Love is Beautiful

98 3 0
                                    

Marami nang nanligaw sa akin. Pero ni isa sa kanila, wala akong sinagot. Hindi naman sa choosy ako, ayoko na talagang magmahal. Hindi naman sa duwag ako, ayoko na talagang masaktan ... mawalan.

May kumakatok sa pinto ko. Tumayo ako at binuksan ko iyon.

"Bianca ..." Si Stella pala. Bestfriend ko.

"Busy ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Bakit?" 

"A-ano kasi .. pwede ko bang iwan muna sa'yo si Sam?" Yung anak niya.

"Wala naman akong ginagawa. Sige." 

"Salamat!" Niyakap niya ako. 

"Walang anuman." Ngumiti ako.

"Ikaw talaga ang best bestfriend!" Kinuha na nito si Sam na nasa loob ng kotse nito.

"Baby, dito ka muna kay Tita, okay? Babalik din si Mommy this afternoon."

Tumango lang si Sam.

"Bianca, thanks talaga!"

"Sus. Sige na. Punta ka na sa lakad mo."

"Bye." Umalis na ito.

Habang nanonood kami ni Sam ng TV ay may tinanong ito sa akin.

"Tita ... why don't you have a husband? Wala po bang nanliligaw sa inyo?"

"No Sam. Sa katunayan nga maraming nanliligaw kay Tita."

"Saan na po sila?"

"Binasted ko." 

"Bakit naman po?"

"Kasi hindi ko sila gusto. Hindi ko sila mahal."

"Eh Tita .. sino po ba mahal ninyo?"

Napangiti ako. "My First and Last Love."

"Who is it Tita?"

"My Ex-boyfriend."

"Saan na po siya ngayon Tita?"

"Well, he's married now."

"That's sad Tita. Did you miss him?"

"So much."

"What happened between you and your ex-boyfriend Tita?"

"I broke up with him."

"Why Tita? Don't you love him?"

"I love him Sam. With all my heart."

"Then, why did you broke up with him Tita?"

I looked at him.

Gently caressed his cheeks ..

with tears flowing from my eyes.

"So that you could have a father."

Marami nang nanligaw sa akin. Pero ni isa sa kanila, wala akong sinagot. Isa lang naman kasi ang mahal ko at mamahalin. Ang una at huli kong pag-ibig. My bestfriend's husband.

Love is BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon