Chapter 1

31 3 0
                                    

Asan ako?

Anung ginagawa ko dito?

Isang room?

Maraming dugo?

"Tulong....tulungan mo ako maawa ka"

Napatingin ako sa harapan ng black board isang babaeng naka-uniporme, mahabang palda na lagpas sa tuhod kulay itim at long sleeve na uniporme at kulay itim,parang ,pinaglumaan na ...

Nilapitan ko siya

Nakatalikod siya habang nagsusulat sa black bored .. na salitang "TULUNGAN MO KAMI"

"Kami?asan ang kasama mo?"tanong ko sa kanya "sabihin mo tutulungan kita"

Nilapitan ko siya, palapit ako ng palapit hanggang sa hinawakan ko ang kanang balikat niya,huminto siya sa pagsusulat at bigla niya hinawakan ang kamay ko

Lumingon siya sa akin..

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhh"

"Ahhhhhhhhh"

"Julia ! Julia! Gising"

Napamulata ako ,at agad akong tumayo..akala ko totoo na, panaginip lang pala.

"Binabangongot ka na naman ba?3 night na yan ahh"

P

Napatingin lang ako sa ka karoommate ko, at pati sa kasama ko sa kwarto sa dorm na tinutuluyan namin..

"A-ayos ka lang ba ha?"

Tanong ng isa kung karoomate,,tumango lang ako at tumayo sa hinihigaan ko at tumingin sa salamin.

"Di pa nagsisimula ang school day?may bumabagabag agad sayo?"

Nagulat ako at tumingin ako sa nagsalitang babae, nakasalamin siya ng pang nerd,maiksi ang buhok na kulot na may bangs habang nagbabasa ng libro.

"Ah..ah..hahahaha,wag mo pansinin yan ganyan talaga yan masyadong weird,p-pero mabait yan" sbi ng babaeng nanggising sa akin.

Tumingin sa amin yung nakasalamin,at bigla siyang umalis..

---------

By:ate_canillyn

PEACE

......

Ako pala si Julia Poentanuvija ,17 years old, 4th year h.s ,nag aaral ako dito sa St. Laviña Academy, di siya gaanu sikat pero maraming nag aaral dito ... may dorm na dito sa loob ng school kaya, dito ako pinatira ng parents ko dahil masyadong malayo at gastos pa sa pamasahe.

Di naman kami mayaman at di rin mahirap, may kaya lang..

3 days na ako dito nung friday pa kasi ako nakarating. ,bukas panigurado papasok na naman..

Medyo O.P din ako dito,kasi bago pa lang ako 4 head in one room kasi ito..malaki din siya at kasya kami..at tingin ko parang kami lang tatlo ang nandito

Nakatingin lang ako sa dalawa kung kasama dito sa room nagtatawanan sila, ,ngayon ko nga lang napansin na marunong palang tumawa itong kulot na babae na to..

"Julia,halika" napatingin ako sa likod ko, at tumingin ulit sa harapan..

"A-ako b-ba?"


"Haha oo naman sino pa bang julia dito?edi ikaw lang naman" tumawa silang dalawa,napangiti na lang ako.

"Halika,lapit ka dito..panorin natin to ohh dali"

Lumapit ako,,at napaupo..

"Sandali,,bakit mo pala alam ang pangalan ko?"ngtataka kasi ako dahil umaga palang alam na niya pangalan ko..

PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon