MARCO MENDEZ
Nakaharap ako sa maliit naming salamin sa may tukador. Ngiting-ngiti ako habang sinusuklay ang bagong gupit kong buhok. Umpisa na ng second semester namin. Alas otso pa ang pasok ko sa isang mamahaling University. Mahirap lamang ang mga magulang ko kaya hindi nila kayang pag aralin ako doon mabuti na lamang at pumasa ako bilang skolar. Subrang saya ni mama ng malamang nakapasa ako. Matataas din ang marka ko sa kursong Engineering.
"Kuya dadaan ka ba sa school ko mamaya?" tanong ng bunso kong kapatid.
Nginitian ko siya at saka medyo bumaba para makapantay ko ang muka niya. Nakasuot na siya ng kaniyang uniporme. She's grade 5 now.
"Kapag maaga natapos ang klase ko ay susunduin kita.." nakangiting sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at saka humalik sa pisngi ko. Naglalambing.
"Oh baon mo.." nagliwanag agad ang muka niya pagkabigay ko nong limampung-piso.
"Salamat kuyaa.." tinanguan ko nalang siya at saka ginulo ang buhok niya.
Napasimangot agad siya sa ginawa ko. HAHAH ayaw na ayaw niya kasing ginugulo ko ang buhok niya.
"Oh bat ang saya nong kapatid mo? nanghingi nanaman ba ng baon sayo?" Nginitian ko nalang si mama at saka kinuha ang uniporme ko na pinalantsa niya.
"Ma hayaan niyo na..minsan lang naman sakin humingi si Diane.." umiling nalang si mama sa sagot ko.
Natapos na kong kumain pero hindi parin bumaba ang isa ko pang kapatid. Wala nanaman atang planong pumasok ang isang yon. Third year high school palang siya pero masyado ng bulakbol.
"Ma!wala nanaman bang planong pumasok si Jomer?" tanong ko kay mama na nagwawalis na sa labas ng bahay.
Tumigil ito saglit at saka bumuntong hininga. Namomroblema nanaman si mama. Masyado kasing pasaway ang kapatid kong iyon.
"Baka mamaya pang hapon..halos alas dose narin kasi iyon nakauwi kagabi." Wala na talagang pag asa na magtino pa ang isang iyon.
"Ma pagsabihan niyo naman kasi..simula ng iwan tayo ni papa naging ganyan na yan." malungkot na ngumiti si mama saakin at saka tumango.
Naaawa na ko kay mama. Mag isa niya nalang kaming binubuhay dahil ang magaling kong ama ay iniwan na kami. Sumama don sa babae niya. Kaya kapag walang pasok ay umeextra ako sa isang restaurant bilang waiter.
"Bro! mamaya may game kalaban natin taga kabilang University." salubong saakin ng kaibigan ko Pagkapasok ko sa room.
Isa-isa silang umapir saakin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Taga kabila. Yong mga mayayabang na pati laro ay sineseryoso.
"Sino nagyaya?sila ba?." tanong ko sa kanila.
"Pustahan daw..limang libo." tumango agad ako sa sagot nong isa kong kaibigan. Lahat kami ay engineering ang kinukuha.
Limang libo. Kapag nanalo kami may isang libo ako. Malaking tulong nayon sa gastusin namin sa bahay.
Nang matapos ang klase ay dali-dali na kong umuwi. Hindi ko na nga nasundo si Diane. Magtatampo nanaman iyon. Pagdating ko sa bahay wala si mama wala rin si Jomer.
Naligo muna ko ng mabilis dahil medyo mainit. Pagkatapos ay isinuot ko na ang sapatos ko na ipinatahi ko nong isang linggo. Wala namang problema sa Jersey ko dahil medyo bago pa ang mga ito. Palagi kaming may sponsor ng uniporme kaya wala akong problema.
Pagdating ko sa court nandon na lahat ng kaibigan ko. Hawak ni Kim yong bola at agad na ipinasa sakin nong makita niya ako. Nasalo ko ito at agad na nag dribble.
"Ano magsimula na ba tayo?." Tanong nong matangkad at maangas sa kabilang team.
Nagsimula agad kami gaya ng napag usapan. Shooting guard ako sa aming team. Sa una ay ayos lang. Pero nong mga kalagitnaan ay medyo umiinit ang laban. Namemersonal sila.
