Prologue

775 9 0
                                    

PROLOGUE

“NASA’N ka na, ‘tol? Ikaw na lang ang wala rito,” salubong na wika ni Gilbert sa kaniya, matapos niyang sagutin ang tawag nito. Barkada niya ito magmula noong college. At ngayo’y iniimbitahan siya nito sa birthday night party nito.

Best-friend niya si Sigmund, pero hindi lang naman ito ang kaibigan niya; marami siyang barkada na mga nakakasama niya sa lahat ng mga kalokohan niya. Pft.

“On my way. May tinapos lang akong trabaho,” sagot niya habang naglalakad patungo sa kotse niya.

“Good. Hintayin ka namin. Bilisan mo!” Rinig niya ang ingay mula sa background nito, halatang-halata na nagkakasiyahan na nga ang mga ito.

Bigla tuloy siyang na-excite. I’m sure, maraming chicks do’n. Napangisi na lamang siya dahil sa sinaad ng kaniyang isipan.

“Got it,” nakangising sagot niya, at saka na pinatid ang linya.

Nang makarating siya sa venue ng party, agad siyang sinalubong ng mga barkada niya. At gaya ng inaasahan niya, the party was a blast. Kahit saan siya lumingon ay may mga nagsasayawan habang may hawak-hawak na bote ng beer, at iba pang klase ng alak.

Para’ silang mga teen ager na nagsasaya. Pakiramdam niya tuloy ay bumalik siya sa teen age life niya.

Birthday night party ito ng kaniyang kaibigang si Gilbert, na isang respetadong doktor, pero tignan mo naman, parang sira ulong sumisigaw habang sumasayaw kasama nila.

Ngayong gabi ay kalilimutan na muna nila ang mga reputasyon nila’t mga propesyon. Ngayong gabi ay hahayaan na muna nila ang mga sarili nilang magsaya. At magwalwal. Yeah, party-party! Woohhh!

Tuwang-tuwa siya dahil napaliligiran siya ng mga nag-gagandahang babae ngayon. Mukhang matatapos ang gabi niya sa bisig ng isang magandang dilag. Napangisi na lamang siya.

Sayang wala si Sigmund. Pero asa pa siya sa best-friend niyang KJ at workaholic. Pft. At saka, matagal na ‘yong wala rito sa Crimson Wood, at matagal niya na rin itong hindi nakikita. Pero hindi naman sila nawawalan ng komonikasyon sa isa’t isa, kaya updated pa rin naman siya sa buhay nito.

“This is life!” Gilbert exclaimed.

Hinihingal silang nagsi-upo sa mga puwesto nila, habang hawak ang kaniya-kaniyang bote ng beer.

Masaya silang nagkuwentuhan habang nag-iinuman. Pero nahinto sila nang may bigla na lamang lumapit sa kanilang isang lalake at babae. Pamilyar sa kaniya ang lalake, dahil kaibigang doktor ito ni Gilbert, pero ang kasama nitong babae ay ngayon niya lamang nakita.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Napataas ang dalawang kilay niya. Maganda ito, pero hindi ito ang mga tipo niya.

He loves wild and liberated women; they always excites him, especially in bed. At wala ‘yon sa babaeng ‘to na akala mo’y takot na takot magpakita ng balat. Pft.

Black hoody with white jeans, and docksides pair of shoes. Not bad, but too conservative. Though, bagay naman dito. At least bumawi naman ito sa mukha na kahit walang make up, maganda pa rin. She has simple beauty.

“Happy birthday, Doc Gilbert. You has a blast party,” nakangiting saad n’ong lalake na si Dr. Bustamante. Doktor din ito, pero hindi sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Gilbert, dahil nagmamay-ari ito ng isang private hospital na minana nito sa pamilya nito. ‘Yon ang pagkakaalam niya. Magkakilala silang dalawa, pero hindi sila close.

“Stop being formal, just for tonight, Zyjill,” nakangising sagot ni Gilbert, kasabay ng pagtayo nito para lapitan ang dalawang bagong dating. “Thanks for coming, man,” kapagkuwa’y saad nito, kasabay ng pakikipag-bro hug dito.

“We’re sorry, we’re late, Gilbert. Happy birthday,” saad din ng babaeng kasama ni Zyjill, sabay yakap din kay Gilbert.

“Thank you. ‘Buti nakasama ka? Tinakasan mo kuya mo, ‘no? Hahaha!”

Natawa ang babae dahil sa sinambit ng kaibigan niya, at saka ito inirapan. “Wala namang panama sa ‘kin si Kuya,” anito, at saka umangkla sa braso ni Zyjill.

Muling napataas ang dalawang kilay niya. Mukhang may espesyal na relasyon ang dalawa. Siguro girlfriend ‘to ni Zyjill.

“By the way, guys. This is Hensin, the beautiful and hot nurse girlfriend of Zyjill,” maya-maya’y pakilala na ni Gilbert sa dalaga.

So, isa pala siyang nurse. Muli na lamang siyang napangisi.

“Bolerong sperm ka talaga, Gilbert,” nakangising sagot nito kay Gilbert. Kapagkuwa’y bumaling sa kanila. “Anyway, hi, guys. Nice meeting you.”

Nagtama ang paningin nila, kaya agad niya itong matamis na nginitian. Pero nagulat siya nang bigla siya nitong irapan. Aba, may attitude.

Pero hindi niya inaasahan na after that night ay makabubuo silang dalawa ng magandang samahan.

We became friends.

_____

NOTE: Bitin ba ang prologue? Sor'na, mga babes, kahinaan ko talaga parati ang mga intro hahaha!

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon