1
"Raaley's P.O.V"
Nanggagalaiti na hinabol ko si Rycko -ang lalaking nahuli mismo ng dalawa kong mata.
And he's my boyfriend.
Yes. He is my boyfriend but I think he didn't even considered me as his girlfriend. Dahil nahuli ko lang naman siya na may kahalikang ibang babae.
At hindi ko alam kung saan ako nagagalit.
Dahil ba sa niloko niya ako o dahil sa kahihiyang binigay niya sa akin dahil meron na nga siyang ako pero nangalantari pa ng iba?
Naaalala ko ulit ang nakita ko kanina sa Gym. Fresh na fresh parin sa utak ko ang nakita.
Parang nakakagago lang.
Papunta ako ngayon sa gym para e-cheer si Rycko.
He is one of the l basketball player.
Gumawa pa ako ng banner para sa kanya. I'm willing to cheer for him.
Papasok pa lang ako sa gym ay pinagtitinginan na ako ng mga ka school mates ko.
What's with the look?
Hindi ko na lang sila pinansin at nag patuloy sa pag lakad. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng lahat mula sa loob.
Nag simula na ba ang laban?
Nangunot ang noo ko dahil hindi pa naman nagsi- simula ay ang lakas na ng hiyawan nila.
Excited much sila?
Napatigil ako sa pag hakbang dahil sa nakita. It seems he did forget na may nobya pa siya ah...
Lumubo ng pisngi ko para mapigil ang pag sigaw dahil sa galit na nakita ko ngayon.
My Rycko Antanduis were kissing a girl at nakakandong pa ito sa boyfie ko!
Hindi ko na alam kung anong pumasok sa isip ko. Bigla na lang nandilim ang paningin ko at taking sinugod sila ni Rycko at ang babae.
"Raaley! Please, pag usapan muna natin ito!" tarantang pakiusap nito.
Anong pag usapan? Eh hindi nga rin namin napag-usapan na may hahalikan pala siyang iba. Pag uusapan pa namin?
He said I will be the one he will love and kiss!
But hell!
He's kissing another woman.
Ang sakit lang kasi nakita ko mismo ng dalawang mata ko ang harap harapan nitong panloloko sa akin. At ginawa pa talaga niya in public na parang wala siyang girlfriend na masasaktan.
At ngayon gusto niyang pag usapan namin ang ginawa niyang panloloko? Hindi rin naman ako TANGA para maniwala sa kanya kung ano man ang reason niya.
"Rycko Antanduis! I hate you!!" gigil na sigaw ko kahit ramdam ko na pagtulo ng luha ko.
Pinagigitnaan namin ngayon ang mesa. Hinabol ko siya kanina pero tumakbo lang ito palayo sa akin. Takot na masuntok ang mukha niyang nakakagago.
Gusto ko lang makasuntok kahit isa sa mukha niya at kapag nagawa ko yun?
Siguro kakalma pa ako pero ayaw nito magpa-suntok kaya ang ending habulan kami ngayon.
Marami na ring studyante na pinagtitinginan kami. Kilala ang pangalan na Rycko Antanduis dahil isa ito sa mga sikat na basketball player sa buong campus.
Marami na rin ang nag v-video sa amin pero wala akong pakialam. At wala akong ibang naririnig na boses kundi ay ang sigawan lang naming ni Rycko.
Good thing dahil binigyan kaming dalawa ng privacy kahit nasa cafeteria kami ngayon.
"Do you think makakausap mo pa ako ng matino pagkatapos ng ginawa mo?!" sigaw ko.
"I know it's my fault, babe -"
Naputol ang sasabihin ni Rycko dahil sa mahinang tawa ng isang pakialamero.
Napatiim bagang ako nang makita ang pagmumukha ng taong mas kinaiinisan ko at kaaway ko. Kahit dito pakialamero pa rin siya.
Lumabas ito sa kumpulan ng mga estudyante. Malamang na kanina pa ito nanonood sa sigawan namin ng kaibigan niyang si Rycko.
He's wearing his usual smirked he used to. "It's not your fault, dude." he said. "Siya lang yata ang hindi makaintindi sa'yo." he added.
Ano na namang pakulo ng lalaking ito? Is he trying to say na ako pa yata ang may problema?
I glared Memo. "Don't interfere here, Memoshiro Alejandro!" I shouted.
He chuckled and pouted his lips. "Why so mad, my Alley?"
"Don't you dare call me that name! Memory Card!" I shouted at him.
Nakarinig pa ako ng impit na tawa mula sa ibang mga nanonood sa amin. Sa halip ay tinawanan lang ako nito at binalingan ng tingin si Rycko manloloko.
"Rycko bro, bakit nga ba may kahalikan kang iba?" iiling-iling na tanong nito.
Ang kaninang mata na nakatingin kay Memo ay nabaling kay Rycko. Sobrang tahimik ang buong paligid ng cafeteria na parang walang makahinga dahil sa paghihintay ng sagot ni Rycko.
Bumuka nga ang bibig nito pero nag aalangan sa sasabihin. Nagpapauto ba siya sa Memoshiro na ito?!
Such a Coward, Rycko.
This time pumalakpak na si Memo para malagaw ang atensyon ng lahat ng mga studyante.
Memo laughed "Parang alam ko na yata ang sagot.." tumaas ang sulok ng labi nito at tumingin sa akin.
"You are not a good kisser, my Alley."
Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig imbes na kay Rycko ako nagalit ay nabunton yata lahat sa lalaking pakialamero na ito na basta na lang sumulpot sa away namin.
At alam kong isang salita na lang niya ay sasabog na ako sa galit.
May narinig na rin akong mga hiyawan mula sa iba.
"Yown! Burn!"
"Yawa! Akala ko importante na!"
"Hey! Raaley babes, you can do the practice with me!"
Oh! How i hate you Memoshiro Alejandro!
Hindi ko na makontrol ang sarili ko at sinugod ko na talaga ang pakialamerong lalaking ito. Hinanda ko ang kamay ko para abutin ang buhok nito para sabunutan.
"Bakit ba ginagawa mo sa akin ito?!" sigaw ko nang nahuli ang buhok nito.
"Shit!"
Nagpapasalamat talaga ako dahil megjo may kahabaan ang buhok niya at nakakasabunot pa ako. Pero ang daya dahil ako ang babae dito at ako ang talk sa sabunutan namin at ang tangkad rin ng bwesit!
"Whoo! Raaley ang manok ko!!"
"Gags! Bente pusta ko kay Shiro!
"Sa chicks ako!"
Anong- pinagpupustahan pa talaga kami?! Ang daya nito! Babae laban sa lalaki? Hindi ba nila alam ang salitang pigil at hindi man lang nila kami pipigilan sa sabunutan?!
Sa inis ko ay sinipa ko ang sikmura ng Memory Card na ito pero agad rin akong napamura dahil hawak nito ang mahaba kong buhok kaya pareho kaming natumba. Kinuha ko iyong pagkakataon para makadagan sa tiyan niya at walang habas na inuga-uga ang ulo nito sabay sabunot.
"Walang hiya ka!" gigil kong sigaw sa pagmumukha niya.
Nakangiwi ito pero bakas ang pagkaenjoy sa mata na makita ang pagkapikon ko sa kanya.
"Shit! Babe!" he cursed. "Kailangan ba talaga dumagan ka?" mas lalong nanggalaiti ako sa galit dahil sa sinabi niya.
"Manyak! Manyak! Manyak!" sigaw ko at pinaghahampas ito.
"All of the students here go to the Discipline Office now!"
No! This isn't happening!
BINABASA MO ANG
Teenager's In Love (On-notes)
Teen FictionThey say I am a childish brat na walang magawa kundi ang makipagaway na lang but I'm not at iyun lagi ang ipinapamukha sa kanya ng isang Memoshiro Alejandro. Sa tuwing nakikita niya ang isang taong pinaka ayaw niyang makita, she can't control her an...