Chapter 2

8 2 0
                                    

Adrian

"Totoo? Nangyari talaga sayo yun?" Gulat ang mukha ni Karem habang tinatawanan ang kinuwento kong pangyayari kanina. Yung nangyari kanina kasama yung new student na pakialamera.

Nakakainis siya talaga! Sobrang nakakainis! Argh! How dare she talk to me like that? No one have ever done that to me. Siya palang and hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. I promise.

"Parang may magaganap na namang away." Parinig ni Kenzo.

Seryoso lang ako habang nag-iisip kung paano makabawi sa babaeng yun. Kailangan makabawi ako sa kaniya. Lintek lang ang walang ganti.

"Nag-iisip na yan ng plano." Puna naman ni Martin sa pagiging tahimik ko.

"So what's the plan?" Tanong ni Karem.

Tumingin silang tatlo sa akin at ako ay ngumiti lang ng makabuluhan. Babawian kitang babae ka. Humanda ka.

Sharlene

"Totoo? Anak siya ng may-ari ng school?" Mabilis na tinakpan ni Cyril ang bibig ko dahil napalakas ang pagtatanong ko sa kaniya.

Nagulat lang naman kasi ako sa impormasyong ibinigay niya. Sabihin ba naman niya sa akin na anak daw ng may-ari ng school yung lalaking yun na Adrian pala ang pangalan.

"Oo nga. Hindi pa ba halata? Adrian Jan Sanchez ang pangalan niya at ang pangalan ng school na ito ay 'The Sanchez University'. So malamang sa malamang related siya sa may-ari or sa founder ng school." Paliwanag ni Cyril.

Oo nga noh? Bakit di ko yun naisip kanina pa nung sabihin ni Cyril ang pangalan niya?

"And alam mo bang binansagan siyang campus dragon dahil sa bagsik ng ugali niya? Kaya wala siyang masyadong kaibigan kasi nga masyadong masama ang ugali niya at hindi din siya basta nakikipagkaibigan." Dagdag pa ni Cyril.

"Eh ano naman ngayon kung anak siya ng may-ari? Does that mean na pwede ka na niyang utos-utosan ng ganun?" Natahimik si Cyril dahil sa sinabi ko. Tama ako diba? "At ikaw, Cyril." Turo ko sa kaniya. Napaangat naman siya ng tingin at tumitig sa akin.

"Anong ako?" Nagtataka niyang tanong.

"Bakit mo siya hinahayaang ganun-ganunin ka lang? Bakit hindi ka lumalaban? Ha?!" Kunwari ako yung mama ni Cyril at pinapagalitan ko siya. Yan ang peg ko ngayon. Bakit ba?

Napayuko ulit si Cyril dahil sa naging tanong ko. "Ayaw ko lang na maging kalaban siya. Mahirap kalabanin si Ian dahil sa oras na ideneklara niyang kalaban ka niya tingin ng lahat sayo kalaban na din. Pahihirapan niya ang buhay mo at gagawin niya ang lahat upang lumuhod ka sa harapan niya at magmakaawa." Wika niya.

"Ganun siya kasama?" Tanong ko sa kaniya na sinagot niya lang ng isang tango. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. I look at Cyril straight to the eye. "Cyril, please tell me na hindi ko ininvolve ang sarili ko sa gulo." It's not a question it's a favor.

"Ayun siya, girls." Nabaling ang tingin ko sa entrance ng canteen dahil may babaeng sumigaw mula doon. Ang dami nila at may dala-dala silang baldeng may lamang tubig yung isa sa kanila ay nakaturo ang hintuturo sa akin. Okay I smell trouble.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Playboy is In-loveWhere stories live. Discover now