Umasa (One shot)

194 7 2
                                    

Andrea's pov

*Cafeteria*

"Hey girl!! Ok kalang?" Sabi ni Harvey na nakaupo sa mesa.

"oo naman!" Masigla kong sabi.

Haysss may iishare ako sainyo! alam niyo ba na may crush ako? (malamang hindi pa dba?) Shh! Author naman eh! Wag magulo! (k. dot) So as I was saying , May crush na ako! At kapangalan ko pa siya! keleg keleg naman lola niyo!

"Andre! Dito!" tawag ng kaibigan niya .

Napalingon ako sa tao na kakapasok palang *o*

Siya yun! siya yung sinasabi kung kapangalan ko! sheet! wafuu!! I die ! pero syempre joke lang haha xD cge tawa na kayo dalii.

Gosh! kinakabahan ako kapag nakikita ko siya, nagiging conscious ako, nahihiya, Parang nawawala ako sa sarili, ganun! Ganun kung nakikita ko siya. (oh? edi wow) AUTHOR! isa! (Dalawa?) Tss.

Bat ganun? tumitingin siya sakin? nangnanakaw ng tingin? every minute tumitingin siya sakin, bakit? may kuto ba ako sa mukha? x) joke . Bakit kapag tumitingin ako sakanya sakto naman na tumitingin siya sakin, yan tuloy nagkakatinginan kami. Ang say---

"Hoy!" sabi ni Farrah

"Ay bakla na may bra!" napalakas ata ang pagkasabi ko. Tumawa kasi sila eh? nakuu nakakahiya kay crush! baka maturn off!

"lumilipad kana naman! anubeyen? kanina pa kami dada ng dada dito hindi mo pala kami pinakikingan!" nagising naman ako sa katotohanan dahil kay Farrah! nubayan! sinermonan ako!

"chill teh!" sabi ni Caroline.

Nakuu nakakahiya! pinagtitinginan na kami sa table namin. ihihih ganun talaga kapag sikat! charot! joke ulit! gue tawa na kayo dalii!

Hayss! makakain na nga lang para makaalis dito.

*After lunch*

Ah so ganun? nagmadali kami papunta dito tapos hindi na nanaman magklaklase si maam? Aba matindi! haha x) Meaning. . . Free time!! so yeah! party party! pumunta kami sa library para magpa aircon haha :) ganun talaga, minsan tambayan namin to.

*library*

Umupo kami sa mga upuan. malamang nga naman dba? alangan naman kami umupo sa bookshelves edi masaya de joke lang haha.

so yun kumuha kami ng mga libro at kunwari na nagbabasa para hindi pa alisin ni ms. librarian (sinong nakakarelate?xD)

Sila Harvey, Jung at kath ay gumagawa ng report habang ako ay malalim na nagiisip kung nasaan naba ang crush ko haha (kay landi landi!) pagbigyan mona ganun talaga hihih! sila Soli, steph, rap, Ron, Caroline at kols ay naglalaro sa kani kanilang cellphones.

Isip isip kung ano ang pwedeng magawa. okay! soundtrip tayo para masaya. kinuha ko ang aking headset at ipinalsak sa aking ilong haha joke, syempre sa tenga.

Playing : Maps by maroon 5

may pumasok na mga studyante na mga higher levels. medyo marami sila. pero isa lang ang nahagip ng mga mata ko. . . Si Andre . nangdito siya? paano yan? hindi pa nga ata nakapag suklay kanina.

"Relax, nahahalata ka" nagulat ako ng biglang nag salita si Harvey. ay? ganun ba ako ka obvious? kasi naman eh! bigla biglang susulpot! pero ok lang atleast ng dito siya . umupo siya sa table na side ng table namin . medyo malayo na nga ang inupuan niya tapos nakatalikod pa siya? so ganunan tayo?

Minsan nahuhuli siya ni Harvey na pasilip silip sa direksyon namin. kung nahuhuli niya tinatapakan niya sapatos ko ng pasekreto kaya napapatingin ako sa direksyon nila crush. hihih nakatingin pala siya? hindi ko alam eh.

Umasa (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon