~

12 0 0
                                    

Bruce's POV


Habang naka upo ako dito sa lugar kung saan ako nakapwesto, nakita kong dumaan si Charlene sa harap ko

"Titig ka nanaman kay Cha" sambit ni Jano

"Tara, hanapin natin bebe mo" sagot ko sakaniya

Sinapak niya ako at sinabihan ng "Lakas makachange topic at mag aya umalis dumating lang naman si Cha"

"Bahala ka diyan, aalis na ako" sabi ko habang naglalakad palayo

"Deny kapa, kuya Bruz. Ideny mo lang yang feelings mo" rinig ko pang sabi niya

Habang naglalakad ako papunta sa may open area para tumambay napa isip isip ako

Oo nga no?

Paano kaya kung dinedeny ko nalang sa sarili ko?

Umabot na ako sa open area at pumunta sa balcony para mag isip isip

"Bruz, hindi mo pwede magustuhan si Charlene, okay?" pagreremind ko sa sarili ko

"Wala naman mawawala kung aaminin mo sa sarili mo kung gusto mo siya eh" sagot ko pa

"Hindi pwede. Hindi ka pwede ma fall kay Charlene. Walang wala ka sa mga manliligaw non. Nasa taas yon, nasa baba ka. Hindi pwede, Bruz okay?" paglilinaw ko pa

Para akong tanga na kausap yung sarili ko

Kinuha ko yung camera ko at tinignan ang mga stolen shots ni Charlene na kuha ko

"Hindi raw gusto pero titig na titig sa mga pictures ni Charlene" pambibigla ni Jano sakin

Tinago ko agad ang camera na hawak ko

"Bwiset ka, Jano! Muntik ko pa mabato yung camera ko ng wala sa oras" sabi ko

"Eh deny ka kasi ng deny. Andon na sila, tara na" sagot niya at umalis na

"Wala, malabo" sabi ko nalang sa sarili ko at sumunod na kay Jano

Ilan minuto lamang ay lumipas ay nandito na ulit kami at andito nga si Charlene kasama ang mga barkada niya

"Ayan! Bruz" tawag niya

Napalingon lang ako sakanya at ngumiti

Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ang camera ko

"Bruz?" tawag ulit ni Charlene sakin

Napansin ko na papalapit siya sakin at hawak niya ang camera niya

"Okay lang ba magtanong?" sabi niya at tumabi sakin

Tumango lang ako at ngumiti

"Paano ba to? Bigla kasi nag blur eh" sabi niya at inabot ang camera niya sakin

Tinuro ko sakanya ang dapat niyang gawin at inayos ko na rin yung camera niya

Yinakap ako ni Charlene at bumulong ng "Thank you, Bruz"

Ngumiti nalang ako sakanya at bumalik na siya sa mga kaibigan niya

"Uy plus points yon ah" sabi agad ni Jano

"Uy kuya Bruz, tumitiklop ka kay ate Cha ah" sunod pang sabi ni Elaiza

"Grabe kayo sakin ah! Hindi naman. Nagpatulong lang siya sa camera niya" pagpapaliwanag ko

"Charlene lang magpapatiklop kay Bruz" sabay pang sabi ni Jano at Elai

----

As the time goes napansin ko na lagi ng nakadikit sakin si Cha

TinatangiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon