Para kay ITAY

406 0 0
                                    

Tay. Nagging anemic na ko bigla dahil sa kakasulat ng write up mo in English kaya naisipan kong gumawa muna in taglaog version at baka kapag tinopak na ako maya maya ay pwede ko na lang igoogle translate tong masusulat ko para less pahirap sa akin at less anemia ang kakaharapin ko.

Tignan mo what category ko finall ito. :)

-----------------------------------------------------------------------------------

Una kong gawa:

Kung tatanungin niyo ko kung sino si Kevin, tatlong salita lang naman ang isasagot ko sa inyo, “tatay ko siya.”  Hindi sa dugo at laman pero sa isip at gawa. Kung mas matanda lang siguro siya sa akin ng 20 na taon baka gawin ko na siyang mentor ko pero sa kabutihang palad, magkaedad lang kami. Hindi siya perpektong tao at mas madami pa siyang maling ginagawa kaysa sa tama, pero kahit kailan hindi niya naman pinagkaila sa sarili niya na ganun siya at kahit kalian hindi niya isinisi ang mga mali niyang nagawa sa kahit ano o sino.. Madalas magkamali ang mga tao sa pag intindi sa kanya dahil kakaiba siya mag isip, mahirap intindihin pero kahit na ganun palagi niyang pinagsusumikapan na iparating ng tama sa mga tao ang mga ideolohiya niya. Nakakairita siya at madalas talo niya pa si boy abunda sa pang iintriga pero hindi ka naman niya iiwan sa oras na kailangan mo ng makakasama at balikat na masasandalan. Madalas “B.I.” siyang matatawag dahil sa hilig niyang magyaya sa kung ano anong gawain tulad ng panonood ng sine at paglalaro ng computer games ngunit sa  mga panahon na suko ka na, siya ang magsasabi sayo ng “kaya mo yan, ikaw pa”. hindi talaga siya “parang ama” kung makipag usap o kumilos pero sa mga simpleng bagay na ginagawa niya sayo, mararamdaman mo na nasa tahanan ka ninyo kasama ang pamilya mo dahil ang ama mo na magkahalong pasaway at istrikto ngunit mapagmahal at maaalaga ay nasa tabi mo lang at nagtatago lamang  sa katauhan niya.

Word count: 260 words. Aray. Ulit ako.

Pangalawa kong gawa:

Mabait. Matalino. Makulit.

Wala na atang pang-uri na sasapat para ilarawan ang alien este tao na ngangangalang Kevin Barrion Espinosa. Kaya ilalarawan ko na lamang siya gamit ang tatlong pangngalan: ama, kuya at kaibigan.  Ama, hindi  dahil  “parang ama” siya  makipag usap o kumilos pero dahil kaya niyang maiparamdam sa iyo na kasama mo ang iyong tunay na ama na magkahalong pasaway at istrikto ang pag uugali. Kuya, hindi dahil sobrang tanda na niya ngunit dahil maalaga at masuporta siya sa iyo bata ka man o matanda, may ngipin man o wala. Kaibigan dahil para siyang pinaghalong 7/11 at Batman, 24/7 siyang bahala magpangiti sayo. Sa totoo lang, hindi ko kayang sabihin kung masaya o malungkot ang buhay na walang Kevin pero kaya kong sabihin na kung may pagkakataon akong piliin ang mga taong makikilala ko sa buhay ko, nasa priority list ko siya.

Word count: 144 words. SWAK! hahaha. :)

Para kay ITAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon