One Shot

43 0 0
                                    

ONE SHOT.

6 months later.......

*Inter School Competition*

Maraming tao sa school gym, hindi lang kameng mga taga University of the East kundi may mga taga ibang school din. Dito ginanap ang championship na noon pa pinaglalabanan ng school namen at University of the South.
6 months na pero wala paring nagbago sa pananaw ko na magaling lang si Sedric Valencia sa basketball at hindi sya gwapo, PERIOD kaya naman kahit labag sa loob ko, ichi cheer ko sya. Pangalan ng school nakasalalay dito!

At dahil sa likas akong maingay, sinimulan ko ng sumigaw at the top of my lungs.

"LETSE KA SEDRIC VALENCIA! GALINGAN MO KUNG HINDI, UUPAKAN TALAGA KITA!"

Tinginan naman saken mga kaklase ko at schoolmates. Pakealam ba nila? Wala ba silang sariling boses at hindi nalang mag cheer para sa school kesa tumitingin sila saken. Hays.

Nakita kong pawis na pawis na si Valencia at dahil mabait ako, bumaba ako sa may pwesto nila at umupo sa bench. Pagka time out, inabutan ko sya ng tubig at towel.

"Salamat Bae, ang sweet mo talaga." ai di ko pa pala nakekwento sainyo, nanliligaw na saken tong impakto na to. Limang buwan na rin. Kahit dinededma ko ayaw parin tumigil. Kaya hinayaan ko nalang, tangna ang ganda ko te! HAHAHA!

"Ayusin mo. Kundi papalitan kita dyan sa court." pananakot ko.

"Sige, pagod narin naman ako e. Ikaw na Bae bahala a." akmang huhubarin na nya ang jersey at puteks, ang yummy ng Abs!

"Geh ba pagkatapos neto maghanap ka na ng liligawan mong bago." pagbabanta ko kaya naman biglang inayos ang sarili at.....

"Team galingan natin!" sigaw nya.

Napag isipan ko na rin naman to kagabe. Pag naging MVP sya, sasagutin ko na. Ang babaw ng dahilan ko? Tsaka para naman matigil na ang pagbibigay nya ng bulaklak saken, eh sa garden lang naman ng kapitbahay nila pumipitas yun. Konsensya ko pang mauubos ang bulaklak dun. Nako talaga, laki ng problema ng lalakeng to.

Nagsimula nanaman ang laro.

Hala, anong nangyayare? Bakit labing anim na ang lamang ng kabilang team sa school namen? Kailangan ko gumawa ng paraan.

Lumapit ako sa Sports Committee at hiniram ang microphone. Nung una ayaw pang pumayag pero dahil cute ako, hindi parin pumayag kaya naman inagaw ko na yung mic!

"OO SINASAGOT NA KITA SEDRIC VALENCIA KUNG IPAPANGAKO MONG MANANALO KAYO!" agad naman naghiyawan lahat ng nanunuod at napokus ang tingin saken. Patay, isang malaking kahihiyan nanaman ang kinakaharap ko sa mga oras na to.

Tumakbo nalang ako palayo. Hindi ko na inantay matapos ang game dahil sobrang nahihiya nako sa sarili ko! Bakit ko ba ginawa yun? Ano bang pumasok sa kokote ko at nakagawa ako ng isang iskandalo. Huhuhu.

Lumipas ang oras at di ko namalayan na bumalik pala ako sa school gym. Kung saan konte nalang ang mga taong nandito. Tapos na siguro yung game, kita ko namang malungkot na nagliligpit ang team nila Sedric ng mga gamit nila. Lumapit ako at sinabing.....

"Ok lang yun. Better luck nextime SEDRIC VALENCIA."
nagulat sya at bigla akong niyakap? Hindi pa kami! Hindi sila nanalo diba? Tsk tsk.

"I love you Bae! Panalo kami at dahil sayo yun." sabay yakap ng mahigpit at smack saken.

Huh? What was that? Eh bakit ang lungkot ng mga mukha nila kung nanalo sila?
Ibig bang sabihin....... tiningnan ko agad ang digital score board at tuwang tuwa talaga ako! Champion ang school namen! Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko ng mahigpit si Sedric at hinalik halikan ko sa pisngi. Naisip ko may kasalanan pala to saken.

"At bakit mo ko ninakawan ng kiss?" yung smack kanina.

"Carried away lang Bae. I love you too ko asan?"

O sige na nga, mahal ko rin naman tong payatot na to.

"I love you too BEFORE ANYONE ELSE KO!" sabay hug ulet. Tuwang tuwa naman yung loko.

THE END......

Basketball (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon