Chapter II
Sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko ay di ko na ramdam kung anong nangyayari sa paligid ko. Damn! damn! she's back! paulit ulit na sabi ko sa aking isipan, na akala mo ay isang chant sa cheerdance. Hindi ko man itatanggi pero namiss ko ang mala-anghel nyang boses, I want to pull her and hug her tight. I fcking miss her... pero sa tuwing maalala ko ang ginawa nya, parang gusto ko nalang sya pagtabuyan.
Mahina man ang pagkakasabi nya ngunit sapat na ito para marinig ko. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi ito ang oras para maging marupok ako. Imbis na sagutin sya, ay bumaling ako sa pinsan nitong si ate aly.
"Ano po? tara na? gabi na rin tsaka may gagawin rin ako" pang-aanyaya ko rito, halatang nagdadalawang isip pa ito at nalilito sa nangyayari bagaman tumango pa rin sya kahit nag-aalangan.
Dahil punuan ang fx at wala kaming ibang pagpipiliian, ay naisipan nalang namin na sa jeep nalang sumakay kahit medyo may kahabaan ang pila sa may parkleya. Habang nasa byahe ay panay sulyap ni ate aly sa akin na pawang may gustong nais sabihin. Ngunit sinawalang bahala ko nalang ang mga sulyap nyang iyon, at saka nilingon ang labas.
Mahigit isang oras kami bago makarating sa palengke, agad na pumara ako ng tricycle para mas mabilis kaming makarating sa bahay. Nang malapit na kami ay biglang tumunog ang telepono ni ate aly.
"Hoy! Vienna Zyr! walangya ka! kala ko ba ikaw susundo?! inistorbo mo pa kapatid mong hayp ka!" sigaw ni ate aly kay ate Vienna habang nasa loob kami ng tricycle, narinig ko ang tawa ni ate vienna mula sa telepono.
Nakarating na kami ng tuluyan at binaba na ni ate aly ang tawag ni ate vienna. Pagkababa ng tricycle ay minadali ko ang pagkatok sa pinto, dahil di ko na kaya ang makasama sya. Nang bumukas ang pinto, ang nakataray na mukha ni ate vienne ang bumungad sa akin. Nakapasok kami ng tuluyan sa aming bahay, dinouble lock ko muna ang gate bago isara ang pinto.
"Tuloy ka po, Ate aly" rinig kong sabi ni Zach sa kanya.
"Ate Vienna! andito na bisita mo!" sigaw ni zach sa may hagdan habang nakatingin sa taas. Nilapitan ako ng aking kapatid at nagtanong
"Kuya, si ate althea yun diba? ba't nyo kasama?" sabi nya habang nakatingin sa akin. Sabi nga ba yun ang tatanungin nya, itong batang 'to napakachismoso tss.
"Pinsan pala sya ni ate aly, tapos pinilit niya na sumama sya kaya ayon" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa hawak kong baso ng tubig.
"Ahh, ba't di ka makatingin? mahal mo pa 'no?" nanunuksong tanong nya sa akin. Nilapag ko ang baso ng tubig sa lamesa at ginulo ang buhok nya
"Anong pinagsasabi mo dyan? umakyat ka na nga sa taas at gawin mo yung assignment mo! sumbong kita kay mama, tinatamad ka na naman!" natatawang iling nya sabay akyat ng kwarto.
Pagkababa ni ate vienna ay aakyat na dapat ako nang bigla nya akong tawagin. "Zaycharl! kumain ka na? if di pa sumabay ka na sa amin mamaya ka na magbihis" sabi nya sa akin na may halong ngiti sa mga labi nito, halatang inaasar nya ako. Palibhasa noong kami pa ni althea, sila laging nagkakasundo gusto nya yatang may mangyari tss. Aangal sana ako nang hilahin nya ako papunta sa may hapag kainan, wala na akong nagawa at umupo sa tabi ni ate vienne na nakamasid sa amin.
"Si kuya marco pala? umuwi na?" tanong ko kay ate vienne para maputol ang pagmamasid nito. Nilingon nya ako "Oo, kanina pa" sabay sagot nya sa akin.
"Anyway, ba't mo kasama ang babae na yan?" dagdag na tanong nya pagkatapos humigop ng kape.
Hindi ko pinansin ang kanyang tanong bagkus ay kumuha ng mansanas at kinagat ito ngunit makulit ang bunbunan ni ate, kaya inulit nya ang kanyang tanong. Nairita ako sa tanong nya, maski ako di ko alam ba't kasama namin sya tss.
YOU ARE READING
The Waiting Shed (Short story)
Kısa HikayeA man longing for love and affections A girl scared of attachment A man who's willingly to take the risk A girl afraid of commitment What would two strangers do if they meet in one place? Are they going to stay or leave? Let's witness of a man riski...