Nong matapos ang laro at kami ang nanalo. Maangas na naglakad palapit samin yong kalaban namin. At saka ibinigay nong matangkad yong pera kay Kim.
"Ano to?.mga tol ang usapan natin ay limang libo..bakit apat lang to?." napalingon din kaming lahat sa nag iinit na agad na si Kim.
"Yan lang nakayanan namin eh.." ngumiti pa yong loko. Nang iinis.
"Gag*han ba to pre?!.malinaw ang usapan natin!. Kung hindi naman pala kayo susunod sa usapan di sana hindi nalang tayo naglaro.! Nagsayang lang kami ng pawis sa inyo.!" Sigaw ni Kim sa kanila. Hinawakan na siya ng iba pa naming kaibigan.
Ngumisi lang ang kabilang team at saka sumenyas yong matangkad. Nong una ay hindi ko naitindihan kong ano yon. Pero nong makita ko ng magsilabasan ang mga lalaki at may dala pang mga tubo ay kinabahan na agad ako.
"Putang ina! sabi ko na marumi silang mag laro.!" galit na sabi ni Michael.
Napamura narin ako ng halos sabay-sabay silang magsisugod saamin. Walang problema sakin dahil marunong naman akong makipaglaban. Pero may mga tubo sila. Delikado.
"Tang ina! sibat na tayo.!" sigaw ko sa mga kasama ko.
Halos sabay sabay kaming nagsipagtakbuhan. Kanina lang ay kasabay kong tumakbo si Gab pero bigla nalang itong nawala sa tabi ko.
Paglingon ko ay nakita ko ng nakasunod saakin ang isang motor. Shit! kapag hindi ko binilisan ay maabutan nila ako.
Lumiko ako sa isang isang makahoy na daan. Narinig ko na nasa malapit lang yong tunog nong motor. Kaya binilisan ko pa ang takbo. Mahirap na baka maabutan nila ako.! Takbo lang ako ng takbo.
Sa di kalayuan ay may nakita akong malaking bahay. Mukang walang tao. Mas binilisan ko pa ang takbo palapit sa bahay. At ng makalapit aki binuksan ko agad ang napakalaki nitong pinto.
Hawak ko ang dalawang tuhod ko habang sunod- sunod ang paghinga. Hingal na hingal ako. Nang maayos na ang paghinga ko ay tumayo na ako ng diretso. Ngunit agad din nanlaki ang mga mata ko at kinilabutan din ako ng todo dahil sa nakita ko.
Sa kaharap kong hagdan ay isang babaeng nakasuot ng kulay puting damit na hanggang tuhod ang nakatayo. Mahaba ang itim na itim nitong buhok at natatakpan pa ang ibang parte ng muka nito. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin saakin.
"Sino ka?!" galit nitong sigaw saakin.
Bago pa ko makapag react ay nasa harap ko na siya. Shit! bat ang bilis niya?. Hinawakan niya ko sa leeg at buong lakas na isinandal sa pader. Galit na galit parin itong nakatingin saakin. Nanginginig din ang mga kamay nito habang nakahawak sa leeg ko.
"Miss t-teka.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mas idiniin niya pa ang pagkakasakal saakin. Oh fuck! nahihirapan na kong huminga. Ito na ba ang katapusan ko? Lord naman! hindi pa nga ako nagkaka girlfriend eh.!
"Lily! Diyos ko! bitawan mo siya.!" salamat naman at binitawan niya ako pagkarinig niya non.
Hawak ko ang leeg ko habang habol nanaman ang paghinga ko. Kainis naman! Ang malas ko ngayon ah bakit palagi akong naghahabol ngayon ng hininga?.
Nong makabawi ay inangat ko na ang ulo ko at tumingin sa kanila. Nanlaki nanaman ang mata ko dahil sa nakita ko. Nakayap yong babae kanina kay mama. Litong lito ako habang nakatingin sa kanila. Sino siya?! sino ang babaeng ito na muntik ng pumatay saakin?! at bakit siya yakap yakap ni mama.?Nagulat din ata si mama dahil ako yong nakita niya sa harap nya.
YOU ARE READING
Lily ( On Going )
Mystery / ThrillerLily is a girl who've experienced excruciating. She used to lived in her own world inside their big but desolate mansion. After her parents and brother got murdered she locked herself on it. NOBODY CAN GO IN! EXCEPT HER! As the years goes by she suf...