Part 2

7 0 0
                                    

College na ako non at laking gulat ko na iisa lang ang course na kinuha namin at magkaklase kami sa lahat ng subjects...

Para ako nun pinagsakluban ng langit at lupa...pero may parte pa rin sakin na masaya dahil makakasama ko ulit siya...

Sa kabila nun ay tinuloy ko pa rin ang plano ko na mag move on sa kanya...

Nakakatawa isipin na kailangan kong mag move on kahit na hindi kami...well mahirap namam kasi kung itutuloy ko pa 'tong nararamdaman ko...

Minsang sinabi ng besftfriend ko na magtapat nalang ako para malaman kung may gusto ba siya o wala nang pag-asa at para mawala na yung feelings ko pero para sa akin kahit anong mangyari.. idedeny ko yun...hindi ko sasabihin hanggang sa time na mawala na ang feelings ko..

Hindi kami close ni Blank since high school. Dahil nga sa hindi naman ako kapansin pansin..kinakausap niya lang ako kapag related sa school. Kapag kinukwento ko nga yun kay Yurie eh sya pa ang kilig na kilig.

Naging madali at the same time mahirap ang ginawa kong paglimot sa feelings ko sa kanya. Madali kase hindi kami close...Mahirap kase magkasama kami sa lahat ng subjects...

One time nagkaroon ng social dancing amin at pinagpartner kami ng teacher at ang masaklap eh kami ang magkapartner...kabado ako nun pero di halata sa mukha ko malalaman mo lang kapag nahawakan mo kamay ko na kasing lamig na ng yelo...

Nagstart na kaming sumayaw at sa awa ni Bro eh nagawa ko iyon ng maayos pero di ako nakipag eye contact..nakayuko lang ako or nakatagilid ang ulo...di naman sya nagreklamo siguro kase mas ok yun kesa makita yung pangit kong mukha..patapos na yung sayaw nang bigla siyang magsalita...

"Anlamig ng kamay mo.."

Nagulat ako nun at di ko alam yung sasabihin ko..ayoko namang sabihin na kinakabahan ako...

"M-malamig kase yung panahon tsaka kinakabahan ako na baka magkamali ako buti nalang hindi hehe" sagot ko

Tumingin lang siya sakin tapos umalis na rin whew! buti nakalusot...

Marami pa akong natatandaang "moments" kuno namin pero sinasaksak ko sa utak ko na wala kang pag-asa o kaya naman di ka niya magugustuhan...

At sa paglipas ng panahon,nakikita kong nagiging success yung plano ko dahil hindi na siya ang laman ng utak ko 24/7 katulad ng dati at minsan hindi na ako ganung kinakabahan kapag malapit sya.

Nagkaroon na rin ako ng ibang mga crush... katulad ni King..

Mabait si King. Sobrang kulit at maloko pero gentleman. Super approachable at matalino dahil kasama rin siya sa Top 5 kaso ang ayoko lang sa kanya ay masyado siyang mahangin..dinaig pa niya ang Hanging Habagat sa lakas at babaero..

Simpleng crush lang walang wala kumpara sa feelings ko para kay Blank ... at kung pag kukumparahin ay mas lamang pa rin si Blank...pero malaki rin ang naitulong ni King kasi kungdi dahil sa pangungulit at pang-aasar ay hindi ko nababaling ang atensyon ko kay Blank. Maraming nagsasabi na may gusto raw siya sakin pero hindi ako naniniwala dahil nga bukod sa babero siya ay hindi naman siya nagcoconfess...

Nagtuloy tuloy yung pangungulit niya sakin hanggang sa hindi ko namalayan na nagkagusto na ako sa kanya...nung time na yun ay iniisip ko kung may feelings pa ba ako kay Blank...

Nakakapagtaka lang na these days eh madalas siyang inis..nagugulat nalang kase kami kapag minsang malakas niyang binabagsak ang bag niya o kaya hahampasin niya yung desk niya kasabay ng walang sound na mura...

Napag alaman ko na may nagugustuhan siya sa isa sa mga classmates namin ..narinig ko sa mga kaibigan niya na nagseselos daw kaya ganun ... expected ko na masasaktan ako sa balitang yun pero hindi ...wala akong naramdaman.. yung feeling na "ah ok." ganun and that time naconfirm ko na wala na talaga...na hindi na siya ang mahal ko... MISSION SUCCESS!

Finally Giving UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon