CHAPTER 1

29 6 0
                                    


Sm_Yeel14

Happy reading! :)

_________________________________________________________________________

FEEL at home akong nakahiga sa kama ng best friend ko habang nag-i-iscroll sa Facebook ko.Nandito kaming mag-to-tropa including sa mga kababata naming lalaki na naglalaro.

'Di ko na pinapansin mga lumalabas sa mga bunganga nila dahil wala naman akong pakialam at mas lalong wala akong alam sa nilalaro nila.

"Shutà.Def muna,"

"Gàga namatay ako!"

"Ayan ,b*b* kasi," at nagtawanan na sila.

Kaagad na dumako 'yong mata ko sa kanila sabay off ng cellphone ko.Bigla naman akong napatingin sa tropa kong lalaki na pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Santley.

"Hoy, pa-connect!" Nakangisi nitong bungad.
Kasama nito si Steve na nasa likuran.

"Hi babe," malandi nitong sabi habang nakatingin sa'kin.Inirapan ko lang siya saka pinakyuhan.

"Gàgo, may boyfriend na 'yan,HAHA."Binatukan siya ni Lester sabay fist bump sa'kin.

Medyo sanay na ko sa pagiging maharot nila.

"Sant, pa-connect," Giit ulit ni Lester sabay upo yaring kahoy na upuan.

Tinutusok-tusok pa nito ang tagiliran ng best friend kong bakla at ang shutangina kinikilig pa.

"Kiss muna," nakangisi nitong sagot kay Lester.

At ang loko agad namang ngumuso para halikan ang gàga.HAHAHAHA.Kaagad namang umilag 'yong best friend ko sabay taboy nito palayo sa kanya.

Nandidiri. HAHAHA

"Kadiri, connect ka na," maarteng saad ng best friend ko.

"Yes!Dalian nyo. 5man tayo," saad nito at in-open 'yong ml app niya.

Umupo na ako dahil napagod nako kakahiga.Lumapit nalang ako kay Santley dahil trip kong manira sa laro nila.

Hindi nga ako marunong mag-ml pero marunong akong manggulo habang naglalaro sila.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad kong ginulo 'yong screen niya.

Kaagad naman akong napa-aray nang kinurot niya ako sa hita.

Napatawa na lamang ako at ginawa ulit 'yong panggugulo sa kaniya.

Ganu'n din 'yong ginawa ko sa kina Jochelle at Sarah.
Napa-aray nalang ako dahil hinigit nila 'yong buhok ko. Hindi naman masakit.

"Talo to," saad naman ni Sarah.

"Ikaw,Sol mag-practice ka na mag-ml para 'di ka ma-op." saad ni Steve.

"Tara,turuan kita." Sabay lapit sa akin at pinakita 'yong screen niya.

"Kaya nga, para sama-sama tayo maglaro." Dugtong ni Jochelle na busy pa rin sa kakapindot ng screen niya.

Kumunot ang noo nang itapat sa'kin ni Steve 'yong screen ng cellphone niya.

"Sa custom tayo, turuan kita mag-miya," sabay pindot sa screen niya ulit.

Palagi kong naririnig 'yong pangalan na 'yan kasama 'yong Layla at nakikita ko din mukha nila sa feed ng Facebook ko pero 'yong eded lang naman fini-feature nila. Kaya nga siguro sila nag-e-ml kasi may cocomelon doon.

Kamanyakan nga naman.

"Sus,kunyare magtuturo dumadamoves naman yan!" Suspicious na saad ni Santley sabay titig kay Steve.

Until We Meet (On-going)Where stories live. Discover now