Chapter 5

34 5 4
                                    

Updated: April 10 2021
Edited: June 23 2021



Chapter 5

Sa mga sumunod na araw dedma ang ganap sa pagitan namin ni Gabin. Umiwas ako na mapapunta sa College Building. Si Calyp naman, well as usual naging madalang ang pag-uusap namin dahil madalas ko siyang makita na kasama si Amara. Mas okay na siguro 'to, atleast hindi man kami nag-iiwasan alam ko na ako pa din ang bestfriend niya na sobrang suportado kahit masakit na pa din sa part ko na may gusto siyang iba. Makakalimutan ko din siguro ang pakiramdam na'to.

"Uyyy okay ka lang? Haha si Buwan na naman ba ang iniisip mo at napakatahimik mo?" - si Mary

"Buwan? Hala sino 'yon?" si Nadia

Inirapan ko lang lang ito. Wala akong panahon na patulan ang pang aasar nila ngayon! Vacant time, 2 teachers namin ang wala ngayong pahapon dahil kasama sa mga aatend ng seminar sa ibang lugar. As usual may mga activity na naman iniwan. Pero dahil maaga kaming nakatapos ni Mary lumabas muna kami at mag excuse sa president. Buti na lang pinayagan kami na pumuntang cafeteria. Well eto namang si Nadia, sumunod lang samin ni Mary. I don't know pero after kong ma-guidance medyo napapalapit sa'kin ang babaeng ito na nakasundo naman ni Mary.

"Ayyy! Maging observant ka lang Nadia, you'll notice it! Pamisteryosa kasi hindi naman maganda!" pang-aasar ni Mary na tila tuwang tuwa pa.


"Isa pang imik mo Mary, may kalalagyan ka mamaya!" pagbabanta ko dito na alam niyang napipikon ako.

"Hahaha ayyy ganda mo girl?!" natatawa pang sabi ni Mary.



"Hala malihim ang mga bruhilda?" tila may himig ng pagtatampo sa boses ni Nadia.



"Wala 'yon Nadia. Ma-issue lang talaga yang bansot na yan!"



Nasa kasarapan kami ng pagkain ng biglang mag ingay sa cafeteria. Napalingon kaming tatlo sa mga taong bagong pasok na tila mga sikat. Mga babaeng kinikilig dahil may college student na naman ang napadpad dito.


"Anong ginagawa ng mga COMSci Department dito? Wala ba silang klase?" takang tanong ni Mary.


"Ah kapag ganitong oras talaga vacant time ng mga yan. I know them. Mga ML players at kilalang kilala sa College Department" si Nadia


Tss. Of course  I know them. Base naman sa collar ng uniform nila makikilala mo agad. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa table at kinain ang burger na inorder namin. Hindi ako interesado sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala sa mukha o maging sa pangalan. Pansin ko naman na kaharap na ni Mary ang cellphone niya habang hindi naman maalis ang tingin ni Nadia sa mga ito . Hindi na din ako magugulat kung kilala sila nito, aware akong tambayan niya ang kabilang building, dun siya nawili dahil naopen niya sakin na nandoon daw crush niya. Tss. May ugaling Mary din.


"Bakit parang may kulang sa kanila?" takang tanong Nadia.



"Uhh? Bakit parang big deal sa'yo kung kulang? Napapaghalata kang gala sa College Building Nadia!" si Mary na todo kalikot sa cellphone.



"Nakasanayan ko lang na kumpleto yang barkada nila. Wala si Raizel."


Bigla akong nasamid sa sinabi ni Nadia.Napalingon ang dalawang bruhilda pero alam kong kakaiba na agad ang tinging makukuha ko kay Mary. Naku wala pang alam 'tong si Nadia. Hindi ko man kinukwento kay Mary ang nangyari samin noong nakaraang araw sa field, matagal na niya kong inaasar kay Gabin. Some students called him Raizel at ako lang ata ang madalas tumawag ng second name niya na binibigyang meaning ng kaibigan kong baklita.



Under The Moon Clouds (Major Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon