Josh

323 19 5
                                    

Kahapon.....

"Ayoko nga! Loko ka. Hindi ko nga matignan ng diretso eh. Awkward kaya. Crush ko kasi eh." Sabi ko kay James na kanina pa ako inaasar.

"Naku! Crush mo lang kasi kaya ganyan! May Patri-Patricia ka pang nalalaman!"

"Hindi ko lang siya crush. Gusto ko siya. Mahal ko siya."

Ako si Josh Constantino. Ang future lolo ng anak ng anak namin ni Mackenzie. Gets niyo ba? Kung hindi, maghintay na lang kayo sa inyong pagtatapos.

***

"Tara na nga. Napaka arte ng kasama nating lalake na nagngangalang Josh." Sabi ni Travis. At pumunta na sa classroom.

Wala namang nangyaring interesting. Buong araw ko lang naman inisip kung anong script ko sa paghello kay Mackenzie.

'Bonjour!'

Pwede na ba yan? Wag na. Pangloser.

'Hi! Tara na?'

Feeling Close.

'Hey. Tayo na?'

Baka mahalata. Double meaning.

'Magandang araw binibini. Halina'y magsimula na.'

Too formal. Aish Ito na talaga...

'3hyy0W p0wzZhHzs! A4J3j3j3....'

Katurn-off.

Pero, ano kaya mangyayari pag ito sinabi ko?! Hahaha!

"Josh! Sit properly! Nakikinig ka ba?" Sigaw ni Miss Boring.

"Sorry miss." At umayos na ako ng upo.

Kainis. Epal.

***

Kinakabahan ako.

"Hi Josh! Start na tayo?" Sabi niya ng ngiting ngiti.

Nagtanong tanong siya saakin, at ganun din ako sakanya. Naging magkaibigan kami, pero syempre medyo awkward parin.

Yun yung pinipilit kong tanggalin.

Nakakainis naman oh. Baka mahalata pa kapag nagkataon.

Pagkatapos namin, bumili kami ng meryenda at nagkwentuhan.

Ang dami ko ring nalaman sa kanya. Galing pala talaga sila sa Japan. Lumipat lang sila dito dahil may business sila. Pero ang good news dun mga pare, dito na talaga sila titira! Mahirap kaya kung lilipat na sila ulit dun sa Japan.

*ringtone ng may tumatawag*

"Ay Josh, teka lang ah, may tumatawag kasi eh. Kakausapin ko lang." Sabi niya.

"Sige." Sagot ko.

At lumakad siya paalis. Pagkaalis niya, pumunta akong cr nang narinig ko na binanggit niya ang pangalan ko.

"Claire! Ella! Mamaya na! May kasama ako!"

"Kasama ko si Josh. Hihihi. Nagdedate kami." Nagulat ako sa sinabi niya. Date?! Project kaya to.

"Joke! Para sa project to. Kayo naman. Greenminded kayo ah!" Ayan. Para tama. Pero parang may kumirot sa dibdib ko.

Aish, Josh. Nagpapakabading ka na naman.

Pero kasi parang gusto kong tawagin tong pagsasama namin as a date. Tsss.

"Grabe. May ikukwento ako sainyo! Bukas na ha? BUKAS. May naghihintay pa kasi sa saakin. Pero grabe kasi! Bakit crush na crush ko talaga tong lalakeng to."

Waht.

Processing...

TALAGA?! YES! DI PA AKO NANLILIGAW, MAY CHANCE AGAD!

Sa sobrang saya, hindi ko namalayan na nakita niya na pala ako.

At..

Lumaki yung mga mata niya pero nginitian niya ako ng nahihiya.

Ngumiti naman ako ng matagumpay pabalik.

The feeling is mutual, Mackenzie.

'Awkward kaya!'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon