2

1 0 0
                                    

Naglalakad ako papuntang canteen dahil breaktime namin. Kasama ko si Ash ang isa ko pang kaibigan.

"Uhh, Zaa mauna ka na nakalimutan kong idaan yung seatwork ko sa Faculty umalis kasi agad si Ma'am kanina."

Nilingon ko siya at tumango. "Okay I will wait you there" Ngumiti si Ashleigh at tumalikod na.

Si Ashleigh ay nakilala ko dahil kay Shanaya. Magkaibigan na sila bago pa ako lumipat sa school na to. Kaya nang ipakilala siya ni Shan sa akin ay naging kaibigan ko na rin siya.

Pumasok ako sa canteen at napahinto dahil medyo mahaba ang pila. Minsan talaga nagkakasabay sabay ang break ng bawat klase. Nakakainis. Ayoko pati pumila ng matagal. Ugh.
Dumiretso na ako sa harapan at tumingin sa mga snacks na pwedeng kainin. Gutom pati ako dahil tinapay lang ang kinain ko kaninang breakfast hayys. Nakarinig ako ng mga yabag sa aking likod. Mukhang mga studyante rin na bibili. Naririnig ko ang kanilang pag-uusap.

"Nakita mo si Makayla kanina? Dude, type ka nun. Hahaha"

Nairita ako ng marinig ko ang pangalan na yun.

"I don't think so." ani ng lalaki sa bandang gilid ko.

"Ha! Sabagay hindi pa naman umaamin" sabay tawa ng kasama niya. Hmm. Is this Rivera?

Narinig ko sila na pumipili na ng bibilhin kaya pumili na rin ako. "Anong sayo, Miss?"

"Can I have this ham sandwich and choco pie with orange juice? Thank you"

"Sige, Miss"

Napatingin ang lalaki sa gilid ko. Nakakairita at bakit siya nakatingin. Sigurado akong hindi niya nakikita ang mukha ko dahil nakatabing ang buhok ko.

"Sayo, iho?"

"1 Tuna sandwich and bottled water"

His voice sounds familiar though...

"Let's go Tres! We'll be late for our next subject".

Nanigas ako. Don't tell me it's... Ni hindi ko mabanggit ang pangalan niya. Dali dali kong kinuha ang binili ko at nagbayad na. Hindi na ako nakapagpasalamat pa sa sobrang kaba at dumiretso na sa labas ng canteen.

I don't want to see him again. It'll embarass me more. Why did he transferred here anyway?
No. No way. No way I'll face him again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coming Back To YouWhere stories live. Discover now