Two weeks later...
Messenger
Starting five pa rin mga ulol
9:46 PM
Rai
Oy, Kap. Lapit na birthday ni Aling Maliit.
Ano plano mo?Rhett
Alam mo malapit na ako ma-convince na may crush ka kay Riley.Rai
Luh?! Issue ka boi.
Di ako mang-aagaw ng jowa. 😌Rhett
Jowa na ba? Di pa naman ah.Ryu
Championship ring daw muna bago um-oo si Aling Maliit. 😂Aki
Di mo sure. 😎Rhett
Weeeh? Kayo na nga?Aki
HahaRyu
Luuuh? Spill naman jan Kap!Aki
Wala naman isi-spill.Axl
Umayos ka, Akio. Wag ka fake news d'yan.Aki
Chill lang, Guills.
Di pa naman kami, pero balak ko na magtanong sa birthday nya.Ryu
Ano ba yan? Corny mo naman, Kap.
Sa birthday talaga ni Riley?
Pero sabagay, tipid. Birthday, Pasko, Anniversary all in one. 🤔🤔🤔Aki
Hahahaha! Di naman ako ganyan mag-isip, Ryu.Ryu
Well, now you know. 😅Aki
Pero ayun nga, balak ko na magtanong soon.
Gusto ko sana sya i-surprise.
Need your help, guys.Rhett
Help daw Guills hahahahaAxl
Kaya na ni Aki yan.
Kahit naman ano gawin niyan, oo sagot ni Riley.Rai
Hahahahaha syempre oo yun, highschool pa lang yata crush na crush na ni Riley si Kap. 🤣Aki
Huh? Di ko alam yan ah.
Legit ba?Axl
Gago, Rai. Sana abutan ka pa ng umaga pag nalaman ni Riley yan. 🙂Rhett
Tangina ang daldal hahahahaRyu
🤦♂️🤦♂️🤦♂️🤦♂️🤦♂️🤦♂️
Obob! Wala akong kapatid na obob!
Tinatakwil na kita bilang kakambal.Aki
So, basing on your reactions, totoo nga?Rai
Kap, please, wag mo na i-bring up kay Riley.
Gusto ko pa magkapamilya, please lang, Kap.
Nagmamakaawa ako sayo. 😭😭😭Aki
@Axl
@Ryu
@RhettAxl
Wala kang makukuhang confirmation sa'min. 😌Rhett
HAHAHAHAHAHAHAHAA
DEPENSA AGAD ANG PINSAN.Axl
Mas okay nang isa lang casualty sa'tin.Aki
Hmmm, I'm gonna ask Riley about this tho. 🤔Rhett
Pero oy Aki.
Maiba lang sandali.
Sigurado ka na ba talaga kay Riley?
Sure na sure ka nang wala nang Ishi sa sistema mo? Alam ko paulit-ulit na tayo dito, pero gusto ko lang din makasigurado. Kaibigan ko rin si Riley at ayaw ko naman masaktan yung kaibigan ko.Axl
Paki-sagot Akio.
Thanks! 😏Aki
I understand where you're coming from, Rhett.
Same with Axl's concern.Naging gago ako kay Riley inaamin ko.
Masyado akong naging hung-up doon sa isa kaya nahirapan ako ma-realize yung totoong feelings ko.One thing's for sure, tho.
I'm more than 100% serious with my feelings for Riley.
This time, wala nang halong pagpapanggap.Rhett
Baka naman option mo lang si Riley kasi di na available si Ishi?Aki
Kung option ko lang si Riley, matagal ko na sana siyang iniwan. Nung nalaman ko pa lang na break na si Ishi at Arlo, sana nun pa lang kumalas na ako.Pero di ganun nangyari.
Mas lalo kong napatunayan na si Riley talaga yung mahal ko. Kasi di ko na ma-imagine yung buhay ko nang di siya yung nasa tabi ko, kasama ko.
Kahit nung nagpi-pretend pa lang kami, it didn't feel fake. The way we were together, it felt natural. It felt like home.
Riley felt like home.
Kaya rin ako pumayag putulin yung pagpapanggap namin dahil alam ko sa sarili noon na nahuhulog na ako kay Riley. Ayaw ko mangyari yon dahil kinondisyon ko sarili ko na si Ishi lang gusto ko.
But Riley made her way through my heart.
Her subtle ways are what caught my attention. Talaga palang it's the little things that matter. Simpleng mga bagay lang, pero naparamdam niya sa'kin na she genuinely cares for me. Na she remembers every minute detail I share with her.
Rhett
Taena tinanong ko lang kung sigurado ka na o hindi, pero essay ang sinagot. 🥲Rai
Pero aminin mo Rhett aprub na si Kap. ☺Ryu
Legit! Approved din sa'kin. 👍
As long as walang magkakasakitan, oks sa'kin.Axl
👍
Alam mo naman na stand ko rito, Aki.
Wag mo lang sasaktan si Aria Soleil.Aki
Lol I could still go on with my explanation pero thanks for the vote of confidence, guys.Of course, @Axl.
So, ano na? Tutulungan nyo na ba ako i-surprise s'ya?
Rai
Ganito kasi yon, Kap.
Ito mga gusto ni Riley... 🤫
BINABASA MO ANG
Subtle Heart
Teen FictionAn Epistolary Heart Series #1 About You and Me (Second Generation)