CHAPTER 40: PAUBAYA

6.8K 115 54
                                    

CHAPTER 40
PAUBAYA

   
Matapos malaman ang tunay na kalagayan ay hindi ko maitago ang takot at pangamba na nararamdaman ko. Napagalaman ko rin na ako na lang pala ang hindi nakakaalam sa sitwasyon ni Calyx. Alam ito ng magulang niya at maging si Jeremy pero inilihim lang nila sa akin iyon dahil ito ang gusto ni Calyx

Sinubukan kong kumbinsihin Calyx na magpagamot pero ayaw niya dahil maging mga dalubhasang doctor sa ibang bansa na rin daw ang nagsabi na wala na siyang pag-asa.

Inamin rin niya sa akin  na yun yung naging dahilan kung bakit siya nakipag-break sa akin noon. Natakot daw siya na baka masaktan ako kapag nawala siya kaya mas pinili niya na iwan ako noon.

Nakaramdam din ako ng galit pero napapawi ito ng pagmamahal ko kay Calyx. Kaya't imbes na problemahin ang sakit niya ay sinulit namin ang mga araw na natitira sa kanya.

Araw-araw namin hinahatid ang kambal at nagbo-bonding tuwing weekends. Natatakot man sa mangyayari pero sinubukan kong maging matapang para sa aming lahat.

Lumipas nga ang ilang buwan ay sumapit ang buwan na kung saan ano mang araw ay pwedeng  mamatay si Calyx pero laking tuwa naming lahat dahil nalagpasan namin iyon. Hindi sa akin kinuha si Calyx pero ganun pa man ay patuloy pa rin ang pagsusuka niya ng dugo at panghihina ng katawan.

Dalawang buwan na sinula ng malagpsan namin ang taning na ibinigay sa kanya noon ng doctor niya pero heto at kitang kita namin ang himala ng Diyos.

Kasalukuyan kong hawak-hawak ang isang pregnancy test at hinihintay ang magiging tesulta. Ilang sandali pa ang lumipas ay napatalon ako sa tuwa ng makita ang dalawang guhit.

Agad akong lumabas ng bathroom at nilapitan si Calx na ngayon ay nakaupo sa kama habang nagbabasa.

"Calyx, baby." tawag ko sa kanya at ubinaba niya ang librong binabasa. Nang tumigin siya sa akin ay inilabas ko ang kamay na may hawak na PT na nakatago sa likudan ko.

Tatayo na sana siya para lumapit sa akin pero ako na mismo ang pumunta sa kanya  at niyakap niya agad ako. "Magkakaroon na tayo ng panibagong baby." masaya niyang sambit.

Matapos nun ay ibinalita namin ito kina Tito Huey at Tita Felicity na buntis ako at masaya sila para sa amin. Kinahapunan naman ay sinundo namin ang kambal.

"Tuesday, Wedenesday. Magkakaron na kayo ng kaoatid." sabay na svai namin ni Calyx at nanlaki ang mga mata nila.

"Yehey! Magiging Ate na kami." sigaw nila habang nagpapalakpak.

Lumapit sa akin si Tueday at kinapa ang tiyan ko. "Bakit hindi pa po malaki tiyan mo Moma. Di ba pagbuntis big ang tiyan." inosenteng sabi niya at sinegundahan ito ni Wednesday. "Oo nga po Moma, bakit hindi big ang tiyan mo?"

"Sa susunod pa malaki ang tiyan ni Moma." sabi sa kanila ni Calyx.

"Moma, watch po tayo TV." sabi ni Tuesday habang pinapakita sa akin ang remote.

"Tapos na ba kayo sa mga assignments niyo?" tanong ko at tumango silang dalawa. Pinauna ko silang dalawa na pumunta sa entertainment room dahil akay-akay ko sa paglakad si Calyx.

Nalagpasan man namin ang taning na binigay sa buhay niya pero hindi nito binago ang sitwasyon ni Calyx. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong nanghihina ang katawan niya at grabe din ang sinusuka niyang dugo.

"Manonood daw tato ng TV sabi ng kambal." sabi ko at tinulungan siyang lunakad papuntang entertainment room.

"I love tou Savannah" aniya ng makaupo kami sa sofa. Hinalikan ko siya sa pisngi " I love you too Calyx." sabi ko

Habang nanonood kami ay tig-isang nakayakap sa amin ang kambal. Disney Princess ang pinapanood namin pero naiiyak ako.

Naiiyak ako dahil hanggang ngayon ay natatakot ako na iwan na lang ako ni Calyx. Kita ko sa kanya ang pagod at pagsuko na nararamdaman pero hindi niya lang sinasabi sa akin.

Hindi pa man tuluyang natapos ang palabas ay nakatulog na ang dalawa. Isa-isa kong binuhat ang kambal habang iniwan ko muna si Calyx.

"Tara" sabi ko habang nakahanda na akong tulungan siya sa paglalakad. Pataas kami ng hagdan ay wala siyang ibang sinabi sa akin kundi 'I love you'.

"Titingnan ko lang yung kambal." sabi niya at binuksan ko ang pintuan nina Tuesday at Wednesday.

Akay-akay ko pa rin siya hanggang sa tukyang makalapit sa kama ng kambal. Inayos niya ang pagkakakumot sa dalawa at hinalikan sila sa noo.

"Mahal na mahal ko kayo." rinig kong sabi niya at matapos nun ay pumunta na kami sa kwarto namin pero hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa kama ay napatumba siya at sumuka ng napakaraming dugo.

May isang napadaan na katulong at tinulungan akong akayin si Cakyx pahiga sa kama.

"Tumawag ka ng ambulansya at sa mansyon, sabihin mo ang nangya–" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng hinawakan ako ni Calyx sa braso.

"Wag." nahihirapan niyang sabi habang sunusuka pa rin siya ng dugo. Sa sinabi niyang iyon ay sinabihan ko ang katulong na wag ng gawin ang inutos ko kanina

Hindi ko alam ang gagawin habang sumusuka siya ng dugo. Gusto ko siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya. Ilang sandali pa ay natigil ang pagsusuka niya.

Nahiga si Calyx ng maayos na para bang walang nangyayari. Sinenysan niya ako na mahiga na rin at iyon ang ginawa ko.

Nahiga ako sa tabi niya pero patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Magkaharapan kami ngayon at pilit niyang pinapahid ang mga luha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na kung saan suot ko ang singsing na ibinigay niya noong kasal namin. Mas lalo akong napaiyak ng sinimulan niyang sambitin ang wedding vow niya. Hirap man siyang magsalit pero pinilit niya itong matapos.

Matapos nun ay niyakap niya ako. "Ipaubaya mo na ako sa Diyos." sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. "Mahal na mahal kita Savannah. Ipaubaya mo na ako sa Diyos."

Hindi ako nagsalita pero dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa sinabi niya.

"Sara o Calvin ang ipangalan mo magiging anak natin." wika niya at hinalikan ako sa noo at sumunod sa labi.

"Mahal kita Savannah." sambit niyang muli at kasabay nun ay ang pagpikit ng mga mata niya.

Napahagulgol ako habang yakap yakap ang wala ng  buhay niyang katawan.

April 29, 2021. My husband died.

I love you Calyx Mendoza.

Tuluyan na niya akong iniwan.

Tuluyan ko na siyang pinaubaya sa Diyos.







M I S T E R C A P T A I N

Maraming-maraming salamat sa pagbasa nitong Paubaya. Ito na po ang huling kabanata para sa istoryang ito. Ang sunod po ay Epilogo kung saan POV ni Calyx. Mababanggit rin doon ang wedding vows niya para kay Savannah.

May dalawang special chapter po akong ipopost, pakiabangan na lang din po.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon