Chapter 2

142 3 0
                                    

Back to reality. Simula nung nag promise sya lagi na nga talaga kami sabay mag lunch ayaw nya nga ako pagbayarin ng mga foods eh. Kaya ang ginawa ko lagi na lang ako nagpapaluto kay mommy para hindi na sya gumastos. Tapos hatid sundo nya pa ako lagi kaming sabay pumasok. Minsan ang kulit nya, minsan naman ang sungit hindi maintindihan ang ugali buti na lang at nakasanayan ko na. At dahil famous sya sa school namin hindi pa rin maiwasan ang mga insult comments like

"feeling that girl"

"kala mo kung sinong maganda eh mas maganda pa ko dyan eh!" Etc. Yung iba halos patayin na ako sa tingin pero wala naman silang dapat ikabahala dahil hindi naman kami ni cedric at hanggang tingin lang sila. Yung iba naman nagsasabi na

"Bagay talaga sila"

"Sana sila na lang talaga!"

"Swerte nilang parehas, sana forever na yan!" Hanggang sana na lang. Kasi yung feelings ko for him. Wala na nagsawa na din ako kakahintay sa wala pero may konti pa naman mga 10%

  At ngayon nandito kami sa cafeteria kumakain kung dati iniisip ko na may gusto sya sakin. Ngayon hindi na kasi kung gusto nya talaga ako dati pa lang sinabi na nya. For now were bestfriend na. Tungkol sa lovelife nya? Ayun may nililigawan daw sya pero hindi pa nya pinapakilala sakin. At tungkol naman sa lovelife ko. Well may nanliligaw na din sakin gusto ko na ngang sagutin pero ayaw ni cedric masyado pa daw Maaga. Muntanga lang!

*flashback*

"Yiieee. Gusto KO na sagutin si Josh!"

"Tss. Hindi mo pa yun masyadong kilala, masyado pang maaga kaya tumahimik ka dyan!"

"Bakit ba? Eh sa gusto ko."

"Pagkatapos ng J.S saka ka mag Decide ok?"

"Ok! Sabi mo eh! Ikaw yung niligawan di ba?"

"Haha wag ka ng mainis, hindi pa kasi ako ready!"

"Ready for what?"

"Basta..."

*end of flashback*

Ang weirdo nya!

"Hey Cess! Nakatulala ka na naman!. Kumain ka pa oh! Payat mo na! Diet kasi ng diet!" Sinubuan nya ako ng pagkain.

"Pag naging chubby ako baka di na ako magustuhan ng mga nagkaka crush sakin" sabay *pout*

"you know princess kung mahal ka talaga. Kahit anong hugis ka pa! Mamahalin at mamahalin ka nun hindi nila hahanapin ang wala sayo" say ni cedric wow bakit kapag ganyan salitaan ni cedric na aamaze ako. Haha

"Ikaw ba yan? Cedric? Hahah nice naman!"

"Tss. Kumain ka na lang."

"Hey! Cedric and princess!!" Tawag samin ni justine kasama nya si bryan, mga kaibigan ni cedric.

"Oh. Ano naayos nyo na ba?" Tanong ni cedric . may binabalak ano naman kaya yun.

"yes! Master! Tapos na" say ni bryan

"Nga pala princess sino ka partner mo sa Js?" Tanong ni justine

"Uhm. Ewan? Wala pa naman nagyaya sakin eh!" Oo nga pala 1week na lang before JS na. Wala pa din akong ka-partner! Si cedric im sure ka-Partner nyan yung nililigawan nya! Pero teka! Bakit ako affected hayz!

TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon