CHAPTER 9

43 26 5
                                    

GANDA NG KALIKASAN NA SAAN NA?

Kalikasa'y kay ganda nakikita ng aking mga mata
Puno't bulaklak na kay sarap titigan
Hangin ay kay sariwa ang sarap damhin
Ilog na kay linaw ang sarap magtampisaw

Umagang dumaan na diko inaasahan
Nagulat sa aking na datnan
Ang daming tanong sa aking isipan
Na pilit nag hahanap ng mga kasagutan

Ganda ng Kalikasa'y unti-unting nawala
Namunbalik ang mga tanong sa isipan
Na tao ang syang sagot sa aking katanungan
Na sya namang hindi ang mga tugon

Kalikasa'y hindi na gaya ng dati
Ilog na ngayo'y tambakan nang nga basura
Hangin na puro usok
Puno ay sira-sira, bulaklak nalanta

Dati'y ganda ng Kalikasa'y nakikita
Ngayo'y parang bula bigla nalang nawala
Sinubukang ibalik ang ganda ngunit di nakaya
Dahil ang kasama ko pala sa pag balik nito ang unang naninira

Ganda ng kalikasa'y aking hinanap
Nag babakasakaling makita pa
Umasang babalik pa
Pero sinasaktan ko lamang pala ang aking sarili dahil malabo na pala Itong mangyari

Yun na pala ang huling Kita ko?
Sana pala kinuhanan ko ng litrato
Para hindi na sasaktan ng ganito
At ng hindi pa ulit-ulit na dismaya ng ganto


________________________________________________________________________

TULANG NAKAKUBLI SA AKING MGA PALADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon