Simula

1.5K 123 57
                                    

PAALALA:

ANG AKDA AY NAGLALAMAN NG TEMANG HINDI ANGKOP SA MGA BATANG WALA PA SA WASTONG EDAD, MANGYARING IPAGPALIBAN ANG INYONG PAGBABASA DAHIL HINDI INTENSYON NG MANUNULAT NA BUKSAN ANG MATA NG MGA BATANG MAMBABASA SA MAKAMUNDONG MGA BAGAY AT GAWAIN.

⚠️

Enjoy Reading!

🥂⌚🥂


"Congratulations Mr. Graciano, the units are certainly designed with modest and class. I really love what you did with such a very limited place." papuri ng isang matandang guest na palagay ko'y co-owner ng katatapos lang naming project na condo tower.

"Thank you, but it's actually a collaborative work with Architect Villareal, Engr. Juarez and the whole team." I humbly answered as we moved to the next room they're inspecting.

"Oh, of course." pambawi niya bago bumalik sa mga kasama upang tignan ang ilan pang features ng mga unit.

Napatingin ako kay Neil na kanina pa nakatingin sa akin. Kinindatan niya ako tsaka ngumiti ng pilyo. I mockingly smiled at him tsaka sumunod sa mga kasama namin.

Hindi pa man ako nakakalayo ay natabihan na niya ako agad.

"Sakto paglabas natin mamaya, diretso tayo sa Revel?" pabulong niyang tanong.

"Dios ko ka Neil, nasa trabaho tayo alak na naman nasa isip mo." pabulong ko ring sagot.

"C'mon, it's Friday." pilit niya. "Tsaka wala kang choice. Sa'kin ka sasakay mamaya."

I rolled my eyes realizing na nasiraan pala ako kahapon kaya makikisuyo nga ako. Ang mahal naman kasi ng mga mobility transport services ngayon, ang hirap pa mag-book lalo at Friday ngayon.

"Eh paano sina Sylvia at Richard?" tanong ko.

"Pwede naman silang sumunod."

"Uuwi ng probinsiya si Sylvia at ayaw ni Richard sa mga biglaang lakad." paalala ko.

"Edi tayo lang dalawa." pagpupumilit niya.

Tumigil ako tsaka pinagsalikop ang mga braso ko.

"Para ano? Masabi mo na namang nagdedate tayo?" tukoy ko sa issue tungkol sa amin kamakailan.

"I never said that." pagtanggi niya. "Ang sabi ko, we are going out. Technically, that's true kasi lumalabas naman tayo 'di ba?"

"With our friends." pagtatama ko.

"Still, we're going out." sagot niya tsaka binilisan ang lakad to dismiss the conversation.

Napailing na lamang ako.

Neil is my friend. Pero he feels different.

A few weeks ago, napabalita sa office na nagdedate raw kami dahil sinasabi niya sa iba naming colleagues na "we're going out". Agad ko rin namang dineny at baka umasa siya kapag 'di ako magsasalita against doon.

Hindi naman naging big deal sa akin ang issueng iyon. It's not the first time. Tsaka I made it clear sa kanya noon pa na we're just friends.

Hindi naman dahil sa pangit siya. Actually, gwapo si Neil. Matangkad, mabait at matalino. Pero hindi ko siya maiiba sa mga kaibigan ko gaya nina Sylvia at Richard.

Isa pa I need a friend more than I need a lover.

Buong kabataan ko, dinamutan ako ng pagkakataong magkaroon ng kaibigan. Ayoko na bumalik sa mga panahon na iyon. Mga panahong wala akong kaibigan, panahong ipinagkakait sa akin ang makasalamuha ang mga taong kaedaran ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TimelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon