Prologue

5 0 0
                                    

"Oh, miss De Guzman late kana" 


Ngumiti lang ako sa prof namin at dahang dahan ng umupo satabi nila Aira at Ali. Ramdam ko ang mga titig ng mga ka blockmates ko. Dapat talaga di ko na pinilit pumasok, ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa hangover, kaso papalapit na ang mid term kaya kaylangan ko talagang pumasok. 


"Kamusta?" nakangising tanong ni Aira, halatang mangaasar na naman ang bruhang to.


"Nahihilo parin ako, dapat talaga di na ako sumama sa mga kalandian niyo" mahina kong bulong pero tama lang na marinig nilang dalawa. 


"Wow, kaya pala kagabi-" Naputol ang pagsasalita ni Aira ng biglang siyang siniko ni Alice.


"Miss, Ramos?" Natahimik agad si Aira ng biglang tinawag ang pangalan niya.


"yes, prof.?" 


Ang kapal talaga ng muka ng gagang to, buti nalang di siya pinansin ng prof. namin at bumalik na sa topic. Umiling nalang si Ali at bumalik na sa pakikinig sa lesson, samantalang si Aira naman ay nakangusong pinaglalaroan ang hawak hawak niyang ballpen sa kanang kamay.


Lumabas na kami kaagad at naglakad na palabas ng building pagkatapos ng klase namin, papunta kaming canteen ngayon. Minamadali ko silang maglakad dahil gutom na ako, kanina pa akong walang kain. Di na ako nakapag breakfast dahil 8:42 na akong nagising, uminom lang ako ng tubig at naligo na kaagad. Walking distance lang naman ang dorm ko sa uni kaso malayo sa entrance ang architecture building.


Napahinto ako sa paglalakad ng bigla akong sikohin ni Aira, tinignan ko lang siya ng masama. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa binulong ni Ali.


"Si AJ" mahinang bulong ni Alice sakin, I quickly search my sorrounding.


"saan?!" tanong ko kay Ali ng diko makita si AJ


"ayan oh, nakaupo- nakatayo na" sabay turo naman ng nguso niya.


Sinundan ko kaagad kung saan siya nakaturo. Ang pogi talaga ni AJ, kahit school uniform lang naman ang suot niya gaya ng ibang lalaki sa uni, ang hot tignan kapag siya ang nakasot. Kahit basahan ata isuot nito bagay sa kanya. Ang tangkad kasi parang model, tapos ang sharp pa ng jawline, matangos na ilong, tapos kissable li- NAGKISS KAMI?!


"hala, shiit" bigla akong pinagtinginan nila Ali at Aira ng marinig nila ang sinabi ko.


"why? ano meron? what happened?"  sunod sunod na tanong sakin ni Ali habang naglalakad kami.


"wala- pano pala ako nakauwi kagabi? wala na ako maalala" pagiiba ko ng taopic dahil ayoko na isipin ang imahing pumasok sa isip ko.


"Angelo and AJ  helped me lastnigth, di ko naman kayang buhatin kayong dalawa" pag papaliwanag ni Ali samin.


Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makitang naglalakad si AJ papunta sa direksyon namin, shit, parang lalabas na puso ko sa ribs ko sa sobrang kaba. Basta wala akong naaalala, lasing ako that time. Lalo akong kinakabahan habang palapit siya ng palit, shit di ko na talaga to kaya.


"Ay, mauna na pala kayo guys, may nakalimutan ako sa room"  tinulak ko na silang dalawa paalis, wala talaga akong nakalimutan ayoko lang siya makaharap.


"samahan kana namin, may time pa naman e" pagpipilit ni Aira


"hindi mauna na kayo, susunod agad ako promise" kumaway ako sa kanila habang naglalakad papunta sa archi building, nakita kong nag usap si Aira at AJ saglit at tuloy tuloy na naglakad, lalo akong kinabahan ng maramdamang may sumosunod sa likuran ko.


Tumingin ako sa likuran ko saglit para makita kong sino ang nasa likuran ko, binilisan ko kaagad ang lakad ng makita ko si AJ, assuming ba ako o sinusundan niya talaga ako? Nagulat ko ng may biglang humawak sa palapulsuhan ko, nilingun ko kaagad ito at nakita si Aj na may dalang dala na Plastic bag sa kaliwang kamay.


"hey, about lastnight-" hindi na siya natapos sa sasabihin niya bigla akong nagsalita.


"wala akong naalala, i swear, lasing na lasing ako kagabi, like as in wala talaga" hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko, binawi ko kaagad ang hawak niya sa palapulsuhan ko ng marinig ang mahina niyang tawa na at naglakad na paalis. Ang dami palang nakatingin samin, lalo tuloy akong nahihiya.


"San ka pupunta? diba dito papunta sa room niyo?" sabay turo sa harapan niya gamit ang hinlalaki niya.


Napakagat ako sa labi ako at dahang dahan tumalikod papunta sa room namin. Hindi ko alam kung bakit pero kasabay ko siya ngayon papunta sa room namin.


" You really don't remember what happened last night?" tanong niya habang naglalakad kami.


Uminit kaagad ang muka at napahawak sa kaliwang braso ko ng maalala ang nangyari kagabi.


"bakit? di namana ko sumuka diba? hahahaha" awkward akong tumawa sa kanya at huminto sa pag lalakad ng nasa tapat na kami ng room ko.


"ito na yung room ko bye" hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok na kaagad. Isasara ko na sana nag pinto ng bigla niyang nilagay ang kamay niya sa pinto kaya naipit tuloy.


"Hala, shit, sorry sorry" ianabot ko kaagad ang kamay na at inihipan ito dahil sa sobrang kaba ko diko na alam ang gagawin ko. 


"Bat mo kasi hinarang yung kamay mo sa pinto" Naiiritang sabi ko ng marinig ko na naman siyang tumawata.


"here, nag text si Aira sakin kanina, late kana daw kaya di ka nakakain ng breakfast" inabot niya sakin ang  isang plastic bag na kanina niya pa hawak hawak.


"t-thanks" tinangap ko nalang ang inabot niyang plastic bag dahil diko na alam sasabihin ko.


"it's really a shame that you can't remember what happened last night, but I really enjoyed it and maybe again sometime" uminit kaagad ang muka ko at agad agad napatakip sa bibig ko habang nakatingin sa muka niya na nakangiting lang.


"really, after a wholesome conversation we had last night, all you could remember is the kiss?" napalitan ang ngiti niya ng malakas na tawa. Naglakad na ako paalis agt nakatingin lang sa sahig.


Parang gusto ko na magpakain sa lupa sa oras na yun.Nag paalam na siyang aalis, diko na siya tinignan at tumango nalang.


Hindi ko mapigilang pamangiti ng tignan ko ang laman ng plastic bag. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The After PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon