Isang salita na kapanipaniwalainaakalang biro lamang
Puro nalang akala,akala dito, akala doonKahit seryosong usapan na, akala pa rin biro lamangYung mga nagaakalang na sila'y nakakaranas nito Ito yung mga klase ng tao na madaling makatakas
Na parang buhay nila'y inaakalang magwawakasPagtatawanan pa nila, kasi akala nila nagbibiro ka lang na may depresyon ka
Pero yung totooParang kadenang nakatali Sarili mo'y binibigtiNa sa kada galaw mo unti-unting humihigpit dahil sinusubukan mo kahit ang totoo naman,matagal ka nang sumuko
Hindi kayang alisin kahit maisip man lang na tanggalin
Sapagkat ito'y kasama mo upang di ka makangiti
Di ko man aminin pero ako'y napasailalim ritoito'y aking nasubukan, sinubukang takasan peroIto'y di ko kinayaparang tubig na walang katapusan na dumadaloy
Parang sarili ko'y itinaboyakala ko ito'y aking malalampasan
Pero di ko na pala ito matatakasan
Parang papel na walang katapusang sinusulatan
Akala ko'y ito'y aking makakaya pero hindi pala
Ang daming tumatakbo sa aking isipan
Mga gawaing makasalanan
Siguro kamatayan
Ang aking kamatayan
Oo ganito ako magiisip
Nagiisip kung papaano tapusin ang aking nasimulan gawan agad ng katapusan gawin ko kaagad upang walang makaalam sa aking mga nararamdaman
Kinikimkim ang sakit Sa akin lahat nakadikit inipilit na makabangon kahit nakabaon na ako, sa mga problema ko
Gumagamit ng maskara para maitago, ang totoong kalagayan ko durog na durog na ako, di ko lang pinupulot sarili ko kasi ano pa ba ang halaga ko, ang halaga ko dito sa mundo, gusto ko na matulog kaso walang kasama, di naman yan mahalagamag isa lang naman ako
Di ko na ibibigay sa iba kasi baka hindi nila intindihin ang aking ibig sabihin na nais kong iparating
YOU ARE READING
The Pagkalumbay Series - Into The Unknown
AdventureThe story follows Al, a 19-year-old student that has finished senior high school and is entering college. Follow our protagonist as A ventures into new waters and find out more about herself and ventures into the unknown.