P r o l o u g e

3 0 0
                                    

Naglalakad kami ng mga kaibigan ko papasok sa main office ng company na pinagtatrabahuhan ko kase kailangan daw ng testimonies ng bawat trabahante ng kompanya dahil sa isang kaso na naganap sa rooftop. Hay, ewan ko ba sa kanila at mas pinipiling sa rooftop mamatay eh mainit kaya don, like duh? mamamatay ka na nga lang sa initan pa. Pero honestly ito yung pinakaunang kaso ng pagpatay, kung pinatay nga ba, dito sa company kaya malaking problema na naman ito lalo na't sikat ito sa buong mundo.

"Hay, ano ba yan, bakit kailangan pa tayo don eh my date pa kami ng boyfie ko," saad ni Beatrice, isa sa maarte kong bestfriend. Mabuti nga at may pumatol sa kanya eh napakachoosy at bossy pa naman nyan.

"Hoy gaga! Kailangan tayo don dahil baka ituro pa tayong suspect 'nong mga may galit dito sa kompanya," sagot naman ni Charice, bestfriend ko din na may pagka-warfreak. Talagang hindi ka uurungan nyan kapag sya ang kinalaban mo. Iba pa naman yan kapag nagagalit, akala mo demonyo na nakalabas sa lungga nyan sa impyerno, just kidding haha. Pero mahal na mahal ko pa rin yan kasi tagapagtanggol ko yan eh.

Totoo din yung sinabi nyang marami kaming kaaway dito dahil bukod sa magaganda kami ay mas patok yung mga sina-suggest namin about sa pamamalakad ng mga bagay-bagay dito sa pinagtatrabahuhan namin. Hindi nyo rin kami masisisi kasi honor student kami simula elementary hanggang high school pero sa kasamaang palad, hindi ko na natuloy ang pag-aaral ko nung college kasi namatay si Papa. 'Yung sa dalawa naman ay tinamad kasi daw nababalitaan nila na maraming nagpapakamatay na college students dahil sa hirap ng dinadanas nila sa school. Hindi naman daw sa OA sila pero ayaw lang talaga nilang maraming gawain sa buhay. Mabuti na nga lang at tumatanggap ng high school graduate dito dahil kung hindi ay janitress ang bagsak namin.

"Hayaan nyo na lang. Bilisan na lang natin para maaga tayong makauwi dahil susunduin ko pa ang kapatid ko," sabi ko naman. Nasa elementaray pa lang kasi si Ahlliyah kaya kailangan pang sunduin dahil hindi sya pwedeng maglakad pauwi ng mag-isa. Hindi rin pwedeng sunduin sya ni Mama kasi naka-wheel chair na sya dahil sa aksidenteng nangyari two years ago.

"Ay oo nga pala! Nami-miss ko na si Ahlliyah. Kasi naman masyadong busy sa pag-aaral eh ang bata-bata pa lang naman," sabi ni Bea sabay irap. Gustong-gusto nya kasing maka-bonding si Iyah pero sa sobrang daming assignments palagi ay hindi na nakakasama sa akin sa pagbisita sa dalawang bruha.

"Huwag mo kasing itulad sa'yo na tatamad-tamad maggawa ng school works," pang- aasar naman ni Charice sa kanya. Sure ako na magbabangayan na naman yang dalawang yan.

"Hoy, for your information pareho lang tayo 'no. Kaya nga hindi na tayo nakapag-college kasi tinakot mo ako."

See?

"Anong tinakot ka dyan? Tamad ka lang talaga."

Hay.

Pumagitna na ako sa dalawa kasi nakakahiya sa mga nakakarinig sa amin. Nakapila pa kasi kami papasok sa elevator kaya marami ng nakatingin at nakikinig sa amin.

"Stop it you two, ang dami ng chizmakers na nakikinig sa inyo. Gosh nakakahiya," mahinang sabi ko sa dalawa para tumigil na sila kaya 'yon nagtarayan na lang at humalukipkip.

Thanks God nakasakay na kami sa elevator. Hindi na kami nag-abalang pumindot ng floor dahil sure ako na pare-pareho lang naman ang pupuntahan namin.

Pagkalabas namin ay dumeretso na kami sa main office at tulad ng inaasahan ko ay nandito rin ang mga taong may matataas na posisyon dito sa kompanya pero ang hindi ko inaasahan ay ang taong dumurog sa buong pagkatao ko.

"A-Athena," sabay na sabi sa akin ng dalawang kaibigan ko.

"So people! This is former Police Officer Lyndon Cross Dela Vega, FORMER so meaning dati at hindi na ngayon. Nag-quit kasi sya sa hindi namin malamang dahilan haha. Pamangkin ko sya dahil kapatid ko ang Mommy nya at kaya sya nandito ay para matulungan tayo sa pagso-solve ng kaso sa rooftop so... please be nice at him," mahabang sabi ng aming CEO.

Parang hindi ko yata kayang maging nice sa kanya. Sa lahat ng pulis bakit sya pa? Akala ko ba umalis na sya ng bansa? Akala ko ba hindi na sya magpapakita ulit sa akin?

Ang dami kong akala....

Parang nanginginig ang tuhod ko habang nakatingin sa kanya.

Dahan-dahan nyang iginala ang paningin sa aming lahat at kitang-kita ko ang gulat na bumalatay sa kanyang mukha noong nakita nya ako.

Sino nga bang hindi?

Sya lang naman yung taong sumira sa akin at sa pagtitig nya sa akin ay bumalik lahat ng mga alaala ng nakaraan.....

"Cross," kasabay ng pagsabi ko ng kanyang pangalan ay sya ring pagpatak ng aking luha.

Nagtatakbo ako palabas ng main office habang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha.

Nakita ko na ulit siya...

Ang may-ari ng baril kung saan nanggaling ang balang tumama sa puso ni Papa.

Ang taong dahilan ng pagkamatay ni Papa...

Ang taong sumira sa pamilya ko...

At ang taong minahal ko...

Nandito na ulit sya...

Nakabalik na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catching You (Officer Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon