Simpleng babae lang ako...walang arte o kolorete sa mukha...hindi ako peymus sa school dahil wala namang kapansin pansin sakin..average lang ako ... hindi rin ako sobrang yaman pero ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang aking talino... lagi akong Top 2 sa klase.. bakit Top 2? kase yung taong gusto ko ang Top 1... si Blank..
Katulad ng pangalan niya ang facial expression niya BLANGKO lagi siyang seryoso at naka poker face ... di uso sa kanya ang salitang HUMOR at JOKE... ang swerte nga ng mga kabarkada niya kase lagi nilang simasabi na kapag kasama nila si Blank eh lagi raw itong masaya at laging tumatawa...
7....7 taon ko na siyang minamahal... nung una pinipilit ko sa sarili ko na simpleng paghanga lang 'to hanggang sa ako na mismo ang umamin sa sarili ko na mahal ko siya...
Famous siya dito sa school namin dahil sa angking kagwapuhan at katalinuhan + magaling din siya sa basketball kaso suplado lang...pero kahit ganun,maraming mga babaeng nagkakandarapa sa kanya at isa na ako nun.
Pero di ko naman pinapakita yun katulad ng iba,hanggang tingin lang ako at hindi na rin ako naghahangad na magkagusto rin siya sakin dahil obvious naman na 'di kami bagay at 'di ako yung tipo niya na hindi kagandahan at hindi rin ganong kayaman...
Pero sabi naman ng bestfriend ko na si Yurie, "Opposites Attract" kaya lang hindi ko talaga lubos maisip na magkakagusto rin siya sa akin...
Nung high school pa kami madalas pumasok sa isip ko na baka may chance dahil sa parehas naman kaming matalino...
Naaalala ko pa nun nung kami lang ang nagpapaligsahan na sumagot sa Math at nung nanalo siya nginitian niya ako at nung mga oras na yun, sobra akong namesmerized sa ngiti niya...First time kong nakita siyang ngumiti at feeling ko nun napala special ko...
Then one time nagkaroon kami ng activity sa room nung 4th year HS na kailagan isulat mo ang mga qualities na hinahanap mo sa isang babae\lalaki... pumili nun ang teacher na magshashare ng sinulat nila, nung natawag siya at binasa ang sinulat niya,parang gumuho lahat ng pag-asa na meron ako...
"Gusto ko sa isang babae ang matangkad,maganda,makinis ang balat,sexy,talented,matalino,mayaman,responsable at mapagmahal, blah blah blah....
Nung narinig ko iyon nalaman ko na imposible pala...maliit lang ako,payat,hindi ako talented,matalino,responsable mapagmahal oo pero the rest bagsak...
That's the time na narealize ko na kailangan ko nang tigilan 'tong kahibangan ko..tigilang mag assume na may chance kami... kumontra pa nga nun si Yurie...
"Best naman wag kang masyadong nega dyan malay mo..."
Nagtalo pa kami dun kase gusto niya si Blank para sakin at bagay daw kami pero sa huli wala rin siyang nagawa...
Kaya starting college kakalimutan ko na ang feelings ko para sa kanya...
BINABASA MO ANG
Finally Giving Up
Short StoryAno gagawin mo kung sakaling malaman mo na hindi talaga kayo pwede ng taong matagal mo nang gusto? Susuko ka na ba? Eh pano kung kelan ka sumuko tsaka siya nagkagusto sayo? Itutuloy mo pa ba ang pagsuko mo?