Kung mga lalaki nga napaka astig tignan, pano pa kaya kung mga babae naman.

Malapit na kasi ang sport fest kaya nagkakandaugaga kaming magpractice. Kasama namin ang bandang Insanious, na kabaliktaran namin ay puro sila lalaki. Ang iba sa kanila ay kabatch namin pero ang lead vocalist ay senior namin.

Natapos ang pagprpractice namin ngunit hindi parin dumadating si Matt. I bit my lips and looked at my watch. It's already 8:30, mamayang 8:45 ay magsisimula na ang klase namin.

"Jaime, Arat sa Canteen. Baka late ang jowabels mo!" Agaw ni Prestine ng aking atensyon. Nakatayo sila ngayon sa pinto at gaya ng nakasanayan ay sabay-sabay silang kakain.

Broken Sonata [short story]Where stories live. Discover now