'Awkward kaya!'
©iammissblue__
All Rights Reserved.
________
"Uy! Ayun na crush mo oh! Hihi, kausapin mo nga! Humanap ka ng paraan para makausap mo siya!" Sabi ni Claire sa akin.
"Oo nga. Parang namang ewan to." Singit ni Ella. She is so cold.
Ako si Mackenzie. Ang magandang babaeng ubod ng ganda. Oo, redundant na siya. Eh paano ba naman hindi magiging redundant, eh sa sobrang ganda ko? Talagang mapapaulit-ulit ka na lang talaga sa kagandahan ko. Talaga bukambibig mo na lang ang kagandahan ko sa sobrang ganda ko. Ganun ako kaganda.
Binatukan ko sila.
"Aray! Bakit mo naman ginawa yun?!" Sabi niya sabay himas sa batok niya. Syempre, si Ella, 'Really don't care' ang drama niya.
"Shunga! Anong gagawin kong rason?! Di niya nga ako kilala eh! At walang pwedeng gamiting rason! At isa pa, baka kung ano-ano sabihin nun! Ang awkward kaya! Duhhhh.." Sabi ko sakanya.
Totoo naman. Kada dadaan siya, hindi ko siya sinusulyapan. Ewan ko, baka mahalata niya eh! Baka magfeeling yung lalaking yun!
"Aray! Bakit?!" Siya naman ngayon ang nambatok sa akin.
"Shunga ka din kasi! Napaka-arte! Sa tingin mo mahahalata niya yun dahil lang tumingin ka?! Hindi! Baliw ka na ba?! Hays. Mamaya na tayo magdebate. Nasestress ang maganda kong mukha. May date pa kami ni Bebe Seven." Sabi niya.
"Tumahimik nga kayo." - Ella. At kumain lang ng baon niyang donut. As usual, monotonous na naman ang boses.
"Magandang mukha?! Aba! Sino nagsabi?! Si Seven?! Huwag ka magpapaniwala dun! Sinasabi niya lang yun para mapaikot ka niya! Sa totoo nga lang, wala ka nun! Yung mukha mo? Mukhang welcome mat! Yung inaapak-apakan. Kaya yun! Yung ilong? Boom pango." At tumawa si Ella. Yung mukha ni Claire? Ayun! Mukhang pinagsakluban ng langit at impyerno. Impyerno, yun, nasunog yung kilay. "At yuck! Bebe? Ang jeje ah!"
"Wow ha! Ang tangos kaya ng ilong ko! Mas matangos pa nga ilong ko sayo!" Depensa niya.
"Syempre pang asar lang yun para mairita ka. Hahaha." Bumelat pa siya sa akin at dumiretso na lang kami sa paglalakad.
Hindi ko na siya sinagot.
Naglakad lang kami papuntang gym nang dumaan sila Josh.
aksjhdhdbdhb
Ang bango talaga niyaaaaaaaa.
"Gusto ko siyang makausap." At nagpout ako.
"Edi sana naghi ka." Sabi ni Ella.
"Duhhh.. A--"
"Ang awkward kaya!" Pagpapatuloy nina Ella at Claire.
***
"Oi, excited ka na ba?" Tanong ni Claire saakin.
"Hindi." Totoo yan. Hindi talaga dahil sobrang kinakabahan ako!
"Sus. Huwag ka ngang pabebe diyan. Sige ka, di ka magkakahonor. Project din yan noh." Pagtuturo ni Mama Ella.
"Oo nga! Itatanong mo lang eh! Wag ka nga maarte! Kailangan natin maka-cream!" Sita ni Claire sa akin. (Cream- Top 1)