...
Sikat ng araw ang bumungad sa akin. anong oras na ba? tinignan ko ang alarm clock na nasa side table ko. Alas otso palang ng umaga pero kumakaway na si haring araw, parang sinabi "Hoy! bumangon ka na dyan, tanghali na" bago pa ako bungangaan ng aking ina ay bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
Nag unat-unat muna ako, pagkatapos ay nagligpit ng higaan. Nang biglang may kumatok sa pinto, pagbukas ang aking maganda ina pala.
"Zaycharl Vynct T. Santos! ang tagal mo naman bumaba! alas nuebe na wala pa tayong agahan! hala't bumaba para makapagluto ka na!" sabi ng aking ina.
"Good morning po, Ma. Opo bababa na po, hilamos lang ako and toothbrush. Mabilis lang , ma hehe labyu" sabay halik sa pisngi nya. Tumango naman sya at umalis agad.
Pumasok na ako sa banyo at sinimulan ang aking routine. Habang nakatingin sa salamin, pinagmasdan ko ang aking mukha sabay ng sabi "Ang gwapo mo talaga, zay! walang makakatalo sa kagwapuhan mo!" nagpose pose pa ako sa harap ng salamin na akala mo ay nasa isang modeling. Nang magsawa ako, tinapos ko na ang routine ko atsaka bumaba.
Habang pababa ng hagdan, napatigil ako sa narinig ko. Magkausap ang aking ina at ang kapatid namin bunso.
Si Zach. "Ma, alam mo ba kung anong date ngayon?" sabi ni zach kay mama.
Lumingon naman si mama sa kalendaryo at tinignan ang kapatid ko sabay ng "Oo, April 17 ngayon. Bakit? ano ba meron?" tinignan ang anak na para bang nagtataka ito "diba anniversary dapat nila kuya Charl ngayon?" sabi ni Zach rito.
Napaisip ako bigla ng marinig ko ang sinabi ng aking kapatid, oo nga pala haha 4 years na dapat pala kami.
Bago pa mapunta kung saan saan ang iniisip ko agad na akong bumaba "Good morning, people!" bati ko sa kanila.
Pumunta ako sa kinaroroonan nilang lahat at saka pinaghahalikan ang kanilang pisnge.
Lumapit ako kay Zach at ginulo ang kanyang buhok "anong gusto ng kapatid ko na lutuin ko ngayong agahan? hmmm?" nakangiting tanong ko sa aking kapatid.
"Gusto ko ng sinangag na kanin kuya, tapos may itlog tsaka bacon hehe" mabibong tugon nya habang nakapikit.
Hindi namin namalayan ay nakalapit na pala sa amin si ate Vienne at pinagbabatukan kami "Hoy! kahapon nag itlog at bacon na tayo ha! atsaka bakit si Zach lang tinanong mo ha?! favoritism ka Zaycharl Vynct! GUSTO KO RINNN WAAAAAAAAAAHHHH!" pagmamaktol ni ate habang nakanguso.
My, my kapag di ko to pinansin magmamaktol to at guguluhin ako buong araw.
Kaya mas mabuting sundin ko nalang ang hinihingi nya para walang maingay umagang umaga susko naman po "Zach, bukas nalang yung request mo okay? pagbigyan muna natin ngayon si ate Vienne. Bawi ako sayo bukas, promise" bulong ko kay zach habang nakangiti.
Nakasimangot man ay tumango pa rin si zach sa akin. Napakabait na bata ng kapatid ko, kanino pa kasi magmamana? syempre sa akin hehe.
Bago pa magsimulang ang pagmamaktol ni ate ay agad ako nagtungo sa kusina at sinimulan magluto ng paborito nya.
Halos mahigit isang oras ako bago matapos sa pagluluto, agad kong pinaghain ng kanin ang pamilya ko. Nang matapos ako ay tinawag ko na sila.
YOU ARE READING
The Waiting Shed (Short story)
Short StoryA man longing for love and affections A girl scared of attachment A man who's willingly to take the risk A girl afraid of commitment What would two strangers do if they meet in one place? Are they going to stay or leave? Let's witness of a man riski...