CHAPTER 1: What friends are for?
“WHAT are you doing here again, Hensin? Marami pa ‘kong gagawin,” saad niya nang makita ang kaibigan na basta na lamang pumasok sa loob ng opisina niya.
Pero sa halip na sagutin siya ay pabagsak itong naupo sa recliner chair na ginagamit ng mga pasyente niya. Sabagay, mukha rin naman siyang pasyente ngayon, pft. Dahil sa mukha nitong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mukhang depressed na ang itsura.
At mukhang alam niya na ang ipinunta nito rito. Napailing na lamang siya’t tumayo mula sa swivel chair niya, at saka siya naglakad palapit sa dalaga at naupo sa upuang nasa harap ng kinauupuan nitong recliner.
“What is it again? ‘Di ba, break na kayo?” tanong niya rito.
Malalim itong bumuntonghininga, bago nag-angat ng tingin sa kaniya. “Nakikipagbalikan siya sa ‘kin,” kapagkuwa’y saad nito. I thought so. “I don’t know what to do anymore, Kristof.”
“Do you still remember what he did? Hindi ka niya sinipot n’ong first anniversary niyo, ‘tapos nalaman mong nando’n pala siya at nakikipag-date sa ibang babae. Why still feel perplex? Hindi lang naman ‘yon ang unang beses na nagloko siya. Kung talagang mahal ka niya, bakit pa siya naghahanap ng iba?”
Babaero siya, pero ni minsan ay hindi niya nagawa ang mag-cheat. Kaya nga never siyang nakipag-commit sa isang babae, dahil hindi pa siya handa; hindi pa siya nakukuntento sa isa. I still want to enjoy my single life. Kaya sa mga lalaking katulad niya, hindi dapat pumapasok ang mga ito sa mga seryosong relasyon.
Kung papasok ka sa isang relasyon na seryosohan, dapat panindigan mo.
“I still love him,” nakayukong sagot nito. Muli na lamang siyang napailing. Bakit ba ang rurupok ng mga babae? Tsk.
“So, what’s your plan now? Bibigyan mo siya ng second chance?” sa halip ay tanong niya rito. Kahit ano nama’ng advice ang ibigay niya, ang desisyon pa rin nito ang masusunod.
Kahit naman sabihin kong huwag niya nang balikan ang lalaking ‘yon, alam kong hindi naman niya ‘ko pakikinggan, dahil marupok siya! Tss.
Nagkibit balikat ito. “I dunno. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” naguguluhang sagot nito.
Napabuntonghininga na lamang siya. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa ‘yo.
Tumayo siya’t tinanggal ang white coat niya, dahilan para taas kilay na nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
“Sa’n punta mo? Nag-e-emote pa ‘ko rito ehh. Iiwan mo na ‘ko?”
“Let’s---”
“Ganyan naman ehh. Parati niyo na lang akong iniiwan at sinasaktan. Mga sperm talaga kayo na wala nang alam gawin kun’di ang pairalin ‘yang mga titi niyo at saktan kaming mga babae!”
Napasimangot siya. Ayan na. Nagsimula na ang kadramahan.
Nagsimula na itong umiyak, kaya bumalik siya sa pagkakaupo sa upuang nasa harapan nito, para makinig at damayan ito sa kadramahan ng buhay nito.
“Bakit? Ano ba’ng kulang sa ‘kin, Kristof? Maganda naman ako, magaling din ako sa kama, and I’m sure na masarap din ako. Sarap na sarap pa nga siya sa ‘kin ehh! Pero bakit hindi pa rin siya nakukuntento? Bakit naghahanap pa rin siya ng ibang putahe?! Dahil ba nagsasawa na siya sa flavor ko, kaya gusto naman niya’ng tumikim ng iba? He’s an asshole with a big fucking dick!” Napangiwi na lamang siya. I’m sure mas malaki ang akin do’n.
“Wala siyang isang salita! Ang sabi niya sa ‘kin ako lang! Pero may iba naman pala! He’s a liar! Hayop siya! Gago siya! Malandi siya! Pero bakit mahal ko pa rin siya?” Deretso itong tumingin sa kaniya. “Sobrang nasasaktan ako; galit na galit ako sa kaniya; pero bakit mahal na mahal ko pa rin siya? Tell me, Kristof. Bakit siya pa rin ang laman ng letseng puso na ‘to?!” Sabay mariing duro sa kaliwang dibdib nito.

BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers
Romance[COMPLETED] "Dr. Kristof Gomez's Story" Book Cover Designed By: ArtbyGel _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each other; bu...