Kabanata 1

35 0 0
                                    

Angelica Guevarra

"Hoy Angge! Bumangon ka na nga jan!" sabay sipa sakin ni kuya sa mukha.

Bumangon na ko't nagpunta sa harapan ng salamin. Inirapan ko lang siya.

Tinitigan ko ang aking sarili. Itim na buhok na umaabot sa aking baywang, manipis na labi, may kabilugan ang mata, manipis na kilay, katamtamang ilong at mahabang baba. Ngumiti ako at kumindat sa aking sariling replika.

Pinagsawa ko muna ang aking mga mata sa kakatingin sa pangit kong mukha bago ako pumunta sa banyo para maligo.

Matapos kong magtanggal ng maraming libag saking katawan. Lumabas na ko ng banyo upang magbihis.

Ako si Angelica Guevarra.

Labing-apat na taong gulang. Naghahanap ng syota.

Bumaba na ko para kumaìn.

"Oh angge ito okra kainin mo! Subukan mo lang talagang mag inarte't tatamaan ka sakin" singhal sa akin ng aking ina sabay taas ng isang pares ng sirang tsinelas.

Narinig kong bahagyang tumawa si kuya. Tch

Kumuha ako ng dalawang pirasong okra tsaka ako nagsimulang lumamon.

Nagpapasalamat pa nga ako't pritong okra ang ulam namin ngayong araw, kung minsan kasi'y hilaw na pusit pa ang ipinapakain samin! Hindi daw kasi siya marunong magluto ng ganoon.

Matapos ang mahaba-habang kainan. Tumayo na ko para hugasan ang sariling pinagkainan.

"Oh angge. Ito baon mo!" sabay abot sakin ni nanay ng limang lukut-lukot at maduduming bente.

"Tipirin mo yan ah! Pang-isang linggong baon mo na yan!" pahabol pa niya.

Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap, simple lang ang estado ng buhay namin. Hindi ko nga lang alam kung anong trip ni nanay at sobra kami kung makapag tipid.

Lumakad na ko patungo sa terminal ng dyip.

Halos sampung minuto din  ang ginugol ko sa pag-iintay at pasakay na sana ako ng may isang balyenang sumingit para unahan ako sa pagsakay.

Halos dumikit na ang kanyang malaking puwet sa mukha ko. Hindi muna ako huminga sandali hanggang sa makasakay na ang balyena. Leche!

Nang sa wakas ay nakasakay na rin ako.

Naghanap ako ng pwedeng maupan at ng may nakita akong maliit na space  ay pinagsiksikan ko ang aking sarili para lang makaupo ng maayos.

Nakita ko pang halos humampas na ung mukha ng aking katabi sa bintana ng tamaan siya ng malaki kong bag sa ulo.

Tinignan ko lang siya. Tch

Hindi na ako nagsorry dahil hindi naman siya pogi. Ayokong magsayang ng laway sa isang tulad niya.

Hindi na rin ako nagbayad dahil  nahihiya ako! Baka kasi pag iaabot ko na yung bayad eh wala man lang pumansin sakin! Kahiya hiya naman.

Yaka yan hindi naman halata e.

Ng malapit na ko sa school ay agad na akong pumara.

Hindi yata ako narinig ni manong drayber kaya't nilakasan ko pa ng kaunti.

"Para!!" sinabi ko ng may kalakasan.

"PARAAAA!!" lumagpas na ako't lahat lahat hindi parin humihinto yung mamà. Naiiyak na ko dahil sa pagkapahiya.

Narinig ko pang tumawa ang gago.

Bago ako bumaba sinigurado ko munang tumama ulit yung malaki kong bag sa mukha niya dahilan para mauntog ulit siya sa bintana.

Hah! Serves you right.

***

Pagpasok ko sa school walang tumitingin sakin. Para lang akong isang butiki na dumaan sa gilid nila. Nahihiya aku eh , hanu buh! :'>

Pero wag ka! Peymus ata ako noh! Nakakakuha nga ako ng 25 likes sa loob ng 3 araw pag nag popost ako ng selfie ko sa facebook e.

O diba? Ganda ko talaga!

Anyway eto na, pagpasok ko sa classroom tahimik lang akong naupo sa tabi ng kaibigan kong bakla.

"Tite!" tawag ko sakanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Napahagalpak ako sa tawa. Gravity laftrep talaga ang mukha ng p0ta kapag nagmemake face ang hayup. Mukha siyang crayon mantis sa sobrang payat niya.

Sinampal ko muna siya bago ako umupo. like a boss

At saktong pagkaupo ko eh sa wakas dumating na rin si Tanda.

After 15 minutes

Boringgggg

Mapagtripan nga yung damulag kong kaklase.

Hinablot ko yung notebook ng katapat kong upuan sa unahan.

"Problema mo?" inis na tanong niya sakin.

LUUH!!?

Katakot ang feslak ni kuya. Mukha siyang siraulong baboy na handa ng mangain ng butiki.

Pinapungay ko yung mata ko at dinilaan ang baku baku kong lips.

"Yuckkk!!" Dinig kong sabi niya habang nakataas ang kilay at nakangiwi ang malaki niyang bunganga.

Pakiput pa ang hayup! Pinag-igihan ko pa ang pang-aakit sa kanya.

Tinaas ko ang paa ko sa desk at pinakita ko ang legs kong puro barya.

Tska ko inopen yung dalawang butones ng uniform ko.

Pagtingin ko sakanya.

Mukha siyang asong nauuulol!

Yumuko ako para ilapit ko ang mukha ko sa kanya. At para na rin makita niya yung cleavage ko ahihi.

"Hey piggy, wanna hav some fun?" Bulong ko sa mukha niya.

Nakita kong umasim yung pangit niyang fesz tsaka niya ko binalibag sa sahig tsaka ako dinaganan ng p0ta!

Aruyy!!

"Ang baho ng hininga mo!" Sigaw niya na narinig ng lahat.

A/N: Salamat sa mga nagbasa ng wlang kwentang story na to at pakyu na din! Wag nyong kalimutang ifollow ako ah? Lalo na si @bunnyonthefloor

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon