Chapter 29

789 24 0
                                    

•••She's back•••

Lizia's POV

"Sino ka?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko

"Tumayo ka zia" aniya

Kahit hindi ko sya kilala ay sinunud ko ang sinabi nya kaya tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap sya

"Ako ang kapatid ni ariana , princess annalies"

Nagulat naman ako sa sinabi nya , sya ang kapatid ni queen ariana? , ibig sabihin sya ang lola ko

"Kung ikaw ang kapatid nya pls... tulungan mo ko , hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko sa kanya ngutin nginitian lang nya ako

Nanghihinga na nga ako ng tulong tapos ngingitian mo lang ako , hanep ha

"Zia hindi mo na kailangan ang tulong ko para makontrol mo ang dark magic na nasa loob mo" aniya


"Pero paano ko naman malalaman ang sagot? Hindi ko na nga alam kung ano ang dapat kung gawin ehhh" sabi ko


"Malalaman mo kung ano ang sagot , naniniwala ako sayo , isipin mo kahit wala kami sa tabi mo , nandyan parin kami sa puso mo , isipin mo yung mga mahahalagang tao na naghihinatay , sumusuporta , at umaasa sayo , zia ikaw lang ang pag-asa naming lahat" mahabang lintaya nya


"Pero saan ko mahahanap ang sagot? Paano kung magkamali ako?" tanong ko na naman


"Pakinggan mo ang iyong puso para sa sagot at sundin ito hanggang sa wakas , ang lahat nagmula sa puso zia , tapang , pamumuno , at pag-asa , gawin mo ito at hindi ka kailanman magkamali" aniya

Tama sya , kailangan kung makinig sa kung ano ang sinasabi ng puso ko , dahil dito ko lang mahahanap ang sagot sa lahat ng tanong ko

"Salamat an-" hindi ko natapos ang gusto kong sabihin ng napagtanto ko na nawala na sya

Lumilingon lingon naman ako pero wala talaga , hindi ko nalang intindihin yun , kailangan ko nang taposin ito para makabalik ako

Lumabas na ako ng kweba , noong una ay yung halimaw ang naghahanap sakin ngayun naman ako na ang naghahanap sa kanya , ayos diba

Naramdaman ko naman ang malakas na hininga na nasa likuran ko paglingon ko ay nandoon yung halimaw

Hindi naman talaga sya halimaw , isa syang wolf na puro apoy at lava ang katawan at mukha lang syang halimaw , napaatras naman ako ng kaunti

"Ako ang kailangan mo diba? Pwes habulin mo ko!!" sigaw ko at tumakbo

Kailangan ko munang makakita ng malawak na lugar bago ako kikilos sa susunod kung gagawin


Anna's POV

Nandito ako sa bundok kung saan kami ni gracie kanina , kasama ko ngayun si kean at sila khim

Nakatingin lang kami sa battle field kung saan nagaganap ang digmaan , marami nang lightesians ang nalalagas pero mas marami naman ang nalalagas sa taga dark clan

"Hindi paba tayo tutulong sa kanila?" tanong ni abby samin


"Hihintayin mona natin si zia , staka na tayo tutulong sa laban , sa ngayun kailangan mona natin gawin ang pinagawa ni zia satin hanggang sa makabalik sya" mahabang tinataya ko sa kanila

Light Academy : The Gangster Queen is the Long Lost Powerful Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon