"THESIS"

65 2 1
                                    

Boy: Hi baby!! Kamusta ka na? Ang

saya saya ko ngayon!!

Girl: Teka lang text ka na lang mamaya.

Busy ako kasi sa thesis namin.

Boy: Ehh mamaya na yan baby. Usap

muna tayo. Miss na kasi kita ehhh :) Girl: Kailangan ko ngang matapos to,

kasi nga malapit na ang due nito.

Boy: Sige na baby, minsan lang naman

ako man lalambing ng husto eh. Gusto

kita makasama ngayon, ipagpabukas

mo na lang yan. Please? :D Girl: Ano ba kase?! Bigyan mo naman

ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo

ba naiintindihan?! Project ko to! Thesis

namin!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!!

HINDI NAMAN IKAW LAGI SAYO IIKOT

ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO I TEXT!!

Boy: Sorry baby. Mahal na mahal po

kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita

mamaya...

Boy: Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka

itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit :D

Boy: Hi baby, hindi ka parin nag

rereply.. Kamusta na po thesis mo

diyan?

Boy: Baby... Di ka pa rin nag rereply..

Nag aalala na po ako sayo... Boy: Baby 10pm na... Dalawang Oras

ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss

na po kita. I love you po...

Boy: Uhm baby.. I love you. Sana po ok

ka lang diyan. Andito lang ako palagi,

malapit na kitang laging makasama :) Girl: Diba sabi ko sayo mag tetext ako

sayo pag tapos na ko dito sa THESIS

ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!?

Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo

maintindihan?! Parang wala ng bukas

eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang!

Boy: Sorry baby.. Ok po.. Goodnight po

sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi,

lagi kitang babantayan. Andito lang

ako, hindi ako mawawala sayo.

. . Kinabukasan .

.

.

Girl: Baby, gising na po. Sorry po

kagabi sa mga nasabi ko. Busy lang

talaga ako. Kain ka na po, papasok na ako..

Girl: Gising ka na, papasok ka na. Text

mo ko pag gising mo..

Girl: Ui, bakit hindi ka pa nagtetext.

Break na namin. Pumasok ka ba? Wala

ka bang load? Ui... Text naman.. Boy: Anak.. Iniwan na niya tayo..

Iniwan na ko ng anak ko at iniwan ka

na rin ng kasintahan mo. Iniwan na

niya lahat ng mahal niya sa buhay.

Nasabi ba niya sayo na may taning ang

buhay niya? Ngayon ang pangatlong taon na ibinigay ng doktor sa kanya,

akala namin hindi totoo, wala naman

kasi makakapagsabi ng buhay ng isang

tao. Pero nagulat kami, hindi na rin

kinaya ng puso niya. Ginigising namin

siya kaninang umaga, hindi na siya nagigising. May huling text pa nga

sayo, na hindi na send ito ang sabi niya

sayo anak " Mag-iingat ka palagi,

masaya ako sa pupuntahan ko, huwag

kang iiyak. Pasensya hindi ko sinabi

sayo, ayaw kong ipaalam sayo dahil ayaw kong mamroblema ka sa

kalagayan ko, pati sa thesis mo, ayaw

kong dumagdag. Hindi ko alam kung

swerte pa kong sisinagan ng araw

bukas. Araw-araw akong nagdadasal

na sana bigyan niya ako lagi ng araw para makita ka, araw para makasama

ka, sobrang mahal kita. Sayang, yung

huling araw ko dito di man lang kitang

nakausap. Pero naiintindihan kita..

Baka nga naman ikabagsak mo pa yan.

Sorry talaga. I love you baby, promise me. Magiging matatag ka. Nasa tabi mo

na ako ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"THESIS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon